Kabanata 13

693 9 0
                                    

Kabanata 13
Love
 

Levi
Absent, huh?
 
 
Napairap ako sa kawalan dahil sa nabasa kong text galing sa kaniya. Papasok naman talaga dapat ako ngayon kahit half day, ngunit hindi ko na tinuloy dahil mukhang magtatagal kami rito sa clinic. Ngayon kasi ang schedule ng check-up ni mama sa likod niya at hindi naman puwedeng ang kapatid ko ang pasamahin ko sa kaniya.
 
I just shrugged my shoulder and type a text message for him.
 
 
To Levi
Just need to run some errands.
 
 
Mariin ang pindot ko nang sinend ko iyon. Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko, e dalawang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang gabing 'yon. I'm not sure with what happened that night. Ang alam ko lang ay nilinaw niya sa 'kin lahat at pagkatapos ay pinakilala niya sa 'kin si Mari. A family friend. Ang mga magulang daw nito ay kaibigan ng mga magulang niya. I just don't know why he looked so furious that night.
 
 
Levi
Where are you? I'll wait for you here at the office.
 
 
I rolled my eyes for the second time dahil sa kakulitan niya.
 
 
 
To Levi
Huwag na. Hindi na ako makakadaan diyan dahil nasa clinic pa kami ngayon.
 
 
 
Iyon na ang huling sinabi ko bago ko narinig na tinawag na ang pangalan ni mama. Sinundan ko lang siya ng tingin nang papasukin na siya ng doctor sa loob. Narinig ko pa ulit ang pagtunog ng cellphone ko kaya binuksan ko agad iyon.
 
 
 
Levi
Who's with you? Nasaan ka ba?
 
 
Bakit ba ganito ang lalaking 'to? Hindi ba ako nakapagpaalam sa kaniya?
 
Bago ko pa ma-i-send sa kaniya ang reply ko ay tumawag na siya kaya mabilis kong sinagot iyon.
 
 
"H-hello," I uttered.
 
Dinig ko ang marahas na buntong-hininga niya sa kabilang linya.
 
"Nasaan ka ba? Hindi pa ako kumakain. Let's lunch together, Lumiere," he said in his husky blurry voice.
 
Bakit ganoon ang boses nito gayong sa personal ay normal naman itong pakinggan? Sinasadya niya ba 'to para sumunod ako sa sasabihin niya? Alam niya kayang isa sa mga kahinaan ko ang boses niya? Tsk!
 
"I can't. Kasama ko si mama."
 
"Then, let's have lunch together with your mom. Hindi problema 'yon sa 'kin," marahan niyang sagot sa 'kin habang gano'n pa rin ang boses niya.
 
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti ko. Korni man sabihin pero kinikilig talaga ako kapag gano'n ang boses niya. Hindi ko alam pero parang kinukuha niya ang kalooban ko sa pamamagitan no'n.
 
Mariin akong pumikit at saglit na lumabas sa clinic.
 
"Hindi pa kasi kami tapos dito—"
 
"It's okay. Maghihintay ako. Text me the address and I'll go there," he declared and ended the call.
 
Nang matapos iyon ay may pumasok kaagad na text galing sa kaniya kaya nailing na lang ako.
 
 
Levi
I told you to stop resisting. Lalo mo 'kong binabaliw kapag tanggi ka nang tanggi, Lumiere.
 
 
I whispered a curses while typing the address of this clinic and sent it to him. Nang hindi na siya nag-reply ay nanatili muna ako sa labas para hintayin siya sakaling hindi niya mahanap agad ang clinic na ito.
 
I kinda like it when he's chasing me like that. Ganito pala ang feeling kapag may taong interesadong-interesado sa 'yo. This is the first time I felt this and it's kinda satisfying but terrifying at the same time. Isinusulat ko lang kasi ang mga ganitong pakiramdam dati at bumabase lang ako sa mga napapanood ko, kaya alam na alam ko kung anong klaseng pakiramdam ang naghihintay sa 'kin kapag natapos 'to. Like, paano kung paggising ko kinabukasan, hindi na siya ganito sa 'kin?
 
I waited for him for few minutes until he arrived. Huminto sa harapan ko ang isang black Audi R8 at iniluwa no'n si Levi. Napansin ko pa ang saglit na paghinto ng mga naglalakad para lang tingnan ang kotse niya at siya dahil napakagarbo nitong tingnan. Maging ang driver nito ay talaga namang sumisigaw ang pagiging marangya sa buhay.
 
Napa-face palm na lamang ako dahil sa kahihiyan nang tuluyan na siyang lumabas. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa ganito. Hindi naman siya iyong mayaman na mayabang. Naiilang lang talaga ako kapag naiisip ko kung gaano ako ka-average at heto siya, parang naglalakad na kayaman patungo sa 'kin.
 
"Why the long face?" Salubong niya sa 'kin at bahagya pang binaba ang wayfarers niya upang makita ako nang mabuti.
 
Umiling lang ako sa kaniya at pinakatitigan siya nang maayos. He's wearing a white long sleeve na nakatupi hanggang siko ang manggas at navy blue slacks na fit sa kaniya. Nakabukas na naman ang dalawang butones niya kaya marahas akong bumuntong-hininga.
 
Pakiramdam ko ay busog na ako.
 
"Bakit ka nasa labas?" Tanong niyang muli at iginiya na ako papasok sa loob ng clinic.
 
"Hinihintay kita. Baka kasi hindi mo makita agad 'to," I told him, pertaining to this clinic.
 
Paupo na sana kami nang biglang lumabas si mama at 'yong doctor niya kaya nanatili kaming nakatayo. Nakita ko pa ang saglit na pag tingin ni mama kay Levi kaya napangiwi ako.
 
"Sabi ko naman sa 'yo, anak, wala lang 'to. Masyadong ka kasing nag-aalala agad," salubong niya sa 'kin at tumingin pa sa doctor niya.
 
Napaismid lang ako at hinintay ang sasabihin ng doctor.
 
"It's just a simple back pain, Rae, pero binigyan ko na siya ng mga gamot sakaling sumakit na naman ulit," paliwanag nito sa 'kin at may binigay sa 'king papel.
 
Result iyon ng laboratories niya na normal naman lahat kaya nakahinga na ako nang maluwag.
 
Pinaliwanag pa niya sa 'kin ang mga dapat gawin para mabawasan ang pananakit ng likod niya bago kami umalis. Tumuloy kami sa malapit na restaurant para kumain habang panay pa rin ang paninitig niya kay Levi.
 
I scratched my forehead and looked at her.
 
"He's my uhm... boss, 'ma."
 
"I'm her suitor, Mrs. Laxamana. My name's Levi Acuzar," he uttered, cutting me off.
 
My jaw dropped because of what he said. Nakita ko rin ang saglit na paghinto ni mama sa pag kain bago ngumiti nang malawak. Makahulugan pa itong tumingin sa 'kin bago bumaling kay Levi.
 
"Sabi na nga ba, tama ako. Sa paraan pa lang ng pag tingin mo sa anak ko ay alam kong mayroon nang namamagitan sa inyong dalawa," seryoso ngunit makikita sa mga mata niya ang kakaibang saya kaya natigilan din ako sa pag kain.
 
"It's nice to see you po, Mrs. Laxa—"
 
"Tita na lang ang itawag mo sa 'kin, hijo. Kung ano man ang mayroon sa inyo ng anak ko, hindi ko naman pipigilan 'yon. Basta ipangako mo sa 'kin, huwag na huwag mong sasaktan itong si Astraea," pagpapatuloy nito saka saglit na tumingin pa nang masama kay Levi kaya nailing ako.
 
"Mama..."
 
"Nagbibiro lang ako, anak. Napakagwapo naman ng boyfriend mo," magiliw nitong putol sa sasabihin ko kaya napanguso na ako.
 
Narinig ko ang paghalakhak nilang dalawa kaya lalo akong nailang.
 
"Hindi ko po siya boyfriend—"
 
"Malapit na po, tita," Levi exclaimed before I can continue what I'm saying.
 
Lalong lumakas ang halakhak nilang dalawa kaya lalo akong napasimangot kahit sa loob-loob ko ay masaya ako dahil sa nakikita ko. Ngayon ko lang kasi ulit ito nakitang ngumiti at tumawa nang ganito. Ang huli ay noong nabubuhay pa si papa.
 
Nang matapos kaming kumain ay nagpumilit pa si Levi na ihatid kami sa bahay. Ilang beses pa akong tumanggi, ngunit wala na akong nagawa nang ibigay na sa kaniya ni mama ang address namin. Tingin ko kasi ay hindi magandang ideya na pumunta siya sa bahay dahil kay Arthur. Alam na alam ko na ang magiging reaksyon ng batang 'yon kapag nakita niya ito.
 
"Bukas pala ay samahan mo 'ko," he suddenly mentioned habang binabagtas namin ang daan pauwi.
 
I raised a brow on him.
 
"Saan?"
 
He tilted his head to face me. Namumungay ang mga mata niya at pansin ko rin ang pamumula ng mga ito. Para siyang inaantok na ewan.
 
"It's a social party and I want you to be my date. Gabi pa naman idadaos kaya makakapaghanda pa tayo," he casually told me and grabbed my hand with his free hands.
 
Saglit na nilingon ko si mama sa backseat dahil sa ginawa niya. Nang makita kong tulog ito ay saka lamang ako huminga nang maluwag. Pabigla-bigla naman kasi ang isang 'to!
 
"Kailangan ba talaga? Wala akong isusuot dahil hindi naman ako pumupunta sa mga ganiyan," I told him as a felt his thumb slowly rubbing my hand.
 
Nakatingin lang ako roon. Bigla kong naaalala ang seminar namin noong nakaraang taon. May topic kami na na-discuss about someone's simple gesture at isa ito sa mga 'yon. That if someone holds your hands and rubs their thumb, it's a sign of affection. He could also be showing his feelings like if he was nervous or worried. But if you two are just relaxing and he rubs your thumb it's a sign of contentment and shows that he is comfortable being with you.
 
I suddenly smiled when I remember that while still looking at our hands intertwined to each other. Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko sa 'di malamang dahilan kaya tiningnan ko na siya. Noon ko lang namalayan na nakahinto na kami sa labas ng bahay kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.
 
"Stop worrying about everything while you're with me, Lumiere. Just say yes and let me do the rest," marahan niyang sambit sa 'kin at dinala ang kamay ko sa labi niya upang halikan.
 
I don't know why but I suddenly feel safe. Sa tuwing kasama ko siya, sa tuwing malapit siya sa 'kin ay pakiramdam ko, ligtas ako. Hindi na ako natatakot mag-isip kung ano bang patutunguhan ng one time experience na 'to as long as he's with me. Kaya siguro kahit anong sabihin ng ibang tao tungkol sa kaniya ay hinahayaan ko lang 'yon. I hate to admit it pero una pa lang ay may tiwala na ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit.
 
Marahan akong tumango sa kaniya saka ngumiti. Lalong pumungay ang mga mata niyang 'yon habang nakatingin sa 'kin. He suddenly lean towards me and gave me a peck of kiss on my lips. Pagkatapos ay tinanggal na niya ang seatbelt ko. Bago pa ako maka-react sa ginawa niya ay nagising na si mama kaya bumaba na kami.
 
I'm really not sure about this but I want to take a risk for the second time. Wala naman sigurong masama. Kung masasaktan, so be it. After all, siya ang unang lalaking nagparamdam sa 'kin ng lahat ng 'to kaya tatanggapin ko kung siya rin ang unang mananakit sa 'kin.
 
 
  -
 
"Still asleep?" Bungad na tanong sa 'kin ni Yerim nang makalabas ako mula sa kwarto ko.
 
"At bakit kanina ka pa pabalik-balik sa kwarto mo? May ginagawa siguro kayong kakaiba," dagdag pa nito kaya hinampas ko siya sa braso.
 
Impit na sumigaw siya kaya hinila ko na siya patungo sa sala. Nang makarating kasi kami rito sa bahay ay nadatnan namin sila ni Rafa dahil hinihintay daw ako according to Arthur.
 
Hindi na rin bumalik pa si Levi sa opisina dahil kitang-kita kong inaantok talaga 'to kaya pinatulog ko muna siya sa kwarto ko. Mag gagabi na ay hindi pa rin nagigising.
 
"Ang ingay mo talaga. Mamaya marinig ka ni mama," saway ko sa kaniya dahil sa sinabi niya.
 
"Sakto pala, Rae, balak namin mag sleep over sa condo mo. Isama mo na 'yang boss mo," Rafa suggested to me kaya tiningnan ko siya nang nagtataka.
 
"Bakit sa condo ko pa? Maliit lang 'yon," kaswal na tanong ko sa kaniya at umupo sa tabi ni Yerim.
 
"Ah, so pumapayag kang isama ang boss mo sa sleep over natin," Yerim stated that made me look at her immediately.
 
Huli na para tumanggi pa ako dahil tumawa na silang dalawa ni Rafaella. Napaismid lang ako sa gilid nang biglang sumigaw si Arthur kaya sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya.
 
"Oh my G! Am I dreaming? Am I really seeing a god?!" Hiyaw nito hahang nakasilip sa kwarto ko.
 
Patakbo akong lumapit sa kaniya hahang naririnig ko ang halakhak ni Yerim at Rafa. Mabilis kong hinila si Arthur palayo sa kwarto ko at isinara ang pinto no'n.
 
"Huwag kang maingay!" Saway ko sa kaniya nang maupo siya sa tabi ni Yerim.
 
"Kasi naman, ate! Ang gwapo gwapo naman ng boyfriend mo! Tsaka bakit siya nakahubad? Gano'n ba talaga siya matulog? Parang gusto ko tuloy siyang tabi—"
 
"Oh my god, Arthur! Mahiya ka nga!" Putol ko sa sasabihin niya.
 
Agad na sumimangot ito at hinawi pa ang buhok niya sa maarteng paraan.
 
"It's Ari, Ate Rae. A-RI!" Iritadonf sagot niya sa 'kin, emphasizing his name.
 
Inirapan ko na lamang siya habang tinatanaw ang kwarto ko dahil baka magising siya. Kitang-kita ko kasi ang pagod niya nang patulugin ko siya sa kwarto kanina. Siguro ay dahil sa trabaho. Iyon kasi ang napansin ko noong pumunta ako sa condo niya. Kahit nakauwi na siya ay nagtatrabaho pa rin siya.
 
"Hindi ko siya boyfriend, okay?" Paglilinaw ko sa kaniya na umirap lang at nag cross arm pa saka ngumisi.
 
"Magiging pa lang, Ari. Ang swerte mo, ang gwapo ng magiging brother-in-law mo," sabat naman ni Yerim kaya tiningnan ko siya nang masama.
 
"I still can't believe it. The young innocent Astraea Lumiere Laxaman ay mapapaibig lang pala ng isang estranghero. Funny pero exciting pakinggan," Rafa also uttered kaya marahas akong napabuntong-hininga.
 
Sabay-sabay pa silang nagtawanan tatlo kaya tumayo na ako.
 
"O, saan ka na naman pupunta? Hindi mo kayang malayo sa kaniya kahit saglit lang 'no," patuloy na pang-aasar sa'kin ni Yerim.
 
Marahas na pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko saka inirapan siya.
 
"Gigising ko na para makaalis na tayo," tamad na sinabi ko sa kanila saka diretsong tumungo sa kwarto ko.
 
I closed the door as I stepped inside. Ganoon pa rin ang ayos niya. Nakadapa kaya tanging ang bato-bato lang na likod niya ang nakikita ko. Hindi ko alam kung kailan niya hinubad ang polo niya. Siguro ay naiinitan siya. Wala naman kasing aircon dito.
 
I sat down beside him at dahan-dahang hinaplos ang mukha niyang nakaharap sa kung nasaan ako. Ilang beses ko pang ginawa iyon bago siya tuluyang nagising.
 
"We need to go. It's almost—"
 
"Your room smells exactly like you. I want to stay here for a long time," he uttered in his husky blurry voice.
 
Hindi pa rin siya dumidilat pero nakasungaw ang kakaibang ngiti na iyon sa labi niya.
 
"Hindi puwede, Levi. Let's just sleep on my condo."
 
Huli na bago ko ma-realize ang sinabi ko dahil mabilis siyang tumihaya at hinuli ang mga kamay ko. Tatayo na sana ako ngunit mabilis niya akong hinila dahilan para bumagsak ako sa dibdib niya.
 
"You will sleep beside me?" Agarang tanong niya sa nang-aasar na tono.
 
Napapikit ako nang mariin dahil sa pagyakap niya sa baywang ko nang mahigpit. Ramdam ko pa ang paggawad niya sa 'kin ng maliliit na halik sa ulo ko kaya hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. My heart is beating so fast and I can also feel the weigh on his breathing. Amoy na amoy ko siya dahil nasa dibdib niya ako.
 
"N-no, Levi. I was just... I mean, sa condo mo na lang ikaw matulog dahil mainit dito," I told him, sounding like a stupid.
 
Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa sobrang kaba. Panay ang tingin ko sa pinto dahil baka biglang bumukas iyon.
 
"Then, you will sleep with me. Sa kama ko. Katabi ko, Lumiere," he stated, still his voice is cracky dahil kagigising lamang niya.
 
Patuloy sa pagkalabog ang dibdib ko hanggang sa hilain niya ako para lumapit pa ako sa kaniya. Ramdam ko ang pag-angat niya ng mukha ko para matingnan ko siya. Nang dumako ang tingin ko sa kaniya ay saglit pa niya akong tinitigan bago ngumiti.
 
"I love you," he uttered while still looking at me in his serious expression.
 
Nang sandaling 'yon ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko lalo na nang magtama ang mga labi namin. His lips tastes like wine. Nakakalasing. Nakakawala sa sarili. Hindi ko makilala ang sarili ko sa tuwing hinahalikan niya ako nang gano'n. As if he's really into me. As if he really love me.
 
It's risky but I want him with me.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon