Kabanata 65

419 8 0
                                    

Kabanata 65

Changes

"So, kailan ang kasal niyo? Everything is now settled," Yerim asked as she sat on the sofa.

Nanatili ang tingin ko kay Asteria na abala sa panonood ng Cartoon Network. Katatapos lamang namin mag-agahan kasabay si Yerim. Galing daw siya sa bahay ng half-sister niya kaya dito siya dumiretso upang makitulog. Masyadong malayo pa kasi ang condo nito rito at pagod na pagod na raw siya. Hindi ko rin alam sa babaeng ito kung bakit hindi na lang doon nagpahinga. Siguro ay wala na roon ang half-sister niya dahil sa maagang pasok.

"I'm going to the prison to talk to Noah and after that, I'll meet Georgina," Levi answered her.

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon.

"Bakit mo kakausapin si Noah?" I asked him before Yerim could speak.

Itinagilid nito ang kaniyang ulo at mataman akong tiningnan. "May sasabihin lang ako," tipid niyang sinabi.

Napatango na lamang ako at ibinalik sa TV ang atensyon.

"You mean Georgina Williams?" Yerim suddenly asked which made me look at her.

"Yes, para sa pagpa-plan ng wedding. I want it to happen by next week," simpleng sagot sa kaniya ni Levi kaya napailing na lamang ako.

Hindi pa rin talaga niya iyon binabago. Masyado talaga siyang nagmamadali.

"Oh my god! The famous designer Georgina Williams? Grabe naman! Puwede ba akong sumama? Fan na fan niya ako," histerikal na sinabi ni Yerim kaya natawa na lang ako.

Hindi ko na alam kung paano nagkasundo sina Levi at Yerim na magsama para i-meet ang sinabing Georgina Williams. Abala na kasi ako sa pag-aasikaso kay Ria kaya naman hindi ko na ito pinansin.

"Mommy, kailan po tayo uuwi kina Grandpa?" biglang tanong sa akin ng anak ko habang sinusuklay ko ang buhok niya.

"We'll go there tomorrow, baby," ani ko at pinagpatuloy na ang ginagawa.

Maya-maya pa, bago pa man ako makapagsalita ulit ay napangiwi ako bigla nang makaramdam ako ng kakaibang hilo, ngunit saglit lang iyon.

Iniwan ko muna si Ria sa loob ng kwarto para kumuha ng tubig. Sakto naman ang pagpasok ni Levi sa kitchen kaya sinundan ko ito.

"Akala ko ay maayos na 'yan? Hindi pa pala. Sana ay sinabi ninyo kaagad sa'kin," tila naiinis niyang sambit. May kausap ito sa telepono.

Tahimik na kumuha ako ng tubig at hinintay siyang matapos. Nang mamatay na ang tawag ay bumaling siya sa'kin. Nakakunot na ang noo nito.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ