Kabanata 63

404 9 0
                                    

Kabanata 63

 Fantasized

"The case of Noah Alegre has been filed today, Levi. Ano pang gusto mong gawin? Warrant arrest na lang ang hinihintay para tuluyan na siyang makulong," I heard Attorney Alexander said to him.

Inangat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa na kasalukuyang nag-uusap na. Nauna nang umalis sina tito at tita dahil bawal pa ang masyadong pagpapagod kay Tito Saldy. Hindi ko lang alam kung bakit nagpaiwan pa kami rito.

"I just want to ask, Lex, posible bang ma-counter na naman niya ito gaya ng ginawa niya dati?" Levi asked him. Nanatili ang tingin ko sa kaniya.

Nang sabihin niya sa'kin ang ginawa sa kaniya ni Noah noon ay halos hindi ko iyon ma-imagine, pero nang maalala kong muli ang ekspresyon at ang mga sinabi niya sa'kin nang gabing 'yon ay mas katanggap-tanggap na. Hindi ko alam kung totoo ang mga sinabi nito tungkol sa ex-fiancé niya. Baka gawa-gawa lang niya iyon para ma-justify and kasalanang ginawa niya sa'kin at kay Levi. Pero kung wala namang malalim na dahilan, bakit nito gustong patayin ang huli?

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap nila dahil lumabas na ako nang makaramdam ako ng pagkagutom. Saktong paglabas ko ay sumalubong sa'kin si Yerim at agad ako nitong niyakap.

"Oh my god, Rae! I heard what happened to you. Sinabi sa'kin ni Levi. Kumusta ka?" she asked me in an overreacted way kaya natawa ako.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Bihira na kami magkita nito dahil nagpaalam siyang babalik na lang daw siya sa Korea to live there for good. Kaya nagulat ako na narito na naman siya. Si Rafaella naman ay bihira na lang ding magparamdam dahil hanggang ngayon ay namomoblema sa pagpapagamot ng kapatid niya. Gusto ko man siyang tulungan ngunit wala talaga akong maitutulong pa sa ngayon.

"Maayos ako, Ye. Na-file na ang kaso kay Noah at warrant arrest na lang ang hinihintay," kuwento ko sa kaniya habang binabagtas namin ang daan palabas ng law firm.

"Ang gago ng lalaking 'yon 'no? Sigurado ka bang maayos ka na? E, si Levi? Buti ay hindi pinatay iyong lalaki?" sunod-sunod niya pa ring tanong.

Napakamot na lang ako sa ulo ko saka tiningnan siya saglit.

"Nasa ospital ngayon si Noah, sira ang mukha," sambit ko sa kaniya. Mabilis itong tumingin sa'kin at maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata niya.

Tumawa pa ito bago kami tuluyang pumasok sa coffee shop sa harap ng building ng Narvasa's Law Firm. Halos sumigaw pa ako nang makita ko si Rafa na prenteng nakaupo sa dulo kaya tiningnan ko si Yerim.

"Surprise," ngiting-ngiti niyang sabi sa'kin.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil roon saka mabilis nang nilapitan si Rafa. Nang makita niya kami ay agad siyang tumayo at sinugod ako ng yakap.

"Oh my god, Astraea. I missed you!" she hissed and just hugged me tightly.

Nang humiwalay ito sa'kin ay tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. "That fucking Noah. Humanda sa'kin ang lalaking 'yan kapag nakita ko siya," seryoso niyang banta kaya halos matawa ako.

"Girl, hindi na kailangan. Sinira na raw ni Levi ang mukha!" natutuwang sagot sa kaniya ni Yerim kaya tuluyan na akong napailing.

Matapos naming umorder ay nagsimula na kaming magkamustahan. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nagkekuwento sila tungkol sa mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang buwan.


"Pakisabi sa soon-to-be husband mo ay malaki ang utang na loob ko sa kaniya," biglang sabi ni Rafa kaya napatingin ako sa kaniya.

"Huh? Bakit?" I asked her then I sipped on my coffee.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now