Kabanata 42

374 11 0
                                    

Kabanata 42

Jealous

"It is called Postoperative delirium. This is a temporary condition that causes the patient to be confused, disoriented, unaware of their surroundings, and have problems with memory and paying attention after surgery. This condition is common so you don't have to worry about. It usually disappears after about a week," the doctor explained to them clearly.

Nakatayo lamang ako sa gilid ng kwarto habang nakikinig sa paliwanag ng doktor tungkol sa nangyayari kay Tito Saldy ngayon. I was more focus on him because he has been staring at me before. He doesn't seem to blink at all. Nang lumipat ako ng pwesto ay sinundan na naman ako ng tingin nito kaya nagtaka na ako. Bakit niya ako sinusundan ng tingin?

"Thank you, Dr. Perez. You're a great help to us," Levi spoke which made me look at him.

Nakita ko ang pagtango nito sa doktor habang hawak niya sa balikat ang mommy niya. Napataas ang kilay ko nang makita ko ang paghawak niya sa baywang ni Mari na nasa gilid niya. Nang sandaling bumaling na siya sa dad niya ay sinadya kong hulihin ang mga mata niya para malaman niyang nakita ko ang ginawa niya. He was caught off guard by my stare and immediately walked away from that Mari.

"Dad, how are you feeling?" I heard Tita Criselda asked her husband.

Napaangat ang labi ko dahil roon. The way she calls her husband is making me think that they have a healthy relationship and happy marriage. Tita Criselda has such a big heart. Nanatili ang tingin ko sa kanilang mag-asawa habang nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang paninitig sa'kin ni Levi.

"Why am I here? Where's my wife? I need to see my wife, where is she?" Tito Saldy asked series of questions even though his wife was already in front of him.

Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko nang makita ko ang pagpalis ng mga luha niya sa pisngi niya.

"W-who's your wife?" Nanginginig na tanong niya sa kaniyang asawa.

Lahat kami ay tahimik. Tanging ang tunog lang ng machine na naroon ang naririnig sa buong kwarto, ngunit ang sa kaso ko ay maging ang pagkalabog ng puso ko ay dinig na dinig ko na.

Lumikot ang mga mata ni Tito Saldy na parang may hinahanap. Nang dumako ang tingin niya sa'kin ay bigla na lamang umaliwalas ang ngiti nito.

"Where's your mom? Wala pa ba siya? Anong oras siya darating, anak?" He asked me.

Everyone was so dumbfounded by what he said. Kahit ako ay hindi agad nakagalaw dahil roon. Ni hindi ko alam kung anong isasagot sa mga tanong niya kaya hinanap ng mga mata ko si Levi. Nang makita ko siya ay palapit na ito sa'kin at agad na hinawakan ang kamay ko nang mahigpit.

"I... I don't know what to say. Should I tell him?" I whispered to him. "I'm so sorry..." I also added.

Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin ito sa'kin at malungkot na ngumiti.

"I'm here. I'm sorry. You're trembling, Lumiere," he gently uttered to me.

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya at pinakiramdaman ang sarili at tama nga siya, nanginginig ako dahil sa sobrang kaba at kahihiyan. Hindi ko alam kung ano nang itsura ko ngayon lalo na nang tawagin na naman niya ako bilang anak niya.

"Where's your mom Amalia, anak? Bakit wala pa siya rito?" Tanong niyang muli sa baritono niyang boses.

I bit my lower lip as I sorted in my mind the correct answer to his question. Why does he call me his daughter? Iniisip ba nito na anak niya ako at si mama ang asawa niya ngayon?

"P-parating na po siya... dad," I almost whispered to myself trying to maintain my whole voice.

Nakita ko ang pagtitig ni Tita Criselda sa asawa niya nang ngumiti ito nang malapad at tumango-tango pa.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now