CHAPTER TWENTY FOUR

2.6K 65 1
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

"FEELING my hands start shaking
Hearing your voice I'm overjoyed
I'm sorry but I have no choice
You're only getting better..."

It's a surprise na hindi nag-stammer ang boses niya. Yeah. Napaka-magical nga ng mga sinabi ni Kyle sa kanya.

"Maybe you have your reasons
Maybe you're scared you'd be let down
Are you crying when there's no one around
Then maybe..."

She's beginning to enjoy the song katulad nang pakikinig niya doon sa cellphone niya at pagkanta niyon sa loob ng banyo niya.

At kung paanong i-dedicate niya iyon kay Kyle.

Kyle really have his reasons why he's like that. Deep inside his bored look and sarcastic tone, he's sad. Pinayagan siya nitong makita iyon.

"Maybe if you hold me, baby
Let me come over
I will tell you secrets nobody knows
I cannot overstate it I will be overjoyed..."

Kung hahayaan nga lang ba talaga siya nitong tuluyang pumasok sa buhay nito, edi parehas na silang masaya.

Napatigil siya sa pagkanta sa pangalawang stanza nang may marinig na sumabay sa kanya. Tila may pumadyak sa puso niya. Kahit hindi siya lumingon ay kilala niya na kung sino iyon. Pero pwede ba naman iyon? Nilingon niya si Kyle. Ito ang kumanta ng second stanza. Napatanga siya dito. Magaling din naman pala itong kakanta.

"The smile on your face like summer
The way that your hand keeps touching mine
Let me be the one to make it right
And maybe..."

Hindi lang ang pagkanta nito ang dahilan kung bakit siya napatunganga dito. It's also because he's also staring at her!

'Yes! I love you!' tili ng utak niya.

"Maybe let me hold you, baby
Let me come over
I will tell you secrets nobody knows
I cannot overstate it
I will be overjoyed..."

Duet with him? Pwede na ba siyang himatayin ngayon sa kilig? Ngunit pinigil niya ang sariling mawalan ng malay. Kakanta pa siya kasama si Kyle.

"And if you want we'll share this life
Anytime you need a friend I'm gonna be by your side
When nobody understands you..."

"Will I do," kanta niya habang matiim na tinititigan ito sa mata. Then she smiled.

Sinabayan siya ni Kyle sa pagkanta ng chorus. Agh! Wala na talaga siyang mahihiling pa! Meron pa pala. Ang maging official girlfriend ni Kyle.

"Maybe let me hold you, baby
Let me come over
I will tell you secrets God only knows
I cannot overstate it
I will be overjoyed..."

"And I will be overjoyed..."

Napakasaya niya ngayon! Sobra! Over na over joyed na siya! Hindi'ng hindi niya malilimutan ang pangyayaring ito sa buhay niya!

---------------------

"MAY talent ka rin pala sa pagkanta, eh," ani Jazmine nang makababa sina Kyle sa stage. Pagkatapos ng kanta niya ay tumugtog pa ang banda ng dalawa pang kanta. Ngayon ay ang Sinner Saints band naman ni Krizhia ang nasa stage. Ngunit masama yata ang mood ni Kyle.

"It's so absurd! Bakit kailangan ka pang ilagay doon ni Grendle?" Binato nito ng masamang tingin ang kaibigan.

Natawa si Grendle nang marinig iyon. "Ano'ng masama doon, Kyle? Hindi ka ba nag-enjoy ka-duet si Jazmine?"

"Hindi sanay si Jazmine sa ganoong sitwasyon. Ni hindi man lang natin iyon napag-usapan at ora-orada mo siyang pinaakyat!"

Hala! Mukhang galit nga ito! But come to think of it. Siya ang dahilan kung bakit ito nagagalit sa kaibigan!

'Ang sweet talaga ni Kyle my loves ko!'

"There's always a first time, right?" nakangising sabi lang ni Grendle.

"This is not just a first time. It was an impromptu! She's not even prepared. Paano kung hindi naman pala niya alam ang kantang iyon? Pinagmukha niya lang kahiya-hiya ang sarili niya!"

"But it's what happened. So what's the big deal? Gusto mong tubig? Mahaba ang sinabi mo, eh."

Hindi nito pinansin ang pagbibiro ng kaibigan. "It is the big deal!"

"Kyle, cool lang!" singit ni Aser. Inakbayan nito ang lalaki. "Napaka-protective mo naman kay Jazmine!"

"Oo nga! Oo nga!" ani Clyde. "Don't tell us, lumalambot na ang pusong bato mo?"

"Tsk. Ang swerte mo kay Jaz, dude Kyle!"

Nakasimangot lang si Kyle. Bago pa ito tuluyang ma-bad trip ay pumagitna na siya.

"Hoy, kayo! Pinagti-trip-an niyo na naman si Kyle!"

"Uy! Savior!" sabay sabay at tila nang-aasar na tudyo ng mga ito.

Napailing siya. "Ang lalaki talaga ng problema niyo sa mundo, ano? Tara na nga, Kyle. Baka mahawa ka pa ng sira sa mga iyan." Hinatak niya si Kyle palayo sa mga ito.

"Wow naman! Ang sweet!"

"Jazmine labs, si Kyle kaya ang may virus sa amin!"

"Dude Kyle, masosolo mo na naman si Jaz!"

"Jazmine, huwag mo munang iuuwi si Kyle, ha?"

Hindi nila pinansin ang mga ito. Kung hindi lang alam ni Grendle, naiuwi at nakilala na ng dad niya si Kyle. Napansin niyang tahimik lang si Kyle habang nakasunod sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sariling lingunin ito.

Nakatingin ito sa magkahugpong na mga kamay nila. Siya man ay napatingin din doon. Hindi na niya napansin na sa kamay niya ito nahawakan. Ang gugulo kasi ng mga kaibigan nito. But she have to admit, napakasarap hawakan ng malambot na palad nito. Bahagya lamang siyang nag-alala dahil matagal itong nakatingin doon. Baka hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.

Akmang babawiin niya ang kamay subalit hindi nito iyon pinakawalan. Parang gusto niya tuloy mapasinghap. Napatingin siya sa mukha nito. He's also staring at her. Biglang kumabog ng husto ang puso niya.

"O-okay ka na ba?" Ngayon pa talaga siya nautal, ha?

"Yeah. I'm fine."

"Huwag ka nang magalit kay Grendle."

<Falling In Love by Six Part Invention>
"Why oh Why, Do I feel this way?
When I’m with you I feel so alive
Why oh Why, will I hide away
I can’t help it
I’m falling in love with you...

"Woooohh! Ang galing mo talaga, Krizhia!"

"Nakakainlove ka, vocalist!"

"Ang gaganda ng mga member ng Sinner Saints!"

Nalimutan nilang sa gitna ng nagwawalang manunood pala sila nakahinto ngayon. Natabig pa siya ng isang lalaking dumaan sa likod niya. Pero wala doon ang buong atensyon niya. Sa ginawa kasi nito ay mas lalo siyang napalapit kay Kyle. Tingin niya ay isang dangkal na lang ang layo nila ng binatilyo. Hindi na siya makahinga ng maayos.

Nakatingala na siya dito. Kahit kasi mataas ang sandals niya ay hindi niya pa rin napantayan ang height nito.

"Hindi na ako galit kay Grendle."

Napapitlag siya nang magsalita ito. Hindi niya iyon kaagad nakuha dahil masyado siyang nalulunod sa titig nito.

"That's... that's good."

Ilang sandali silang nanatiling tahimik habang magkatitigan. Feeling niya ay nasa isang makulay na mundo sila na sila lang ang laman. Wala ang maiingay at magugulong kamag-aral. Napakasarap pagmasdan ng gwapong mukha nito.

Maya-maya'y bumuntong hininga ito.

"Let's go." Hinatak siya nito paalis sa gitna ng crowd.

"Saan tayo pupunta?" 'Kumportable na ako sa ayos natin doon, eh!'

Hindi ito sumagot. Nakarating sila sa labas ng bulwagan. Patuloy pa rin ang paghila nito sa kanya.

"Kyle, saan ba tayo pupunta?"

"I don't know..."

"Ha?" natatawang sabi niya. Sabagay, kahit saan siya dalhin nito ay sasama siya. Masaya siyang kasama ito.

Bigla siyang hinarap nito. Kita niya mula sa ilaw ng poste ang confusion sa mukha nito. Tila may gustong sabihin ngunit sa huli ay nagbago ang isip.

"Kyle?"

He sighed. "Saan mo ba gustong pumunta?"

Nabibiglang napatingin siya dito. "Ha?"

"Wala pang eleven. I'm sure, ayaw mo pang umuwi?"

"Ah, oo." Mabilisang nag-isip siya. Nang ibaling niya muli dito ang paningin ay nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Tila naman natauhan ito at iniiwas ang mga mata. "Okay lang ba kung pupunta tayo sa mall? Sa pagkakatanda ko, may mini concert doon."

"Okay."

Lumapit sila sa motorbike nito. Sumakay ito doon. Ngunit bago siya nito pasakayin ay hinubad nito ang leather jacket nito at ipinatong iyon sa balikat niya.

Nagtatanong ang mga matang napatitig siya dito.

"Para hindi ka lamigin," maikling sagot nito. Inalalayan siya nito sa pagsakay.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Iniyakap niya pang lalo sa katawan ang jacket nito at sininghot pa iyon. Napakabango talaga. Pakiramdam niya ay si Kyle ang nakayakap sa kanya...

To be continued...

FEATURED SONG:
"Overjoyed" by Matchbox20

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon