Kabanata 66

390 7 0
                                    

Kabanata 66

Second

"Bakit ang tagal naman? Hindi pa siya nagigising sinula kanina. Usually mabilis lang naman magising ang mga nahimatay, 'di ba?"

Napakunot ang noo ko when I heard that loud noises na sobrang nagpapasakit sa ulo ko. Inis na minulat ko ang mga mata ko only to see Maxim beside me, malakas ang boses niya kaya naman iritang-irita ako. What the hell!

"Can you shut the fuck up?" putol ko sa sasabihin niya.

Mabilis siyang tumingin sa'kin habang nanlalaki ang mga mata at nakita ko rin ang mabilis na paglapit ni Tita Criselda sa akin.

"Oh my god, Rae! You're awake!" sambit pa ni Maxim niyakap pa ako kaya tinulak ko agad siya at inirapan.

"Ang ingay mo, Max. Ano bang nangyari?" iritadong sinabi ko kay Maxim na nakakunot na ang noo.

"You suddenly passed out, hija. Kumust ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Tita Criselda.

"Lumiere, kamusta pakiramdam mo?"

Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon and I suddenly feel uncomfortable and irritation when I saw him.

Pinilit kong pigilan ang sarili kong huwag siyang sungitan o sigawan but I failed nang magsimula na akong tanggalin ang pagkakahawak niya sa'kin.

"Get off me. I don't wanna see you. Bakit ka ba nandito?" naiinis na sinabi ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.

Maging sina Maxim at Tita Criselda ay nagulat rin sa inakto ko. Maging ako man dahil ito ang unang pagkakataon na naiinis ako nang sobra sa kanya ngayon and I don't know why!

"But, Lumiere—"

"Sabi nang umalis ka, e! Ayaw kitang makita!" sigaw ko sa kanya.

Nakita ko ang pag igting ng panga niya. Inirapan ko lamang siya at tumingin sa ibang direksyon.

"I'm fine, tita. Masakit lang po ang ulo ko," tamad na sinabi ko kay Tita Criselda na nasa gilid ko pa rin.

"Nagpatawag na ako ng private doctor and he's on his way, so don't worry. Kailangan ka pa ring matingnan."

"Alin sa ayaw kitang makita ang hindi mo naintindihan?" I said to him, cutting him off.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin at nagsisimula nang mamula ang mukha niya.

"I think, we should go now, Tita. Baka madamay tayo sa kainitan ni Rae," Maxim said at humalakhak pa kaya tiningnan ko siya nang masama.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now