Kabanata 57

346 11 0
                                    

Kabanata 57

Direction

My heart raised when I felt Noah's grip tightened while I was looking at Levi and Anne. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang pasimple kong binawi ang kamay ko sa kaniya mula sa ilalim ng tubig. Nang tuluyan ko nang mabawi iyon ay naghanda na ako upang umahon.

Nang sandaling makalapit ako kay Levi ay nagmadali itong hubarin ang coat niya at iniyakap kaagad sa'kin. Nakita ko ang pagsunod ng tingin doon ni Anne kaya tinitigan ko siya.

"Bakit ganyan lang ang suot mo?" tanong niya sa'kin kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

My forehead furrowed.

"Huh?"

"Your bra is showing just so you know," pairap nitong sinabi sa'kin kaya agad kong tiningnan ang sarili ko.

Napamura ako sa isip ko nang maalala kong naka-see-through dress nga pala ako at sa sandaling mabasa iyon ay kitang-kita na ang suot ko sa loob. Isinuot ko agad ang coat ni Levi sa akin at nilagpasan na siya roon. Agad niya akong sinundan kasama ang Anne na ito. Si Noah ay sumunod na rin kaya nanahimik na lamang ako habang naglalakad.

"Where's Asteria?" I heard Levi asked me.

Hindi ko ito nilingon. Sa halip ay dire-diretso ang lakad ko palayo sa lugar na iyon.

"She's with Avery. Dinala niya sa bahay nila," tamad na sagot ko sa kaniya.

Pagkatapos ay wala na akong ibang narinig kung hindi ang mga yabag lang ng bawat isa sa'min sa nga tuyong dahon sa daanan. Marahas akong bumuntong-hininga nang marinig ko ang boses ni Anne na may tinanong kay Levi. Nauuna ako sa kanilang tatlo. Panaka-nakang hinuhuli ni Levi ang kamay ko ngunit agad din akong bumibitaw sa kaniya sa tuwing mag-uusap sila ng babaeng ito.

"How's the water? Masarap 'di ba?" biglaang tanong sa'kin ni Noah nang sumulpot siya sa gilid ko.

Saglit ko lang siyang tiningnan at tinanguan. Totoo namang masarap ang tubig. Malinaw at medyo mainit. Kahit lilim ang bahaging iyon ng sapa ay hindi ko alam kung bakit medyo mainit ang tubig roon. Siguro ay gano'n lang talaga ito.

"Ah—oo, masarap naman," nag-aalangan kong sagot sa kaniya.

Narinig ko itong humalakhak kaya tiningala ko siya. Natatamaan na ng init ang makinis nitong balat kaya napangiwi ako dahil ako ang nasasakatan para sa balat niya.

"If you have a free time, gusto mong bumalik roon? Isama mo na rin ang anak mo—"

"She's not available anytime. Back off," putol ni Levi sa sasabihin niya na bigla na lamang tinulak si Noah palayo sa'kin.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon