Kabanata 2

1.1K 18 0
                                    

Kabanata 2
Impression

"Can I ask a serious question?" I asked Yerim when I first headed to our room. Nadatnan ko siya roon na abala sa pag-aayos ng mga gamit nila. Rafa isn't here.

Lanta akong naupo sa tabi niya. "What is it ba? And what's with that expression?" She said.

I heaved a sigh then looked at her. "Mukha ba talaga akong manang?"

The first thing I heard was her laugh. The second was her clap. Yes, she is laughing while clapping kaya mas lalo akong nairita.

"Nevermind," naiinis na sinabi ko sa kanya saka padabog na tumayo.

Kinuha ko ang maleta ko at padabog iyong binuksan para ilabas ang mga damit ko. Hindi ko na dapat tinanong pa dahil obvious naman na ang sagot. I just don't understand that guy. Nang sabihin niya iyon ay bigla na lamang umalis, tumatakbo pa. Pagkatapos akong insultuhin ay iniwan ako sa ere. Okay lang ba siya?

"What kind of question is that? Of course, you are!" Panf-aasar na sagot ni Yerim kaya napaismid ako.

"Stop, just forget it."

"Don't get me wrong, ha. Noon ko pa sinasabi sa'yo na masyado ka nang late pagdating sa pananamit mo. Hindi por que komportable ka, hindi mo na babaguhin. Just try to change a little bit, wala namang mawawala sa'yo," sermon niya sa 'kin habang naiiling.

Isa-isa kong inilagay ang mga damit ko sa bakanteng drawer doon habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"This is what I am, Yerim. Hindi ko kailangang magbago para lang sa iba—"

"No, uh uh. You don't have to change for other people, Rae. Para sa sarili mo 'yan. You need to allow yourself to grow."

Iyon na ang huling sinabi niya sa 'kin bago niya ako iwan para sa dinner. Sabi ko ay susunod na lamang ako kaya hinayaan na niya ako.

She's right. Everybody's allowed to grow. Hindi ko lang alam kung bakit ganito pa rin ako hanggang ngayon. Mula nang mamatay si Papa, hindi na ako nakausad. I was so busy providing the needs of my family lalong-lalo na ang pag-aaral ng kapatid ko. Naging abala ako sa mga bagay na kailangan kong gawin dahil iyon ang kailangan nila sa 'kin, na hindi ko naman inirereklamo dahil masaya ako sa ginagawa ko. Maybe, I suddenly forgot myself. Sa sobrang hirap umusad, bigla kong nakalimutan alagaan ang sarili ko.

Lumipas ang gabi na hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto namin. Nakatitig lamang ako sa mga damit na pinili ni Yerim para sa 'kin. Iniisip kung handa na ba akong suotin ang mga gano'ng klaseng damit. Iniisip kung bakit bigla akong nagkakaganito, e sinabihan lang naman ako ng manang ng isang estranghero. Now, I suddenly cared about how I look?

Ilang minuto pa ay nagdesisyon na akong magpalit. Pinili ko 'yong maong short at black na t-shirt na yumakap sa katawan ko nang suotin ko iyon. Napangiwi pa ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang itsura ko mula ulo hanggang paa. I smiled. It feels great. Ngayon lamang ako nakapagsuot ng short at ganitong t-shirt. Hindi ko akalaing bababagay pala.

Ilang minuto pa ay nagdesisyon na akong lumabas para kumain. Dumiretso ako sa kakabit na resto ng hotel at doon ko nakita ang dalawa, ngunit kasama ng kabilang department. When I entered the resto, lahat sila ay napalingon sa 'kin kaya nangunot ang noo ko. Hindi ko na iyon pinansin at dire-diretso sa mesa kung nasaan ang pagkain. Nang matapos kong makuha lahat ng gusto kong kainin, I headed towards Yerim and Rafa at tahimik na naupo sa tabi nila.

"Rae?"

Mabilis ang naging lingon ko nang marinig ko iyon. Napaawang ang bibig ko nang mapansin kong nakatingin silang lahat sa 'kin.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now