Kabanata 32

527 10 0
                                    

Kabanata 32

Fiery

Bumaling muli ako ng tingin sa mga kasama ko na tuwang-tuwa pagkarating naming ng Tierra Fima. Hinanap ng mga mata ko si Levi at natagpuan ko siya sa entrance ng buong farm na may kausap na babae. Sinubukan ko pang sipatin kung sino iyon ngunit hindi ko talaga maaninag dahil may malaki itong summer hat na suot.

"Rae! Sobrang ganda pala talaga rito. Hindi kasi namin nalibot ang buong lugar nang pumunta tayo rito noon," Rafa stated to me as she approaches me.

Nawala ang atensyon ko kay Levi at sa babaeng kausap niya sa halip ay nilibot ko na lang ng tingin ang buong farm. Summer din noong huli kaming pumunta rito ngunit hindi kagaya noon na mahangin at malamig. Ngayon kasi ay halos humapdi na ang balat ko dahil sa sinag ng araw.

"Mas maganda sa loob ng farm. Nasaan si Yerim?" tanong ko sa kaniya at sabay pa namin itong hinanap ng tingin.

Nang hindi naming siya makita ay nagpaalam na si Rafa na hahanapin daw niya ito kaya nagpaiwan na ako. Ang iba ay tuluyan nang pumasok sa loob ng farm at ang iba naman ay nagpaiwan sa private island na kasapi nito.

Naunang dumating dito ang mga artists at iba pang staff dahil kagabi pa sila bumyahe. Kami at ang department nila Miss Rochelle ay sumunod na lamang kinabukasan dahil masyadong hassle kapag gabi kami bumyahe. Isa pa, I needed to talk to Asteria before we left early in the morning. Buti ay masyado itong naging abala sa pakikipaglaro kay Eizickiel kaya hindi humabol.

I looked at Levi again and he is still talking to that woman kaya nilapitan ko na ang mga ito. I immediately held Levi's hand nang makalapit ako sa kaniya dahilan para mabilis na bumaling ito sa'kin.

Nang makita ko kung sino ang kausap niya ay nangunot ang noo ko nang makilala ko ito. Bakit siya nandito? Nagpapasalamat nga ako dahil wala si Mari dito ngayon tapos siya naman ang pumalit. Bwisit talaga ang mga bakulaw na 'to.

"Rae, nice to see you again," she greeted me. I saw how she looks at me from head to toe kaya napataas ang kilay ko.

"I was just talking to her about the farm. Kanila ang kabilang ibayo ng isla na ito," dinig kong paliwanag sa'kin ni Levi kaya napatango na lang ako at muling tumingin kay Hoseah.

"Why are you explaining to her?" takang tanong nito at bumaba pa ang tingin sa kamay kong hinawakan ni Levi nang mahigpit.

Bago pa makasagot si Levi ay inunahan ko na ito. Itinaas ko ang kanang kamay ko na may singsing ko at ngumisi sa kaniya.

"We're engaged. Hindi ka ba napadalhan ng invitation?" biro ko rito.

Her eyes widened kaya halos bumunghalit ako ng tawa. Kitang-kita ko ang pagtanggal ng summer hat niya na iyon at bumaling ng tingin kay Levi.

"Is it true?" she asked which made me glared at her even more.

"I just confirmed it to you. Bakit? Umaasa ka pa rin ba hanggang ngayon?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya kaya bumaling muli siya sa'kin.

Dinig ko ang halakhak ni Levi sa gilid ko kaya lalo akong napangisi. I don't know what I was thinking. Masarap lang asarin ang babaeng ito dahil mukhang may balak pa rin siya kay Levi. Akala ko ba ay hindi na ito babalik sa Pilipinas matapos ma-bankrupt ang kompanya nila sa Singapore. Bakit narito na naman siya?

"Well, you're not even married yet. Maybe I still have a chance. What do you think?" she confidently said to me kaya natawa ako.

Bago pa kami magkapikunan ay bumitaw na ako sa hawak ni Levi at hindi pa rin inaalis ang tingin ko kay Hoseah.

"I told you, Hoseah, agawin mo kung maaagaw mo. Dare?" pagbabanta ko sa kaniya.

Bago pa siya makasagot ay tinapik ko na ang balikat niya. "I'm just kidding. I'm not going to share anything or anyone to you so stop chasing," simple kong sinabi sa kaniya at tinalikuran na siya.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now