Kabanata 12

671 11 0
                                    

Kabanata 12
Fine
 
    "Astraea, nice to see you again," Maxim said to me while giving me a dirty look.
    Tungkol siguro sa nakita niya kanina.
    Inabutan niya ako ng baso na may lamang alak. Nang amuyin ko 'yon ay napangiwi ako dahil sa tapang nito. Amoy pa lang, nakakalasing na. I don't like this idea of me drinking again. Lalo na't narito ako sa bahay ng pamilya niya.
    "Pasensya ka na sa nangyari kanina, Max. Hindi ko talaga—"
    "Don't mention it, I don't mind. Huwag mo masyadong alalahanin ang mga bagay-bagay lalo na't nandito ka sa lugar namin," putol niya sa sasabihin ko at kinindatan pa ako.
    Gaya ng lahat ay naka swim suit din ito, ngunit siya ay wala nang patong sa katawan kung 'di ang red two piece na lang. Hindi gaya ng sa'kin. Ako na lang yata ang naka see-through.
    "Drink. You need that, para hindi ka nahihiya," dagdag pa nito saka tinap ang balikat ko.
    Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa bumaba siya sa pool. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Levi ngunit si Hoseah ang nakita kong papalapit sa 'kin. Naka swim suit na rin itong maroon. Grabe talaga ang ganda ng babaeng 'to. She's a former beauty queen and now, model ito ng kilalang brand ng mga swim wear. Mas matangkad siya sa 'kin nang kaunti at mas maputi. Balingkinitan, ngunit hindi pa rin niya matatalo ang dibdib ko. The fuck, Rae?
    "Are you having fun, Rae?" Tanong niya kaagad sa 'kin saka umupo sa kaharap kong upuan.
    Umayos ako ng upo at nilagok ang alak na binigay sa 'kin ni Maxim kanina lamang. Hindi ko pinansin ang tanong niya at inilibot na lamang ang paningin ko sa lahat.  Sa kanilang lahat ay sina Maxim, Celine, Jaxon, Acel at Avery pa lang ang nakikilala ko dahil nagpakilala na sila sa 'kin kanina. Ang iba ay hindi pa dahil abala ang mga ito sa paglalaro ng basketball sa swimming pool. Parang gusto ko ring sumali.
    Hinanap muli ng mga mata ko si Levi ngunit hindi ko talaga siya makita. Nagpaalam lang ito saglit na may kukunin sa loob, hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Ayoko pa namang kasama ang babaeng ito.
    "Tell me, kayo na ba?" Dinig kong tanong muli ni Hoseah kaya tiningnan ko na siya.
    Inubos ko muna ang alak na hawak ko saka nagsalin muli sa baso ko. Ramdam ko ang pag guhit ng pait sa lalamunan ko hahang nakatingin sa kaniya.  I gasped, ready to answer her question but she cut me off again.
    "I hope not, because I'm telling you, inaayos ulit namin lahat ng mga dapat ayusin. We're still engaged, as you can see," nang-aasar na patuloy niya at iwinagayway pa sa harapan ko ang kamay niyang may singsing.
    I sipped again on my drink and looked at her. Nginitian ko lang siya at hindi na pinansin muli. Bumaling muli ang tingin ko sa mga naglalaro.
    "Having a hard time, huh? Hindi mo naman na kailangang sumagot pa. Besides, marami ka pang hindi alam tungkol kay Levi. Hindi ka dapat nagtitiwala basta-basta," she continued and smirk on me.
    Naalala ko bigla ang sinabi ni Celine kanina kaya natigilan ako sa panonood. Uminom muli ako saka bumaling sa kaniya na panay pa rin ang ngisi sa 'kin.
    "Ano bang dapat kong malaman? Besides, what do you want from me? Kung si Levi ang gusto mo, siya ang puntahan mo. Huwag ako," I said to her at inirapan ko siya.
    Narinig ko ang paghalakhak niya. Ramdam ko ang pagpupuyos ng galit ko dahil sa ginagawa niya sa 'kin ngayon. As if she's trying to ruin my mind by thinking about what she said. Ano nga bang dapat kong malaman tungkol sa kaniya? Dapat ko pa bang malaman iyon kung alam kong wala naman talagang patutunguhan 'to?
    "I guess, hindi pa kayo nakakapag-usap nang maayos. Don't worry, he'll tell you sooner or later. But I'm telling you, better be ready dahil baka hindi mo kayanin. Nakikita ko pa naman kung gaano ka kahinang babae," she seriously said to me at tumayo na.
    Saglit pa niya akong tiningnan hanggang sa tinalikuran na niya ako.  Nagsalin muli ako ng salak sa baso ko at mabilis na ininom 'yon.
    Somehow, I'm starting to like the taste of this alcohol. Gano'n pala 'yon. Sa una mo lang hindi magugustuhan pero hahang tumatagal, mamamalayan mo na lang na hinahanap-hanap na ng katawan mo.  Gaya ng lalaking ito na bigla na lamang hinila ang upuan sa harap ko at tumabi sa 'kin. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang katawan, ngunit naaamoy ko rin ang pabango niya na masarap sa ilong.  Napangiwi ako habang nakatitig sa kaniya.
    "Anong sinabi sa'yo ni Hoseah?" Tanong niya sa 'kin at hinagilap na naman ang kamay ko.
    Ano na bang mayroon sa 'min?
    Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang mapansin kong titig na titig siya sa 'kin. Nakita ko ang paninitig sa 'min ng mga pinsan niya nang mapadako ang tingin ko sa pool. Para silang nanonood ng teleserye kaya natawa ako.  I sipped on my drink before I answers him.
    "Bukod sa pang-aakusang nang-aagaw ako ay wala naman. Ikaw, do you have something to tell me?" Balik kong tanong sa kaniya.
    Nanatili ang tingin ko sa mga pinsan niya na nagsisimula na muli ng laro. Nakita ko pa ang pag-irap sa 'kin ni Hoseah nang mapadako ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko rin si Jaxon na kumaway lang sa 'kin kaya tinanguan ko lang siya.
    "I wanna talk to you, Lumiere," he started.  I closed my eyes and heaved a deep sigh.
    Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko dahil sa hawak niya kaya binawi ko iyon. Narinig ko ang pagmumura niya.
    "Tungkol saan ba kasi? Hoseah told me that I shouldn't trust you dahil marami pa akong hindi alam sa'yo. Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat makinig," tamad na sinabi ko sa kaniya.
    Nagsalin muli ako ng alak sa baso ko at diretsong ininom iyon. Nakakaramdam na ako ng init kaya hinubad ko na ang see-through dress na suot ko. Nagulat ako nang may marinig akong nagsigawan kaya napatingin ako roon. Nakaramdam lalo ako ng hiya dahil lahat pala sila ay nakatingin sa 'kin.
    "Damn, Lumiere. Why do you need to wear something like that," namomoblema niyang sinabi sa 'kin at pinilit akong paharapin sa kaniya.
    "Why? Don't you like what I'm wearing, huh?" I asked him and bit my lower lip.
    Kumunot ang noo niya. He started to clench his jaw while staring at me. Kita ko ang paghihirap niyang hindi tumingin sa katawan ko kaya napahalakhak ako.
    "Stop fucking teasing me," mariin niyang sinabi sa 'kin kaya mas lalo akong tumawa.
    Kinuha ko ang baso na hawak niya at inubos ang laman no'n. Maya-maya pa, bago pa niya ako mahawakan ay sumigaw na ako na sasali ako sa laro nang marinig kong naghahanap muli sila ng bagong miyembro.  Hindi na ako napigilan ni Levi nang lumusong na ako sa pool.
    "Are you sure of this, Rae? Marunong ka?" Bungad na tanong sa 'kin ni Maxim.
    Tumango-tango lang ako sa kaniya. Pasimple kong tiningnan si Levi na masama ang tingin sa 'kin kaya inirapan ko siya.  Pinaliwanag nila ang mechanics sa 'kin. Ang way ng pagda-dunk is like jumping on the water ngunit kailangan mong mai-shoot ang bola.  Magsisimula na sana kami nang may sumigaw pang isa.
    "Sasali ako!" Hoseah shouted at us.
    Napatingin sa kaniya ang lahat.
    "Are you sure? 'Di ba ay hindi ka maruno—"
    "I'm sure Jaxon. Masyado na kasing pasikat ang babaeng 'to," aniya saka lumingon sa direksyon ni Levi na naka-poker face lang.
    Tumayo pa ito na parang may inaabangan.  Bumulong sa 'kin ang isa kong ka-group saka mabilis na lumapit sa 'kin si Jaxon kaya napangiti ako.
    "Buti na lang, kagrupo mo 'ko," tatawa-tawa niyang sinabi sa 'kin saka pinasan na ako sa likuran niya.
    "Galingan mo, a," he also added and I just nodded to him.
    "Game! Let's start!" Sigaw ng isang lalaki.
    Kalaban ko si Hoseah. Siya rin ang mag s shoot ng bola para sa grupo niya. Napansin ko rin na marami nang nanonood sa 'min at tanging pangalan lang ni Hoseah ang naririnig kong sinisigaw.  I gasped and I was about to throw the ball pero naagaw ito ni Hoseah saka mabilis na pinasa sa lalaking nasa gilid niya.  Akala ko ay hindi siya marunong, ngunit malapit nang matapos ang laro ay lamang sila ng tatlong puntos sa amin. Samantalang ako ay dalawa pa lang ang nai-score.
    Habang inaagaw muli ni Hoseah ang bola ay naagaw ito ni Jaxon at mabilis na pinasa sa 'kin. Sakto dahil malapit kami sa ring! Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatingin kay Levi at sa oras. 10 seconds na lang ay matatapos na ang laro kaya mabilis akong nag dunk sa ring.  Pagkatapos ay ramdam ko ang pagbagsak ko sa ilalim ng tubig at nang makaahon ako ay dinig ko ang sigawan ng lahat sa pangalan ko.
    Natapos ang laro kaya umahon na ako habang si Hoseah ay nag walk out lang dahil sa sobrang inis sa 'kin. Si Jaxon ay panay pa rin ang buntot sa 'kin kaya hinampas ko na siya sa braso.
    "Ang galing ko 'no!" Pang-aasar ko sa kaniya.
    Humalakhak lang siya at sinabayan na ako sa paglalakad.
    "Do you have time tomorrow? Let's lunch together again?"
    Nagulat ako sa tanong niya kaya tiningnan ko siya.
    "H-ha? Uhm, sige, okay lang," nag-aalangan kong sagot sa kaniya.
    Nakita ko ang paglawak ng ngiti niya.
    "Naku! Kailangan ko na palang umuwi—"
    "Uuwi ka na agad? Hatid na kita," he uttered at pumunta pa sa harapan ko.
    "Huwag na, Jax. May kasabay naman ako," I told him.
    "Sige, hatid ko na kayo," he insisted again kaya napangiwi ako.
    Sasagot pa sana ako nang bigla na lang may nagpadausdos ng kamay niya sa baywang ko at marahang inilapit ako sa kaniya. Ramdam na ramdam ko iyon dahil wala naman akong ibang suot kung 'di ang two-piece lang na ito.
    "I told you to back off, Jax. Mahirap ba iyon?" Malamig ngunit mariin niyang tanong sa pinsan niya.
    Nakita ko ang pag ngisi ni Jaxon sa kaniya at umiling.
    "As if she's your girlfriend. Stop being rude, Lev. Nag-o-offer lang ako na ihatid siya," Jaxon said to him while smirking.
    Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makaramdam ako ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.  Levi cursed. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko kaya napangiwi ako.
    "E, ayaw nga niya. Ano bang gusto mo?" Levi said to him.
    Naging alerto ako nang tumaas na ang boses nito.
    "Stop it you two. My god!" I said to them at iniwanan na sila roon.
    Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay habang dinig ko ang pagtawag sa 'kin ni Levi. Hindi ko na iyon pinansin at tuloy-tuloy na tumungo sa taas para maligo at magbihis na. Nakasunod pa rin siya sa 'kin kaya minura ko na siya.
    "Magbibihis ako!" I yelled at him.
    "Then get dress, Lumiere! Why do you have to do that? Pinsan ko iyon!" He immediately said to me sa tono ng makikipag-away kaya hinarap ko na siya.
    Kinalabog pa niya ang pinto ng guest room kaya lalo akong nainis.
    "Anong problema mo? Wala kaming ginagawa! Huwag ka ngang umakto na parang boyfriend kita! Engaged ka pa nga, e!" Hiyaw ko sa kaniya at tiningna siya nang masama.
    Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit at inis sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa niya kay Jaxon o dahil sa inaakto niya ngayon. Hindi ko siya maintindihan. He was always giving me a hint when we're together pero kapag wala siya sa tabi ko ay nasa ibang babae siya. As if he's telling me na kaya lang niya ako nilalapitan dahil pakiramdam niya ay mag responsibilidad siya sa 'kin dahil sa nangyari sa 'min. Wala! Kung ganoon lang ang tingin niya, huwag na lang!
    I heaved a sigh. Napapitlag ako nang mabilis siyang lumapit sa 'kin at ginagap ang mukha ko. Naiinis na hinawi ko ang kamay niya saka lumayo sa kaniya. Hindi ko alam kung sakit ba iyong nakita ko sa mga mata niya nang lumayo ako o ano.
    "I told you to trust me this time. Stop resisting, please," mariin ngunit marahan niyang sinabi sa 'kin.
    My tears start streaming down my face when I suddenly remember what happened that day when he left me. Na halos mamatay ako pero hindi niya iyon nakita dahil bigla na lang niya akong kinalimutan nang makita niya si Hoseah. I feel the sudden heat coming up to my whole body while still staring at him. Mariin akong nagmura na hindi ko naman dapat ginagawa. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko nang maaalala kung paano niya ako binalewala noon at ngayon ay ganito ang inaakto niya.
    "Y-you don't know what I went through when you left me in the middle of that fucking ocean habang umuulan nang malakas! Tapos bigla ka na lang magpapakita sa 'kin at aakto na parang gustong-gusto mo 'ko?!"
    "Because that is the truth! Gusto kita!" He shouted back at me kaya tinutok kong muli ang tingin ko sa kaniya.
    "You left me! I was drowning that time but you didn't even look back at me! Muntik na akong mamatay, Levi! I was screaming for help pero wala ka na! Na parang nakapili ka na at hinayaan mo na lamang akong nalulunod doon, kaya sabihin mo sa 'kin kung paano ako maniniwala sa 'yo?!"I screamed.
    Nakita ko ang gulat sa mga mata niyia. Terror overtook his face na halos hindi niya mahanap ang tamang salitang ibabato niya sa 'kin.
    I gasped while I was trying to calm down. Ramdam ko ang pagsakit ng dibdib ko at para bang may kung anong nakabara sa lalamunan ko dahil ang sakit-sakit no'n. Mariin kong pinalis ang mga luha ko at nagmura nang paulit-ulit habang hinahanap ang mga gamit ko.
    "F-fuck! Alam kong umaakto ka lang ng ganiyan dahil may nangyari na sa 'tin at iniisip mong responsibilidad mo na ako, so please, stop it. I don't fucking need you," I almost whispered to him at padarag na kinuha ang mga gamit ko.
    I was about to walk through the bathroom when he immediately grabbed my wrist and pulled me inside of his arms. Ramdam ko ang balat niya sa katawan ko dahil wala naman siyang pang-itaas na damit at ako ay naka-swimsuit pa rin. Para akong napapaso sa paraan ng paghawak niya sa 'kin at bawat pagdampi ng kamay niya sa baywang at likod ko.
    "I-I'm sorry. I didn't know! I'mso sorry..." he whispered to me before he pulled me away.
    Hinnarap niya ako sa kaniya at marahang pinalis ang mga luha ko sa pisngi at mga mata ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit at galit kaya naman lalo akong naiyak. Hindi ko na alam kung ano pang paniniwalaan ko.
    "I-I'm so confuse, Levi."
    "I know. I know and I'm so sorry about that. When I left at Tierra Fima, hinanap kita. I didn't left with Hoseah. Nauna akong bumalik dito sa Manila dahil sa emergency pero pagkatapos no'n ay hinanap kita. Bumalik ako sa isla pero wala ka na, so I went back to the city to search for you because I wanted to tell you how I feel," marahan niyang paliwanag sa 'kin habang hawak pa rin ang mga kamay ko.
    "It's a sudden feelings I know, but I'm dead serious, Lumiere. Gusto kong ituloy kung ano man 'yong hindi natin natapos kanina," he added.
    I raised a brow on him in disbelief. "W-what?"
    Alam ko ang tinutukoy niya at iyon ang nangyari kanina sa sala nila, kaya hinampas ko agad siya sa dibdib. Humalakhak lang ang lintik na si Levi at inilapit na naman ako sa katawan niya.
    "I'm just kidding. Gusto kita, Lumiere, so please, stop resisting," marahan pa rin niyang sinabi sa 'kin at hinalikan ang mga mata ko.
   Sasagot pa sana ako nang bigla na lang may kumalabog ng pinto kaya mabilis akong humiwalay sa kaniya, ngunit hindi pa rin niya ako pinapakawalan kaya tiningnan ko na siya.
    "May tao," I uttered but he keeps on looking at me.
    Ang weird talaga ng lalaking 'to.
    "Say it to me, first," nakangisi niyang sinabi sa 'kin habang hawak pa rin ako.
    Nagpapanic na ako dahil sa patuloy na pagkalabog ng pinto, ngunit ang isang 'to ay parang walang pakialam! Ano bang sinasabi niya.
    "H-ha? May tao, Levi!" Hindi ko na napigilang hiyaw sa kaniya.
    Nakita ko ang lalong pagkunot ng noo niya habang nag-iigting ang panga niya dahil sa panggigigil.
    "Just say it, Lumiere, come on!"
    "Fine! Okay! Buksan mo na ang pinto!" Naiinis na sagot ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako saka tumungo na sa pintuan at padarag na binuksan 'yon.
    "What the fuck do you want?" Sigaw niya sa tono na inis na inis.
    Narinig ko pa ang sunod-sunod na mura niya. Nanatili lang akong nakatingin kay Jaxon na tumutok ang tingin sa 'kin. Nakita ko pa ang paniningkit ng mga mata niya sa 'kin bago bumaling ng tingin sa pinsan niya.
    "Nasa baba si Mari, hinahanap ka." Dinig kong seryosong sinabi sa kaniya ni Jaxon at muling tumigin sa 'kin.
    Levi look back at me. His expression went blank. Ang huling nakita ko lang ay ang kakaibang kaba sa mga mata niya.
    Who's Mari?

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now