Kabanata 55

346 8 0
                                    

Kabanata 55

Old

"I can't believe I'll see you here. Kung hindi pa ako nag gate-crash sa engagement party ninyo, hindi kita makikita at itong mapapangasawa mo," Noah told Levi na parang tuwang-tuwa pa ito.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Asteria is quietly eating same as me. Si Levi ay tila hindi masaya dahil sa Noah na ito, kabaligtaran ng nararamdaman ng dati niyang kaibigan. I wonder why. Bakit dati? Anong nangyari sa kanilang dalawa at tila nag friendship-over yata ang mga ito.

"Bakit? Hindi ka ba naimbitahan?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

Tinagilid nito ang ulo niya upang tingnan ako. Bigla itong ngumiti na tila may ibig-sabihin kaya nangunot ang noo ko.

"Hindi ako inimbitahan, e. Siguro dahil masama pa rin ang loob niya sa'kin. Hindi ko alam," kibit-balikat nitong sagot sa'kin at muling bumaling kay Levi na nanatiling walang emosyon ang mukha.

"Bakit nga ba hindi mo ako inimbitahan?" Noah asked him.

Umangat ang tingin nito at saglit na ngumisi. Umiling pa ito bago tumingin kay Noah.

"Bakit ka ba narito? As far as I remember, bawal ka na pumunta rito."

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Levi. Lalo akong nagtaka sa ikinilos niya nang bigla na lamang nitong padarag na binitiwan ang kutsara't tinidor na hawak niya.

Noah laughed in an irritated way. Nagpabalik-balik na ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil maging si Ria ay napatingin na rin sa kanila.

"I have my ways, Lev, alam mo 'yan. Besides, I'm still your best friend. Hindi ka ba natutuwang makita ako ulit?" makahulugan nitong sinabi at ngumisi na naman.

Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa ngiti niyang 'yon? Is there something I need to know?

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Levi saka bumaling sa kaibigan niya. Bago pa ito makapagsalita ay tumikhim na ako.

"Do we need to excuse ourselves para makapag-usap kayo nang maayos?" I asked both of them.

Levi immediately looked at us at kasabay no'n ay ang panlalambot ng ekspresyon nito. Bigla niyang inilapit ang upuan niya patungo sa tabi ng anak niya at hinalikan nito iyon sa ulo.

"Are you done eating? What do you want for dessert?" he asked like nothing happened.

Nabaling ang tingin ko kay Noah. Nakatingin ito sa mag-ama ko habang nakangiti nang malungkot. Tila may iniisip at inaalala. Napansin ko rin ang peklat sa kanang mata niya, tila isa iyong malalim na hiwa.

"Anong nangyari diyan?" Hindi ko na napigilang itanong sa kaniya.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now