CHAPTER THIRTY EIGHT

2.9K 67 0
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

<<Can't Keep My Hands Off You by Simple Plan>>

"'Cause on the streets, or under the covers

We're stuck like two pieces of Velcro

At the park, in the back of my car

It don't matter what I do

No, I can't keep my hands off you

I can't keep my, I can't keep my

I can't keep my hands off you..."

Sa wakas ay pinayagan siya ni Krizhia na makapanood ng performance ng The Rebel Slam. Pero patapos na rin naman iyon. Parang nainggit siya kay Donita nang isayaw ito ni Grendle sa stage. The vocalist then wrapped his hands around his girlfriend in front of these people. Ang sweet talaga ng mga ito.

Kung bakit kasi pumayag pa siya sa plano ni Krizhia. Hindi tuloy niya napanood ang tugtog ni Kyle.

"Are you ready, Jazmine?"

Napatingin siya sa umakbay sa kanya.

"Kinakabahan ako, Krizhia."

"Relax. Nasa likod mo ako."

Tila lalo siyang kinabahan mang makitang nakatingin sa gawi nila si Kyle. Pababa na ito ng stage. Hindi maipinta ang mukha nito.

Nilingon niya ulit si Krizhia. "Kinakabahan talaga ako."

Now, Kyle is making his way out of the crowd, papunta sa kanya.

"Remember, Jazmine. Para din naman sa kanya ito, eh. Let's go."

"Ha? P-pero--"

Hindi na siya nakapagprotesta nang hilahin siya nito papunta sa stage. Hindi niya alam kung kasama sa plano nito ang inisin si Kyle.

Tungkol nga pala sa plano, gusto ni Krizhia na pakantahin siya kasama ang Sinner Saints ngayong gabi.

Sinabi ng mga itong huwag niyang sasagutin si Kyle hanggang hindi nito sinasabi ang three magic words. Pero sa kantang piraktis nila kanina ay para bang sinasagot na niya ang binatilyo.

Napakamot na siya sa batok niya. Iba talagang mag-isip kung minsan si Krizhia.

Nang makarating sa stage ay nilingon niya ang kinaroronan ni Kyle. He's standing in the middle while looking at her. Salubong na ang kilay nito ngayon.

Alanganing nginitian niya ito. Binalingan niya si Krizhia at kinalabit ito.

"Krizhia, 'wag na lang kaya? Parang galit na si Kyle my loves, eh."

"Hayaan mo siya. May kasabihan nga tayo na kapag may tiyaga, may nilaga."

"Ha? Ano'ng konek?"

"Ah, basta! Iyon na 'yon!"

Kinuha nito ang mic at pumuwesto sa harapan ng stage. Nang matiyak na ready na ang mga kabanda ay hinarap na nito ang mga bisita.

"Hello, everyone! I hope you're enjoying my party!"

"Happy birthday, Krizhia my love! I love you! Forever and everyday I will!" singit na sigaw ni Aser. Nasa isang mesa ito kasama sina Mackey at Clyde.

Napuno ng hiyawan at tuksuhan ang paligid.

Krizhia blushed. She smiled sweetly at her boyfriend. "Thank you, love. I love you, too."

"Panalo, 'tol!"

"Ikaw na, dude!"

"Clyde and Mackey, isasalang ko kayo sa kumukulong mantika kapag hinampas niyo pa si Aser."

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now