Kabanata 64

380 10 0
                                    

Kabanata 64

Truth

Buong araw kong pinagmamasdan sina Levi at Asteria na naglalaro. Panay ang tingin sa akin ni Ria, nagbabaka-sakaling sumali ako sa kanilang dalawa pero hindi ko ginawa.

Nang gumabi na ay pareho na silang pagod. Humikab si Levi ngunit sinisikap na makipaglaro pa rin kay Ria. Maya-maya pa ay ang huli na ang humihikab at ngumiwi na.

"Mommy!" sigaw niya sabay pagod na lumapit sa'kin.

Alas otso pa lang ng gabi. Madalas ay masigla pa siya ng mga ganitong oras. Iba yata ang araw na ito. Ang mga nakaraang araw na hindi namin siya natutukan pareho ay tila nabawi iyon ngayon.

"Are you sleepy?" I asked her.

Hindi na ito sumagot. Niyakap lang niya ako. Hinilig niya ang kaniyang baba sa aking balikat kaya napangiti ako. Nakatingin lang si Levi sa aming dalawa. Tumayo lang ito nang makita niyang tutungo na ako sa kuwarto ng anak niya.

Binuksan ko ang pintuan. Ang lamp lamang ang may ilaw at hinayaan ko na itong ganoon. Nilapag ko si Ria sa kama nito. Natawa pa ako nang makita kong nakapikit na ito.

"I will sleep here tonight," malamig niyang sambit sa akin.

Umupo siya sa paanan ng kama. Ria's bed is enough for two pero kung magsisiksikan kami rito ay ayos lang naman.

"Of course," bulong ko.

Hindi na ulit siya umimik. Tumayo ako para tuluyan na siyang makalapit sa anak namin. Hinaplos niya ang pisngi ni Ria at ang buhok nito.

Siguro ay may galit o tampo pa rin ito sa akin dahil hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari sa akin. Hindi pa namin ito napag-uusapan nang maayos dahil iniiwasan ko pa rin. Nitong mga nakaraang araw way wala akong lakas makipagtalo sa kahit na kanino—makipagtalo, dahil alam kong doon patungo ang magiging usapan namin tungkol roon.

"Can I sleep here, too?" I asked him.

Nilingon ako ni Levi. His expression's still guarded. Hindi ko alam kung ano talagang tunay niyang iniisip tungkol sa akin at sa nangyari.

Nag-iwas ako ng tingin. I don't want to think about that for the mean time. If he hates me so much because of what happened, I will understand him.

"Are you sure?" tanong niya.

"Y-yes, I missed sleeping here..." I answered him.

"Sleep beside her," utos niya.

Hindi ako umimik at umikot na sa kama para pumunta sa kabilang side ni Ria. Humiga si Levi roon. Nakatitig lamang ito kay Ria na malalim na ang tulog ngayon dahil siguro sa pagod.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now