Kabanata 17

570 10 0
                                    

Kabanata 17

Test

"Ask for his explanation para hindi ka nag-iisip ng kung anu-ano riyan," Yerim said to me while we were having coffee at Sebastian's coffee shop.

Hapon na nang magdesisyon akong mag break muna kahit ilang minuto. I left at the office around 2 PM at ngayon ay mag-iisang oras na akong wala roon. Sigurado akong hinahanap na ako ni Levi dahil wala naman siya nang umalis ako. The hell I care.

"Natatakot ako, Ye. Anong sasabihin ko sa mga sasabihin niya pag nagtanong ako?" I asked her with full of frustration.

I told her about what happened last night at that party. Umalis talaga ako roon at umuwi sa unit ko nang gutom at inis na inis. Kinabukasan na kami nakapag-usap dahil nakatulog agad ako nang gabing 'yon and he doesn't even know my passcode kaya hindi siya nakapasok sa unit ko. But I also felt bad for him dahil sabi niya ay naghintay siya ng anim na oras sa labas.

I heave a sigh then sipped on my coffee. Wala sa sariling napatingin ako sa labas habang pinapakinggan ang sinasabi ni Yerim. Mabuti na lang ay narito siya.

"You don't have to say anything actually. You just have to listen to him. Tingin ko kasi kaya hindi pa kayo nakakapag-usap nang maayos dahil hindi ka nakikinig sa kaniya. Don't you trust him?"

I blinked twice when that question of Yerim hit me. Hindi na ako nakatingin sa kaniya dahil bigla na lang tumunog ang cellphone ko. I looked at her when I saw who the caller is.

"Hinahanap ka na yata," natatawa niyang sinabi sa'kin bago ko sagutin ang tawag ng lalaki.

"Hello?"

"Where are you? Ang sabi ni Kat ay kanina ka pa wala," tanong niya sa'kin, dinig ko ang pag-aalala sa boses niya.

Saglit na uminom ako ng kape bago sagutin ang tanong niya. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang paglapit ni Sebastian kay Yerim.

"I'm with Yerim, nagkape lang kami saglit," tamad na sinabi ko sa kaniya at hinanda na ang sarili ko para bumalik sa opisina.

I heard his heavy breathing. Hula ko ay nakakunot na ang noo nito.

"Tapos na ba kayo? If not, I'll come and pick you up," he uttered.

"Huwag na. Pabalik na ako—"

"Nag lunch ka na? Let's lunch together..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may marinig akong boses babae sa kabilang linya at sigurado akong si Levi ang kausap niya.

"Nasaan ka ba?" I asked him instead at nagpaalam na kina Yerim at Sebastian na kasalukuyang may pinag-uusapang kung ano.

Narinig ko pang may sinabi siya na hindi ko maintindihan.

"Nasa office na ako."

"Then who's with you? I mean, may narinig kasi akong—"

"It's Mari. Kasama ko siya bumalik dito sa office. She's with her parents," putol niya sa sasabihin ko kaya umikot ang mga mata ko sa ere.

Naramdaman ko na naman ang pagkabuhay ng inis ko sa kanilang dalawa. I immediately felt laziness while I was walking back to the building dahil walking distance lang naman iyon. Mas lalo akong tinamad nang makaramdam ako ng antok dahil sa sikat ng araw.

"Okay. Pabalik na 'ko."

Iyon na ang huling sinabi ko sa kaniya saka ko pinatay ang tawag. Saan na naman kaya sila galing at palagi na lang silang magkasama? Ni hindi niya ako sinama sa meeting with clients niya kaya hindi na ako nagpaalam sa kaniya nang umalis ako. Siguro ang Mari na 'yon ang kasama niya kaya hindi niya ako sinama.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now