CHAPTER FIVE

3.1K 76 0
                                    

CHAPTER FIVE

IGINALA ni Jazmine ang paningin sa paligid matapos maupo sa bench na nasa ilalim ng puno. Nakaharap siya sa katapat na Engineering and Architecture building. May hinahanap siyang partikular na estudyante. Sinaulo niya ang schedule nito kaya alam niyang ngayon matatapos ang last subject nito.

Sino pa nga ba ang aabangan niya doon kundi ang irog niyang si Kyle?

Malakas ang loob niyang magpa-cute dito. Ngayon pa'ng may mga backer na siya? At malalakas ang backer niya.

Inilabas niya ang pressed powder at nagsalamin doon habang sinusulyap-sulyapan ang entrada ng building. Nag-apply pa siya ng kaunting pulbo nang makita'ng hindi pala pantay ang pagkakalagay niya kanina. Nang masiyahan sa itsura ay itinago na niya sa pink niyang shoulder bag ang pressed powder.

Pag-angat niya nang paningin ay bumungad sa kanya ang kanyang irog. Sumilay ang isang magandang ngiti sa labi niya. Kalalabas nito sa building. May kasabay ito'ng lalaki. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga babaeng nakasunod sa mga ito.

Bago pa man makagawa ng kung ano'ng kalantungan ang mga ito kay Kyle, tumayo na siya at lumapit dito. Nagpaskil siya ng matamis na ngiti sa mga labing nilagyan niya pa talaga ng lipgloss.

"Hi, Kyle!" bati niya. Sinalubong niya pa talaga ang mga ito, just in case na iwasan o deadmahin na naman siya ng lalaki.

Kumunot ang noo nito nang makita siya. Lagi na lang yata nito'ng ginagawa iyon kapag nakikita siya. Sa halip na magdamdam ay natutuwa pa siya. At least, may reaksyon ito tuwing nakikita siya.

"Aba! Popular ka talaga sa mga babae, dude. Ipakilala mo naman ako sa magandang dilag na ito," anang lalaking kasama nito. Nang tumingin siya dito ay kinindatan pa siya.

Ibinaling niya ang paningin kay Kyle. Ipapakilala ba siya nito sa kasama nito? Paano siya nito ipapakilala? Sasabihin ba nito ang pangalan niya?

Hindi pa man ay kinikilig na siya. Looking forward siya para marinig ang pangalan niyang sabihin nito.

Pero mukhang wala ito'ng balak na bigyan siya ng kasiyahan.

"Bakit hindi na lang ikaw ang magpakilala sa kanya? Tutal nasa harapan mo lang siya?" anito sa kasama.

Medyo nabawasan ang ngiti niya.

"Talaga? Pwede ako'ng makipagkilala sa kanya?" Malapad ang ngiti'ng bumaling sa kanya ang lalaki. Naglahad ito ng kamay. "Hi! Ako nga pala si Mackey. Ikaw? Ano'ng pangalan mo? Pwede naman siguro tayo'ng maging magkaibigan. Kung payag ka, ituloy natin sa 'ibigan'."

Lalo siyang napangiwi. Bago niya palang ito'ng kakilala. Hindi niya pa magagawa ang ginagawa niyang pagsopla kay Clyde. Pero hindi naman niya hahayaang may isiping hindi maganda ang kanyang amore.

Inabot na lang niya ang kamay nito at maayos na nakipagkilala.

"Jazmine ang pangalan ko. Friends lang ang pwede sa atin."

"Ganoon ba? Sayang naman!"

Binawi niya kaagad ang kamay dito. Binalingan niya si Kyle. Ah... ano nga ba ang sasabihin niya? Nakapag-internalize na naman siya kanina pero nalimutan niya iyon ngayong kaharap na ito.

"Uuwi ka na ba?" tanging nasabi niya.

Nakatingin ito sa iba'ng gawi. Mukhang dedma na naman siya. Ngunit bigla na lang nito'ng ibinaling ang inaantok na mga mata sa kanya. Ramdam niya ang paglundag ng puso niya. Napatitig siya sa mga mata nito'ng iyon. His eyes were bored. Hinaluan ng antok, irita, at kung ano'ng kalamigan na hindi niya matukoy kung galing saan.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now