CHAPTER SIXTEEN

2.6K 67 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

UNTI-UNTI'NG gumuhit ang maganda'ng ngiti sa labi ni Jazmine. Kung ano man ang ipinagtatampo niya dito kanina ay tila alikabok na nilipad ng hangin palayo.

"Alam mo ang name ko?" ipit ang boses na sabi niya. Syet lang! Kinikilig siya ngayon at parang gusto niya'ng magtatalon at mag-tumbling.

Kyle sighed. "Kasasabi ko lang, di ba?"

Tinalikuran siya nito. Humabol siya dito. Maganda ang pagkakangiti niya at tila ba napakaaliwalas ng mundo para sa kanya.

"Nasaan nga pala si Mackey? Hindi mo yata siya kasama?"

"May klase pa siya."

"At ikaw ay wala na?"

"Irregular student siya kaya may mga subjects siya'ng hindi ko kinukuha."

"Ahh... Ano'ng year na ba talaga si Mackey?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang. Wala ako'ng maisip na pag-uusapan natin, eh."

"Bakit hindi ka na lang tumahimik?"

"Magugunaw ang mundo kapag tumahimik ako, 'no." Binuntutan niya iyon ng tawa. Nilingon niya ang mukha ni Kyle. Hindi ito nakangiti, pero hindi rin naman ito nakasimangot. Maaliwalas lang ang mukha nito. May panibagong batch ng kasiyahan na sumilid sa puso niya.

'Mas gwapo siya kapag ganito ang mukha niya. At in fairness, lahat ng sinasabi ko, sinasagot na niya! Argh!' Kinikilig na talaga pati ang bangs niya!

May sasabihin pa sana siya nang agawin ng ringtone niya ang pansin niya.

Agad na hinagilap niya ang cellphone sa bag, She saw her dad's name on the screen. Sinagot niya iyon.

"Dad?" bati niya dito.

"Jaz, uwian niyo na ba?"

"Yes, dad. Bakit po?"

"Hindi kasi kita masusundo ngayon. Nagkaroon ako ng biglaang meeting. Mag-uutos na lang ako dito para ipasundo ka--"

"Hindi na po. I can manage. Huwag na kayo'ng mang-abala pa d'yan."

"Are you sure? Baka naman mahirapan ka na naman na makakuha ng taxi?"

"Hindi po. Okay lang talaga ako."

Sa pagka-focus niya sa pakikipag-usap sa phone ay hindi niya napansin ang mga nagkukulitang lalaki na nakasalubong nila. Muntik na siya'ng mabangga ng mga ito kung hindi lang siya hinila ni Kyle paiwas sa mga ito.

Nangingiting napatingin siya sa malambot na kamay nito'ng nasa braso niya. Pagkuwa'y sa mukha nito. Nasa daan ang pansin nito at tila wala lang dito ang ginawa. Binitiwan din siya nito kaagad nang makalagpas sa kanila ang grupo ng mga lalaki.

Napabuntong-hininga ang kanyang ama sa kabilang linya. Nabaling dito ang kalahati ng diwa niya.

"Alright. Mag-text ka kapag nakauwi ka na, okay?" Hindi na nito ipinilit ang gusto.

Hindi niya ala kung matutuwa o maiinis sa kahigpitan nito.

"Sige po," sabi na lamang niya. "Sige, dad. Ingat ka na lang d'yan."

"Sige, sige. Ikaw din."

Nang mawala ito sa linya ay bumaling siya kay Kyle.

"Thanks."

Tumingin ito sa kanya na parang sinasabi'ng, "For what?"

"Sus! Alam mo na iyon!" Hinampas niya ito sa braso. "By the way, pwede ba'ng makisabay pauwi? Hindi ako susunduin ni daddy ngayon, eh."

"Hindi."

"Kahit hanggang sa waiting shed lang sa labas?"

"Hindi pwede."

Napasimangot siya. "Bakit hindi pwede?"

Hindi ito sumagot. Nanlulumong napabuntong hininga na lamang siya. Di bale, saglit na lakaran lang naman at mararating na niya ang waiting shed sa labas ng university compound.

Inihatid na lamang niya ito sa kinapaparadahan ng motorbike nito. Matapos buhayin ang makina ng motorbike ay nilingon siya nito.

"Ano'ng tinatayo-tayo mo d'yan?"

Nagulat siya. Nakaharang yata siya sa daan. Bahagya siya'ng lumayo doon.

Pinandar nito ang motorbike at tumapat iyon sa kanya.

"Sumakay ka na."

Nabibiglang tumingin siya dito. "A-ano?"

"O, sige. Huwag na lang."

"Sandali!" Pinigilan niya ito nang akmang papatakbuhin ang motorsiklo. Agad siya'ng sumakay sa likuran nito. Mahirap na. Baka tuluyan pa'ng magbago ang isip nito. Napangiti siya nang makapwesto. Naka-skirt siya kaya patagilid siya'ng naupo. Carry lang. Kahit ano'ng behikulo ang sakyan niya, basta kasama si Kyle, okay na okay lang.

At isasakay din naman pala siya. Umaayaw pa!

Pinatakbo ni Kyle ang motorbike palabas ng university. Hindi gaya ng inaasahan niya'ng ibababa siya nito sa waiting shed, nilampasan lamang nila iyon.

Sinabi niya dito ang address ng bahay nila. Bahagya'ng nilingon lamang siya nito at ibinalik kaagad ang pansin sa daan.

Kumapit siya sa laylayan ng damit nito. Hindi niya kasi alam kung saan kakapit sa ganito'ng posisyon. Isa'ng kamay lang ang naihawak niya, ang isa kasi ay bitbit ang ilang books niya. Hindi tuloy siya maka-tsansing kay Kyle.

"Kyle, may ka-date ka na sa acquaintance?"

"Huwag ka'ng kumapit sa damit ko. Masisira," bagkus ay sabi nito. Kinuha nito ang kamay niya at ipinaikot iyon sa bewang nito.

Sa ginawa nito ay napalapit ang katawan niya sa likod nito. Nag-init ang mga pisngi niya. Pakiramdam niya ay nabuhay na naman ang makukulit na daga'ng nagkakarerahan sa puso niya. Napangiti siya. Masarap sa pakiramdam ang ayos nila. Para na rin niya'ng nayakap si Kyle!

Tumingala siya sa buhok nito'ng nililipad ng hangin. Hapon na pero ang kabanguhan pa rin nito ang pumupuno sa ilong niya.

"Kyle, ano'ng nakain mo? Bakit ang bait mo yata sa akin ngayon?"

"Nag-iimagine ka lang."

Napangiti siya. Hindi na lamang siya nagsalita. Ipinatong niya ang mukha sa balikat nito. Bahagya ito'ng lumingon sa kanya.

"You're too close. Lumayo ka nga."

"Ayaw ko nga. Minsan-minsan lang ito, noh! Sasamantalahin ko na." Tama. Baka sa susunod na araw ay bumalik ang pagiging bugnutin ni Kyle. Hindi na siya makakalapit dito ng ganito. Ipinikit niya pa ang mga mata upang namnamin ang sandaling iyon.

Napabuntong-hininga na lamang ito.

"Kyle...?" Hindi ito sumagot. "Ikaw ang ka-date ko sa aquaintance, ha?"

"Ano'ng gagawin mo kung hindi ako pumayag?"

"Magwawala ako."

"Nababaliw ka na ba?"

Natawa siya. Sa halip na sumagot ay kinanta na lamang niya ang awiting umi-echo sa isip niya.

"Romeo take me somewhere we can be alone
I'll be waiting all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story
Baby, just say..."

Nagmulat siya ng mga mata. Dumiretso iyon sa mukha ni Kyle. "... yes."

Tahimik lang ang lalaki habang kumakanta siya. Sumulyap ito sa side mirror. Saglit na nagtama ang paningin nila. Tila lumundag ang puso niya.

Napangiti siya ng matamis. Napakasaya niya nang mga oras na iyon. Mas masaya pa siya ngayon kesa sa tuwing makikita at makakasama niya ito.

'Mag-yes ka na lang kasi, Kyle my loves. Love story natin ito, eh!'

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now