CHAPTER TWENTY TWO

2.7K 69 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

"MAY klase ka ngayon, di ba?"

Malulunod na sana si Jazmine sa titig ni Kyle nang magsalita ito. Pinilit niyang pakalmahin ang nagwawalang puso at ibalik ang utak sa kinalalagyan niyon.

"Oo," sagot niya. May klase nga siya ng umagang iyon. Pero dahil sa nangyaring 'aksidente' kagabi ay hindi siya mapakali hangga't hindi ito nakikita. Pumunta muna siya sa building ng department nito para masilayan ito bago siya papasok sa klase niya. "Napadaan lang ako."

Umangat ang dalawang kilay nito at tila hindi naniniwalang tumingin sa kanya. Bakit ba, eh napakalayo ng building ng accountancy doon at malabong madaanan niya iyon papasok.

Alanganing ngumiti siya. "O sige, pinuntahan talaga kita," pag-amin niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Ewan ba niya, pagkatapos ng di sinasadyang pagkakahalik niya dito ay parang nabawasan ang kakapalan ng mukha niya dito.

The corner of his lips twitched.

"Mabuti na lang pala at dinalaw kita. Hindi ko gusto ang trato sa'yo ng babaeng iyon." Napalabi siya.

"Don't mind her. Wala lang magawa sa buhay iyon. Ihahatid na kita." Nagpauna na ito sa paglakad.

Wala siyang nagawa kundi humabol dito. "Wala ka bang klase?"

"Maaga pa naman."

"Totoo bang namumroblema ka sa grade mo?"

"She's just overreacting," tukoy nito kay Nhica. "I can handle my grades on my own."

Kahit paano ay napanatag na rin siya. Concern din naman siya sa pag-aaral ng kanyang amore.

"Kung kailangan mo ng tulong sa pag-aaral mo, nandito lang ako. Magaling din naman ako sa Math kahit paano."

"As I've said, I can handle it."

Isip, Jazmine. Isip. Ano pa nga ba ang pwede niyo'ng pag-usapan? Ayaw naman niyang banggitin ang tungkol sa nangyari kagabi at baka lalo lang siyang mahiya dito.

Gusto niyang matawa sa sarili. Imagine? Sa wakas ay tinablan siya ng hiya dito. Pero kailangan niya iyong paglabanan.

"Susunduin mo ba ako bukas?" aniya.

"Bakit?"

"Hindi mo alam?"

"Ano bang meron?"

"Acquaintance na kaya bukas," nakasimangot na sabi niya. How dare him to forget that special day? Tumingin siya sa mukha nito. Napawi ang pagtatampo niya nang makitang pinipigil nito ang pagngiti. Binibiro ba siya nito?

Tinapik niya ito sa braso. "Susunduin mo ako?"

"I'll think about it."

"Bakit pa?"

Tumingin ito sa kanya. Tila lumundag ang puso niya nang titigan siya nito. Pagkuwa'y bumuntong hininga.

"Okay."

Nagliwanag ang mukha niya. "Susunduin mo na ako?"

"Ayaw mo?"

"Syempre, gusto!" mabilis na sagot niya. Baka bawiin pa nito ang sinabi, eh.

"Then, fine. Tumingin ka na sa dinadaanan mo." Ibinaling nito ang paningin sa hallway na dinadaanan nila.

Malawak ang ngiting sinunod niya ito. Naalala niya ang mga pinagdaanan niyang hirap mapaamo lang ito. Napapangiting naiiling na lang siya sa mga ginawang kalokohan.

The Rebel Slam 3: KYLETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang