Kabanata 29

486 12 0
                                    

Kabanata 29

Fam

I remember many times how I wanted a complete family. Ayos lang kung hindi ganoon kalaki ang bahay, basta masaya at kumpletong pamilya. Sino bang may ayaw ng ganoon? Everybody wants that but not until my father passed away when I was still in high school. Nabangga siya ng isang kotse at hanggang ngayon, ni hindi naming nalaman kung sino ang nakabangga sa kaniya. It was hit and run and I'm one of the witness how he fought back just to survive. He wanted to survive. Gusto pa niyang mabuhay pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng taong bumangga sa kaniya.

Kung hindi lang sana siya nawala, buo pa sana kami hanggang ngayon. Makikilala pa sana ni Ria ang lolo't lola niya. Now, the only thing I have is insecurities na hindi ko alam kung paano ko aalisin sa sistema ko.

"Can I visit you two? Dadalhin ko kayo sa bahay," Levi gently said to me while we were having our lunch together with the whole team of the movie adaptation.

Tiningnan ko lang siya at inilingan. "We're not okay if that's what you wanted to know," kaswal na sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pag kain ko.

As much as I wanted a complete family, my pride won't let me do that lalo na nang biglang dumating si Mari na may dalang mga pagkain. Tumingin sa kaniya ang lahat hanggang sa makalapit siya kay Levi na nasa tabi ko. She suddenly kissed him on his cheek and simply looks at me.

"Rae! Ikaw pala 'yan," she even greeted me.

I smiled at her fakely at hindi ko na napigilan ang pag-irap ko.

"What are you doing here?" Dinig ko pang tanong sa kaniya ni Levi kaya nanatiling bukas ang tainga ko.

"I just want to visit you and your team. May problema ba?" Mari answered kaya lalo akong napairap.

Hindi ko na hinayaan ang sarili kong pakinggan pa ang pag-uusap nila at bumaling na lamang ako sa katabi kong si Yerim.

"Sasama ka na sa Tierra Fima? Bukas na ang alis," sambit nito sa'kin na agad kong inilingan.

"Hindi talaga ako puwede, Ye. Alam mo naman ang sitwasyon ko," tamad na sinabi ko sa kaniya.

Bigla ko tuloy naalala ang anak ko na kung hindi pa nagsabi ng kung anu-ano si Levi sa kaniya ay hindi ito papayag na umalis siya kahapon. She even asks me to bring her to her dad bago ako umalis kanina. My god! Ako ang kasama niya nang matagal na panahon pero bakit mas gusto na niyang makita ito, e saglit pa lang naman silang nagkakasama.

"Yeah right, but why did you come here with Levi? Okay na kayo?" dinig ko pang tanong nito kaya halos mabulunan ako sa kinakain ko.

"Mahabang kuwento," tipid na sinabi ko sa kaniya.

"Mukhang gusto ko 'yang kuwento na 'yan," makahulugan nitong sambit sa'kin at may sinisenyas na kung ano sa gilid ko.

Nang tingnan ko kung ano ang tinutukoy niya ay napailing na lamang ako nang makita ko si Jaxon na palapit sa'kin. Nakita ko rin ang paglingon sa kaniya ni Levi at ang pagkunot ng noo nito.

"Can I join with you?" tanong nito sa'kin nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin.

Bago pa ako makasagot ay bigla na lang umalis si Yerim sa tabi ko at bumaling kay Jaxon.

"Dito ka na, Jax. Doon na lang ako sa kabila," she uttered without looking at me. Nakita ko pa ang pagngisi niya kaya napakagat na ako sa ibabang labi ko.

I saw how Levi focused his gaze on me. Nang bumaling naman ako sa kabilang gilid ko ay nakita ko ang titig din sa'kin ni Jaxon.

"Parang mas bagay kang leading lady, Rae. Ganda mo diyan," Miss Rochelle suddenly uttered na narinig ng lahat.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now