Kabanata 68

604 11 0
                                    

Kabanata 68

Sorry

"Sa likod na lang kami," tipid na sinabi ko kay Miss Rochelle.

Dalawang company van ang kinailangan para sa team building ng buong department dahil lagpas sampu kaming sasama. Pumwesto na kami nila Rafa at Yerim sa pinakalikod ng van. Sa harap namin ay sina Sophia at ang kaibigan niya pang isa. Si Jerome at Cielo ang nasa harapan nila at si Sir Vincent na saka si Miss Rochelle.

"Buti ay pumayag si Levi na sumama ka nang hindi siya kasama lalo na sa kondisyon mo," tamad na sinabi sa'kin ni Rafa habang inaayos ang head pillow niyang kulay yellow.

Tiningnan ko siya saglit at bumaling nang muli sa bintana ng sasakyan. Si Yerim ay tahimik pa rin dahil tila puyat na puyat.

"Kasama ko naman daw kayo," simpleng sagot ko sa kaniya.

Nang malaman kong may team building ang Royale at kasama ang buong department nila Rafa ay hindi na ako nagdalawang-isip na sumama. Niyaya ko rin si Yerim kahit na hindi naman na kami parte ng kompanya. Nakakamiss ang ganitong bakasyon kahit sa malapit lang.

"I'll sleep for a while. Kulang tulog ko."

Iyon na ang huling sinabi niya bago siya matulog. Alas-singko pa lamang ng umaga ay nagkita-kita na kaming lahat sa harap ng company para hindi kami tanghaliin dahil mahaba pa ang byahe namin.

Maging ako ay kulang rin sa tulog pero hindi ko makuhang matulog dahil sayang ang mga palalampasin kong magagandang lugar kung matutulog ako.

My phone suddenly beeped so, I checked it.

Levi

Take care, Lumiere. I'll see you tomorrow. I love you

Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Isinaksak ko na lamang sa tainga ko ang earphone at nakinig ng mga kanta kaysa mag reply pa sa kaniya. Ayaw niyang sumama dahil gusto niya raw masolo si Ria kaya hinayaan ko na lamang silang dalawa.

"Touch down, Batangas!" excited na sigaw ng lahat nang makarating kami sa isla.

Pasado alas-onse na ng umaga at pakiramdam ko ay kasing-taas na ng araw ngayon ang energy ko dahil sa napakagandang isla kung nasaan kami ngayon.

"Damn! Is this a secret paradise? Sobrang ganda naman dito!" tuwang-tuwang sigaw ni Yerim kaya lahat kami ay tumawa. Si Rafa ay tipid lang na ngumiti.

The white sands and the blue water is perfection! Kitang-kita ang mga corral reefs sa ilalim dahil sobrang linaw ng tubig nito. May iilan ring nag s sand bathing at surfing sa 'di kalayuan. Dahil isang private island, iilan lang ang mga tao at ang iba ay mga turista pa.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now