CHAPTER FORTY

3.1K 77 0
                                    

"CAN WE talk?"

Napatigil sa paglalakad si Kyle nang magsalita si Jedrick nang mapatapat siya dito. Nakatambay ito nang umagang iyon sa tapat ng kwarto nito.

"Do we have to?"

"Yeah." Nahihiyang ngumiti ito. "It's kinda important. And I'm not here to fight."

Wala siya sa mood makipag-usap sa mga kasama niya sa bahay matapos ang nangyari kagabi. Gayunpaman ay hinarap niya pa rin ito.

"What is it?"

Huminga ito ng malalim. "I you don't like me eversince me and my father stepped into your life. You don't like us in your house."

"Hindi ka naman pala ganoon kamanhid."

"I'm only here because of your mother. Noong una pa lang, she asked me para kaibiganin ka. You know, gusto niyang magkaroon ka ng older brother figure at para sana mabantayan ka. But we're screwed. Hindi nag-jive ang mga personality natin. Besides, palagi kang lumalayo kapag nilalapitan kita."

Hindi siya umimik. Tama naman ito. Hinayaan niya itong magsalita.

"I'm not saying that I don't like you. In fact, you are the coolest kid I ever knew. Iyon bang, kahit wala kang gawin, gugustuhin ng iba na maging kaibigan ka. Hindi ka lang ganoon ka-friendly. You know, I envy you."

Nakatingin lang siya dito. Hindi niya alam kung bakit nito sinasabi iyon sa kanya ngayon.

"Why are you telling me this?"

"I... I just wanted to apologize for what I did to your girlfriend. She's beautiful, right. Pero hindi siya ang type ko. Binibiro ko lang naman siya. Nahalata kong she had a thing for you pero sinabi pa rin niyang wala kayong relasyon. It's kinda hard on her part, I know. She amused me."

"She's one of a kind."

 "I bet she is," sang-ayon nito. "I'm sorry for being such a jerk."

Tumangu-tango siya. His apology seemed genuine. Wala naman sigurong mawawala kung tatanggapin niya ang sorry nito.

"Just do not do it again."

Ngumiti ang lalaki. "There will be no next time, Kyle."

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito.

"I decided to go to Canada. Matagal na rin akong kinukuha ng tita ko doon. She's an old maid at kailangan niya ng makakatuwang sa paghawak ng maliit na negosyo niya doon. Ako lang ang pamangkin niya. So, wala siyang ibang mahihingian ng tulong kundi ako. Don't ever think that I will leave because of you." Nag-atubili ito but he still reached out his hand and patted Kyle's head.

Hinayaan niya lang ito. Kahit paano ay nagi-guilty siya sa mga inasta niya dito.

"You don't have to leave."

Tumawa ito. Binawi ang kamay.

"I have to. I'm just saying this because I want us to be in good terms before I left. You're almost like a little brother for me. I know you don't feel the same way but it's what I felt."

"Alam na ba ni... ni mommy na aalis ka?"

"Yes. Pinayagan na nila ako ni daddy. Ihahatid pa nga ako mamaya ni dad sa airport."

"Mamaya?"

Tumango ito. "Mamaya na ang flight ko."

Ah, wala talaga siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mga kasama niya sa bahay.

"You will say sorry to Jazmine for me, won't you?" anito.

"I will," sinserong sagot niya.

"So... pinapatawad mo na ba ako?"

The Rebel Slam 3: KYLETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang