CHAPTER FORTY-ONE [FINALE]

5.4K 121 12
                                    

BUMALING SA kabilang panig ng kama si Jazmine. Maaga pa para matulog pero nakahiga na siya. Hindi pa siya inaantok. Gagawa sana siya ng homework pero mas mahalaga ang pinag-iisipan niya ngayon.

Iniisip niya kung paano mapapasabi ng 'I love you' si Kyle. Kapag sinabi nito iyon, promise, mag-a-'I love you too' na siya. Agad-agad!

Pero bago iyon, kailangan niya munang mag-isip ng paraan.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig ng kung ano sa labas. Tunog ng gitara iyon!

Napabalikwas siya ng bangon. Pinakinggan niya iyong mabuti. May tumitipa ng gitara at tumutugtog ng beatbox. Ilang saglit siyang nakinig bago rumehistro sa isip ang tinutugtog ng mga ito.

"Uso pa ba ang harana

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gagon nagkandarapa sa pagkanta

At nagsisintunado sa kaba..."

Tatayo pa lang siya para dungawin ang tumutugtog na iyon sa labas nang makarinig siya ng mga katok. Napagbuksan niya ang isa sa mga maid nila. Tila excited pa ito.

"Ma'am, ipinapatawag ka sa 'baba ni Sir Rey."

"Ha? Bakit? Ano'ng meron?"

"Basta, ma'am. Tara na."

Wala siyang nagawa nang hilahin siya nito pababa.

"Meron pang dalang mga rosas

Suot nama'y maong na kupas

At nariyan pa ang barkadang nakaporma't nakabarong

Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along..."

Namataan niya ang daddy niya na nakaharap sa labas ng main door. Malawag ang pagkakangiti nito.

"Dad! Ano bang--"

Parang gusto niyang mapatili nang makita kung sino ang mga nasa labas ng bahay nila at lumilikha ng magandang tugtog na iyon.

 What catches her attention more ay ang lalaking kumakanta at may hawak ng isang long stemmed rose habang nakatingin sa kanya.

"Puno ang langit ng bit'win

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw

At sa awitin kong ito

Sanay maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa'yo..."

'Harana?'

"I once serenade your mom, Jazmine. Naalala ko tuloy ang mga panahong iyon."

Hindi niya magawang lingunin ang ama. Si Kyle lang at wala nang iba ang gusto niyang titigan at makatitigan ngayon.

Yes, ang The Rebel Slam band ang naroon ngayon. Si Grendle at si Aser ang may hawak ng gitara. Samantalang si Mackey ay maraccas ang hawak at si Clyde naman sa beatbox. Full support talaga ang mga ito sa kaibigan.

"Hindi ba't parang isang sine

Isang pelikulang romantiko

Hindi ba't ikaw ang bidang artista?

At ako ang iyong leading man

Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas..."

Parang gusto niyang takbuhin si Kyle at sugurin ito ng yakap. Labis siya nitong pinapasaya ngayong gabi. She never expected that he will serenade her. Kung parte ito ng so-called panliligaw nito, magpapaligaw na lang siya dito habang buhay. Well, pwede pa rin naman siya nitong ligawan kahit sila na. Napangiti siya sa isiping iyon.

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon