Kabanata 14

690 11 0
                                    

Kabanata 14

Spin

"Parang sure na sure ka na sa kaniya, a. Totoong totoo na ba 'yan?" seryosong tanong sa'kin ni Yerim habang kinukuha ang mga pinamili naming pagkain at drinks.

Ayaw pa sana kaming paalisin ni mama at hayaan na lang na doon matulog si Levi, ngunit nagpumilit na akong umalis dahil hiyang-hiya na ako sa kaniya. Although, hindi naman siya nagrereklamo pero ako ay ayokong hindi siya maging kumportable, kaya nang magising siya ay niyaya ko na agad siya pabalik sa condo nang kasama sina Yerim at Rafa.

"Hindi ko alam, Ye. He said I love you first," nag-aalangang sagot ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya habang binibilang niya ang sukli niya. Nang makuha namin lahat ng pinamili namin para sa sleep over ngayon ay lumabas na kami ng convenience store. Si Rafa at Levi ay naghihintay sa kotse dahil may kausap sa cellphone ang babaeng 'yon.

"Is he serious? I mean, I saw how he looks at you and that is not normal. Parang... alam mo 'yon? 'Yong mga isinusulat natin, iba 'yong tingin niya sa'yo, Rae," kinikilig na paliwanag niya sa'kin saka saglit pang huminto sa loob kaya napahinto na rin ako.

I also feel it. That everytime we're together, everything feels magic. Ano ba 'to? Love at first sight. Cringe af, Rae!

"May nangyari na ba ulit sa inyo?"

My eyes went big because of what she said. Mabilis pa akong lumingon sa paligid namin dahil baka may nakarinig ng sinabi niya, bago ako bumaling muli sa kaniya.

"Huwag kang maingay. Wala pa ulit!" halos bulong ko sa kaniya at hinila na siya palabas.

Narinig ko ang paghalakhak niya.

"So, gusto mong may mangyari ulit sa inyo? Hayaan mo, sasabihan ko si Rafa mamaya na maglagay siya ng earphone bago matulog," nang-aasar na sinabi niya sa'kin saka inunahan na akong maglakad patungo sa kotse ni Levi.

Napanguso lang ako at pinipigilan ang pag ngiti ko dahil doon. Kinalma ko pa ang kalooban ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kotse niya. I can still feel the heat on my face at alam kong pulang-pula na ako ngayon. Bwisit naman kasi ang Yerim na 'to!

"Are you okay?" Dinig kong tanong niya sa'kin.

Bago pa ako makasagot ay hinuli na niya ang kamay ko at saka kinabit ang seatbelt ko. I bit my lower lip when I heard Yerim and Rafa gasped. Oh, help.

"Respeto naman sa mga single rito, o," Yerim suddenly hissed at napuno na ng tawanan ang kotse.

Nagdesisyon kaming sa condo na lang ni Levi tumuloy dahil mas malaki ito kaysa ng sa'kin. Isa lang kasi ang kwarto ng sa'kin at sa kaniya ay dalawa kaya naman may pagpepwestuhan kaming tatlo nila Yerim at Rafa kahit papaano.

Nang makarating kami sa unit niya ay mag-isa akong naghanda ng snacks namin dahil ang dalawa ay binuksan kaagad ang TV dahil may inaabangan silang palabas ngayon, samantalang si Levi ay nagpaalam na magsa-shower lang muna saglit.

Nagluto lang ako ng popcorn at ininit ang pizza na nasa ref niya. Naghanda rin ako ng ice cubes dahil mag-iinuman na naman sila. Puwede rin naman akong sumali kung gusto ko pero sa tingin ko ay huwag na lang dahil hindi ko na nagugustuhan ang sarili ko kapag lasing ako.

While I was waiting for the pizza to become hot, I stiffened when I felt someone standing behind my back. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko kaya lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.

I always felt this emerging feeling lalo na pag nasa paligid lang siya. As if I'm always newly created, but I kinda like it. I don't know.

"Hey..." he whispered as he slid his hands around my waist.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now