Kabanata 5

882 13 1
                                    

Kabanata 5
Farmer

In my stories I've written so far, the character I portrayed for my main leads who has a wealthy life is just rich. Hindi marunong gumawa ng gawaing bahay at takot marumihan. I've never seen anyone before who has a wealthy life na kayang lumusong sa putikan para lang mag-araro dahil sa gusto niya lang.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya habang hinuhubad niya ang damit niya. Naiwan lamang sa katawan niya ang maong niyang pantalon at maging ang sapatos niya ay kasama niyang inalis. Tumambad sa 'kin ang malaki niyang katawan. I can say that he has a big body built dahil hindi rin basta-basta ang tangkad nito na sa tingin ko ay nasa 6ft. Kapag natatapat ako sa kanya ay nagmumukha akong pandak kahit pa maraming nagsasabing matangkad ako.

I bit my lower lip when I saw how he moves with that body. Ang bato-bato niyang dibdib at ang abs na iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Mataas na rin ang sikat  ng araw dahil kitang-kita ko ang silaw sa katawan niya nang magsimula siyang pawisan. Parang gusto ko pa siya lapitan para lang hawakan iyon dahil pakiramdam ko ay hindi iyon totoo. Grabe lang.

"Enjoying the view?"

Napamulagat ako nang bigla siyang magsalita. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at nagkunwaring walang alam sa sinasabi niya.

"H-ha? Anong sinasabi mo?" Nahihiya kong tanong sa kaniya.

"Can you hold this for a while?" Tanong niya sa 'kin sa nang-aasar na tono kaya binalik ko ang tingin sa kanya.

Inaabot niya sa 'kin ang damit at salamin niya. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko iyon pero sa huli ay kinuha ko na dahil wala rin namang papatungan. Purong lupa at putik kasi ang naroon.

"Thank you. Do you want to try this?" Tanong niyang muli sa 'kin nang tumango lang ako.

Agad akong umiling dahil sa sinabi niya. Gusto ko. Kaya lang ay wala na akong damit dahil hindi naman ako nagdala. Nang matapos kasi ang dinner namin kagabi ay hindi na ako hinayaan ng mga magulang niya na bumalik sa hotel dahil gabi na at malayo pa ang byahe. Ang suot kong damit ngayon ay ang kay Maxim na napilitan pa yatang pahiramin ako dahil sa nangyaring sagutan sa kanila ng lalaking ito.

"Hindi na. Wala naman kasi akong dalang damit," saad ko sa kaniya nang nanghihinayang.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaayos ang gagawin niya at nasa harapan na niya ang isang kalabaw. Sa nakikita ko ay  madalas na niya itong ginagawa dahil parang kabisadong-kabisado na niya ang lahat.

"Do you want to wear my clothes? I can also give it to you if you want. Remembrance para pagbalik mo ng Manila, maalala mo pa rin ako," nang-aasar niyang sinabi sa 'kin kaya napairap ako.

Ramdam ko ang pag-init ng buong  mukha ko dahil sa sinabi niya. Tinagilid pa nito ang ulo niya para lang makita ako saka tiningnan ako nang malalim mula ulo hanggang paa kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang.

"Parang mas gusto kong makitang suot mo ang damit ko kaysa sa damit mo ngayon," he said to me in his baritone voice and he chuckled.

Halos batuhin ko siya ng hawak ko dahil sa sinabi niya. Kung hindi lang dumating iyong matandang lalaki na tinawag niyang Tatay Henry sa kubo noon ay iniwan ko na siya roon dahil sa mga biro niyang  nakakaloko.

"Ayos na ba 'yan, hijo? Hindi mo na kailangan ng tulong?" Tanong nito sa kanya bago ako binalingan ng tingin.

"Ikaw pala 'yan, hija. Mabuti ay narito ka nang sa gano'n ay may kasama ang batang 'yan. Hindi niya kasi ako hinahayaang samahan siya rito dahil masyadong mainit. Aatakihin ako," tumatawa nitong sinabi sa 'kin kaya napangiti lamang ako at pinagmasdan siya.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now