CHAPTER THIRTY-THREE

2.7K 81 1
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

NASA gilid si Jazmine ng malawak na hallway samantalang si Kyle ay nasa kabilang gilid. Nakapamulsa ito habang naglalakad palabas. Siya naman ay naglalakad papasok.

Nawala na sa isip niya na naglalakad siya. All she have to do is to stare at him. Deep inside her, gusto niyang tumingin din ito sa kanya. Kausapin ulit siya. Pero malabo yatang mangyari iyon. Ibang Kyle ang nakikita niya ngayon. Parang nagbalik ang Kyle na una niyang nakita. Iyong walang pakialam sa paligid at hindi siya kilala. Diretso ang tingin nito sa daan na parang ito lang ang tao sa hallway na iyon.

She can't keep away her gaze at him. She was hoping... Pero nadismaya lang siya nang lagpasan siya nito nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang panunubig ng mga mata. Pakiramdam niya ay hindi lang nalaglag ang puso niya sa isang napakataas na cliff. Nagkalasug-lasog pa iyon paglagapak sa lupa. Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad.

"Hindi mo siya susundan, Jazmine?"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang magsalita si Grendle. Kasama nito sina Aser, Clyde at Mackey na nakatambay sa hallway na iyon. Hindi niya napansing naroon ang mga ito.

Napakunot noo siya nang makita ang seyosong mga mukha nito. Wala ang kislap ng kapilyuhan at kalokohan sa mga mata.

"Oo nga naman, Jazmine," segunda ni Aser. "You should follow him. Aluin mo. Ilang araw nang masama ang mood niya."

Kung pwede nga lang ba siyang lumapit dito. Nilunok niya ang kung ano'ng bumara sa lalamunan niya at pinatatag ang boses. "B-bakit hindi na lang kayo ang gumawa noon?"

"We're just his friends, Jaz. May limitasyon kami sa pakikialam sa kanya. Ikaw ang girlfriend, you have all the right."

"Wait, Mackey. Sino bang nagsabi na girlfriend niya ako? I am not."

"Jazmine, huwag mo namang itakwil ang utol namin. Playboy ako, pero hindi ko itinatanggi na ex ko ang isang babae."

Lalong nadagdagan ang pangungunot ng noo niya. Bakit ba nandito ang mga lalaking ito sa harapan niya? Para ba inisin siya? Ansakit-sakit na ngayon isipin na hindi magiging kanya si Kyle, ginagatungan pa ng mga ito!

"Eh, hindi naman talaga kami naging mag-on, eh!"

"He likes you. Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya, ngayon lang niya pinagtuunan ng pansin ang isa sa mga iyon. And that was you. Akala ba namin, mahal mo si Kyle?" sita ni Grendle.

Sapul siya doon. "O-oo pero--"

"Then why are you avoiding him?" ani Aser.

Nahahapo ang mga matang tumingin siya sa mga ito. "You don't know what's going on, do you?"

"Alam namin. At alam na rin ni dude Kyle ang katotohanan."

Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo sa katawan sa sinabi ni Aser. Alam na nito? Sinabi ng mommy nito? Umiiwas naman siya, ah? Bakit sinabi nito? Now, alam niya na kung bakit hindi na siya pinapansin ni Kyle nitong mga nakaraang araw at pati na rin kanina.

He hates her already.

Bago pa bumagsak ang tinitimpi niyang luha ay naglakad na siya palayo sa mga ito. Hindi niya makakayang umiyak sa harapan ng mga ito.

"Jazmine, masakit mang sabihin pero kailangan ka ni 'tol Kyle ngayon," pahabol ni Clyde.

"Walang makakatulong sa kanya kundi ikaw. So if you really love him, you will fight," wika ni Grendle.

Mas pinili niyang balewalain na lang ang sinabi ng mga ito. Paano siya lalong makakapagpakita kay Kyle ngayon kung galit na ito sa kanya? She's hurt. Parang hindi na niya kakayanin na masaktan sakali mang itaboy siya ni Kyle at sumbatan.

Mahal niya si Kyle subalit wala siyang lakas ng loob para lumapit dito. Malaki ang naging kasalanan dito ng kanyang ina.

-----------------

TULALA si Jazmine habang naghihintay ng masasakyan sa waiting shed sa labas ng uiversity. Hindi siya makapaglakad-lakad para makapara ng taxi dahil umuulan nang hapon na iyon. Tila pati kalangitan ay nakikidalamhati sa kanya.

Hindi niya iniinda ang lamig na dulot ng hangin. Napatingin siya sa lumalakas nang buhos ng ulan. Nagpapabalik-balik sa isipan niya ang nalaman kanina. Alam na ni Kyle ang lahat.

Kaya pala iniiwasan na siya nito. Kaya pala hindi na ito nagtetext o nagmi-miscall.

"Jazmine!"

Napatingin siya sa kotseng huminto sa tapat niya. Nagbaba iyon ng salamin. Ang daddy niya ang nakita niyang sumungaw doon. Ngumiti ito nang tumingin siya.

"Let's go home. Lumalakas na ang ulan."

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Ayaw naman niyang habang buhay na iwasan ang daddy niya kahit na masama pa rin ang loob niya. Naupo siya sa passenger side.

"Pabigla-bigla ang ulan ngayon," komento nito. Inabutan siya nito ng tuyong bimpo.

Hindi siya sumagot. Inabot na lamang niya ang bimpo at tinuyo ang sarili.

Maya-maya'y bumuntong hininga ito. Nang magsalita ito ay masuyo na ang boses nito. Tila nagpapaunawa.

"Jazmine, we can't go on like this. I... I'm sorry. On behalf of your mother, I'm sorry. Alam kong wala kang kasalanan sa nangyari at... at hindi ka na dapat nadamay dito. But..."

"Pero karugtong ng nakaraan ang kasalukuyan, dad." Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nang tumingin siya dito. Pero tila nabawasan iyon nang mapagmasdan ang ama. Tingin niya ay nahihirapan ito sa sitwasyon nila. He looked haggard. Ngayon niya lang ito nakita na ganoon matapos ng pagkamatay ng kanyang ina.

Ayaw man niya pero nakaramdam siya ng sundot ng konsensya. Is this what she wanted for her father? For him to suffer because of her?

Kita niya ang lungkot na bumalatay sa mukha nito. "You're right. But it's already the past. Kahit ano'ng gawin natin, hindi na natin mababago iyon. We just need to move on."

So, kailangan niya nang magmove on sa nararamdaman niya kay Kyle? Parang gusto niyang tuluyang umiyak.

Hindi na siya sumagot dito. Ibinaling niya ang paningin sa daan kahit lagos-lagusan sa mga kotse, ulan at establisyementong nadaaanan nila ang mga mata.

She heard her father sigh again. "Do you really like Kyle?"

Ano'ng like? Love na nga niya si Kyle, eh! Hindi na lang siya sumagot. Wala na namang mangyayari kung aaminin niyang gusto niya si Kyle. Galit na sa kanya si Kyle. Tila may ilang toneladang bakal ang dumagan sa dibdib niya.

She was about to let her tears flow. Hindi na niya iyon mapigil. Nang makita ang pamilyar na lalaking iyon na nakaupo sa gutter ng isang parking lot. Pakiramdam niya ay umurong bigla ang mga luha niya. Humarap pa siya sa bintana upang masiguro kung sino ang lalaking iyon.

Si Kyle!

Nakayuko ito habang nakapatong ang dalawang braso sa mga tuhod. Basang basa man ng ulan ang mahabang buhok nito at kahit na tumatabing iyon sa mukha nito, alam niya na si Kyle iyon! Ganoon niya ka-memorize ang itsura nito.

Bahagya siyang nag-panic nang lumagpas dito ang kotse nila. Napabaling siya sa ama.

"Stop the car, dad!"

Nabibiglang bumaling ang ama sa kanya. Gayunman ay inapakan pa rin nito ang preno. Hindi na niya pinansin ang nagtatanong na tingin ng ama. Hinablot niya ang payong na nakita sa dashboard. Hindi na rin siya nag-isip nang bumaba at sumugod sa ulanan kasangga ang payong na iyon.

"Jazmine, saan ka pupunta?" habol ng daddy niya bago niya isara ang kotse nito.

Isa lang ang nasa isip niya ngayon. Ang alisin si Kyle sa ulanan. My God! Baka magkasakit ito sa ginagawa nito! Ang lakas lakas ng ulan pero doon pa nito napag-tripan na tumambay! Ang lapit-lapit ng restaurant, ngayon pa ito tinamad na maglakad papasok doon!

'Naku, Kyle! Makukutusan na talaga kita!'

Subalit naglaho lahat ng gusto niyang sabihin at gawin nang malapit na siya dito. Parang gusto niyang humakbang patalikod at bumalik sa kotse ng daddy niya.

Bakit ba hindi muna siya nag-isip bago sumugod dito? Paano kung ipagtabuyan siya ni Kyle? Paano kung deadmahin siya nito? Paano kung sumbatan siya nito? Paano kung...

Pero bakit kahit gaano karami ng 'what if's' sa isip niya, bakit hindi niya mapigilan ang mga paa sa paglakad palapit dito? Bakit hindi niya maalis ang mga mata sa kamiserablehan ng lalaking mahal niya?

Now, there's no way of going back. Nasa harapan na siya nito. Parang gusto niyang hawakan ang naka-stretched na kamay nito at hilahin ito paalis doon.

Siguro ay naramdaman nitong hindi na pumapatak dito ang ulan, he raised his face. Lalong wala na siyang lakas para umalis. Napahigpit ang kapit niya sa payong. Heto na. Kahit ano'ng mangyari, kailangan niyang ihanda ang sarili.

Sa ginawa nitong pagtingala ay napaawang ang mga labi nito. She can't see his eyes dahil sa buhok nito kaya hindi niya mapagtanto kung nagulat ba ito o ano nang makita siya.

'Jazmine, speak up! Tatanga ka na lang ba d'yan? Kausapin mo siya! Pauwiin mo lang siya, tapos na ang problemang ito!' Tutal lumapit lang siya dito para alisin ito sa ulanan, hindi ba?

Pero sinong niloko niya? Syempre ay may mas mabigat na dahilan. Dahil nag-aalala siya dito. Sobrang nag-aalala.

At sobrang miss na rin iya ito.

"Kyle..." Tila gusto niyang maiyak nang banggitin ang pangalan nito. "P-pasaway ka talaga, ano? Sa dinami-dami ng pwede mong tambayan, dito pa sa ulanan! Huwag mong sabihing tinatamad ka na naman at inaantok kaya--"

"What are you doing here?"

Malakas ang ulan at mahina lang ang pagkakasabi nito niyon. Pero bakit parang bomba iyon nang dumating sa pandinig niya? Biglang umurong ang tapang niya.

"I... K-kasi..." Hayan, wala na siyang maisip na isasagot. Sinabihan niya pa ang sarili na maging handa sa anumang reaksyon nito ngayon, ah!

"Hindi ka dapat nandito... Leave." Muli itong yumuko.

Sapat na dapat iyon para tumalikod siya at umalis. Pero hindi niya maigalaw ang mga binti.

She looked at him defeatedly. Oo, tanggap niya na ang pagkatalo niya. Tanggap na niya na hindi ito magiging kanya. Tanggap na niya na pinapalayas na siya nito ngayon sa harapan nito.

"Hindi ka rin dapat nandito, Kyle. Umuwi ka na."

Lalo siyang nanlumo nang hindi na ito sumagot. Mukha talagang wala na siyang magagawa para alisin ito doon. But she just can't leave him there.

"Kyle..."

"I said leave! Leave me alone!" sigaw nito. Hindi ito nag-angat ng paningin.

Nagulat siya. Tila may mga kutsilyong nag-uunahang sumaksak sa puso niya. Pero hindi niya talaga maigalaw ang mga binti. Hindi na niya namalayan ang mga luhang lumabas sa mga mata niya.

"I can't leave you here." Napagtanto na lang niya ang pag-iyak nang marinig ang basag na boses niya. "M-magkakasakit ka lang kapag nanatili ka dito. B-baka manakawan ka pa dito. Kaya, please... umuwi ka na lang, Kyle. I... I'm worried about you." Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap kaya hindi niya alam kung nadinig nito iyon.

Hindi ito sumagot. Para bang hangin lang ang nagsalita at ang nasa harapan nito. And she was beyond hurt. Desidido talaga ito sa pagpapalayas sa kanya doon. Dapat talaga, hindi na niya ito nilapitan. She took all her strength to move.

"If you want me to leave..." Parang hirap na hirap siyang dugtungan ang sinabi. "I-I'll leave."

Bago pa lumabas ang panibagong batch ng mga luha niya, tumalikod na siya.

But before she could take a step, naramdaman niya ang pagpigil sa isang kamay niya. Napatingin siya doon. Papunta sa may-ari ng malamig at basang kamay na iyon na humawak sa kamay niya.

"Don't..." Unti-unting iniangat ni Kyle ang mukha. "Please don't."

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now