Kabanata 35

445 9 0
                                    

Kabanata 35

Love

Halos maiwan ko ang kaluluwa ko sa isla nang umalis agad kami at bumyahe pabalik sa Manila. Madaling araw na nang makarating kami at dumiretso agad sa ospital kung nasaan si Asteria. As much as I don't want to overreact ngunit hindi ko talaga kaya lalo na't marami akong alaala sa ospital na 'to. This is where my brother and mother died that time. And now, my daughter is here... I don't know what will happen. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya. Mamamatay ako.

"What happened, ma? Anong sabi ng doktor?" bungad na tanong kaagad ni Levi sa mom niya nang makarating kami sa private room ng anak ko.

Ni hindi ko na sila pinansin. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Ria at nang makita ko ito ay halos mawalan ako ng hininga. Nakaratay ito, tulog at maputlang-maputla. Nilapitan ko agad siya habang pinipigilan ang sarili kong umiyak. Mariin ko itong hinalikan sa ulo at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

"M-mommy's here, baby... you'll be okay," I whispered to her kahit alam kong hindi niya ako naririnig dahil patay ito sa tulog.

"She suddenly passed out. Hindi pa lumalabas ang result ng mga test niya kaya naghihintay pa rin kami," dinig kong sinabi ni Tita Criselda, pansin ko na tahimik lang ang daddy ni Levi habang nakatingin sa amin.

Nanatili ang tingin ko sa anak ko. Ramdam na ramdam ko ang tamlay nito kaya lalong nadurog ang puso ko. Seeing her like this is killing me. I don't like it here. I don't want us to be here.

"She'll be okay. Let's just rest for a while," I heard Levi said to me which made me shake my head.

Ramdam ko ang marahan na paghagod niya sa likuran ko. "Ayoko. Dito lang ako," tipid na sinabi ko sa kaniya.

"But, Rae... hindi ka pa kumakain mula kanina. Baka magka—"

"L-let's just stay here, Levi... baka tayo ang unang hanapin niya paggising niya. I want to be the first person she will see when she wakes up. Please..." I begged him.

Mabilis kong pinalis ang mga luha ko nang tingnan ko siya habang naghihintay ako ng sagot niya. Saglit pa itong tumingin sa'kin at pagod na bumuntong-hininga. Tiningnan nito ang anak niya at kitang-kita ko roon ang labis niyang pag-aalala.

Bago pa siya makapagsalita ulit ay dumating na sa wakas ang doktor kaya naging alerto kaming lahat.

"She has Hemolytic Anemia. Her red blood cells are destroyed faster than they are made. This can be inherited so I believe, namana niya ito sa mga magulang niya o sa kahit na sinong relatives?" The doctor explained.

Nangunot ang noo ko nang marinig ko iyon. Binalot agad ng takot at pag-aalala ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Sakit ko iyon. Nasa lahi ng side ni mama ito kaya pamilyar na sa'kin ang sakit na 'yon.

"S-sa'kin po. I'm her mother," I uttered, my voice broke.

Nakita ko ang pagbaling ng tingin sa'kin ng lahat. Naramdaman ko pa ang paghawak ni Levi sa kamay ko nang mahigpit kaya kumalma ako kahit papaano.

"Ano pong kailangan naming gawin, dok? Is my granddaughter will be okay?" Levi's mom asked to the doctor kaya nanatili lang akong nakikinig.

Naalala ko ang ginawa sa'kin ng mga doctor noong na-ospital din ako dahil sa parehong sakit. Inadvice ng mga ito ang blood transfusions dahil ito ang first aid sa gano'ng sakit pero hindi agad nagawan ng paraan dahil wala akong kaparehong blood type kung di si papa lang—and he's already dead that time.

"I will suggest the blood transfusion. Tinest na namin ang dugo niya and she has the rarest blood type which is AB negative," the doctor declared. "But if her condition gets worse, kailangan niyang maoperahan at kailangan niyong maghanap ng blood and marrow donor," dagdag pa nito kaya tuluyan na akong nanghina.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon