Kabanata 10

779 16 0
                                    

Kabanata 10
Neighbors

  Pasado alas siyete na nang makarating kami sa condo niya na katabi lang din pala ng unit na nilipatan ko kahapon. Hindi ko tuloy alam kung nang-aasar na lang 'yong tadhana o pinagtitripan na talaga ako.

  This Levi told me to buy a coffee and snacks when we arrived at his unit, kaya mabilis akong tumungo sa cafe ni Sebastian. Wala naman siyang sinabi kung anong snacks ang gusto niya kaya pinili ko na lamang ang mga pastry na naroon sa cafe niya.

  "Ang dami naman nito. Para kanino?" takang tanong sa'kin ni Seb habang hinahanda ang mga binili ko maging ang kape naming dalawa.

  "Sa boss ko," tipid na sagot ko sa kaniya. Narinig ko ang pag ngisi niya.

  "Ano 'yan, overtime? Mag a alas otso na, a," natatawa niyang tanong sa'kin ulit kaya napangiwi lang ako.

  Inabot niya sa'kin ang mga binili ko pati na ang dalawang kape na 'yon.

  "Ihahatid ko lang 'to, pagkatapos ay uuwi na rin."

  Iyon na ang huling sinabi ko sa kaniya at nagpaalam na ako para bumalik sa condo niya. Nang makapasok ako sa elevator ay nagulat pa ako nang makita ko si Jaxon. Naka-brown na itong tshirt at black na pantalon at rubber shoes. Pareho pa kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa.

  "Rae! Ikaw pala yan. Saan ka pupunta?" bungad niyang tanong sa'kin nang sumara na ang lift.

  "Let me help you," dagdag pa nito at kinuha ang paper bag na hawak ko. Natira na lang sa'kin ang dalawang kape na 'yon.
  Ngumiti lang ako sa kaniya. "Saan ang punta mo? Dito ka rin nakatira?" I asked him in surprise.

  "A, no. May pupuntahan lang ako. Saang floor ka?" he asked while still staring at me. Para bang balak niya akong tunawin.
  Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil naiilang talaga ako sa paraan ng pag tingin niya sa'kin. I'm not intimidated, but his way of staring at me is different. O kaya siguro ay hindi lang talaga ako sanay na may tumititig sa'kin dahil hindi naman ako pansinin noon.

  "32nd floor," tipid na sagot ko sa kaniya.

  Ngumiti muli siya at pinindot ang button. "Okay, 32nd floor," sambit niya. His face is full of playfulness.

  Nang makarating kami sa 32nd floor ay nakasunod pa rin siya sa'kin kaya nagmadali na akong tumungo sa unit ng lalaking 'yon. Nang buksan ko ang pinto ay tumambad kaagad sa'kin ang nakakunot na noo nito.

  "Ang tagal mo. Gutom na gutom na 'ko," iritableng sabi nito sa'kin kaya hindi na ako nakapigil na irapan siya.

  Binalingan ko ng tingin si Jaxon para kunin ang pinadala ko sa kaniya pero nangunot ang noo ko nang makita kong nakangisi siya kay Levi.

  "Bakit kasi hindi ka kumakain nang matino," aniya at nilagpasan ako. Sinundan ko lang siya ng tingin na nakilpag bro hug kay Levi.

  Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Napanguso lang ako nang biglang lumingon sa'kin si Levi. As far as I remember, Jaxon is also an employee at Acuzar Empire. Magkaano-ano kaya sila?

  "How'd you get here?" Levi asked to him at sinenyasan akong isara na ang pinto.

  Ramdam ko pa ang paghawak niya sa siko at iginiya ako sa kitchen para ihanda ang mga binili ko, habang siya ay nakikipag-usap kay Jaxon.

  "I helped her, and I know her. Magkasabay kaming mag lunch kanina," dinig kong sagot ni Jaxon sa tanong niya.

  Hindi ko na sila tiningnan dahil abala ako sa paghahanda ng pagkain. Maya-maya, ramdam ko ang biglang paglapit ni Jaxon sa gilid ko at tumulong sa ginagawa ko.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now