Kabanata 23

487 8 0
                                    

Kabanata 23

Run

"Do you have work today, mommy?" she asked me while we were having breakfast one morning.

Jaxon is still sleeping on the couch at the living room kaya nauna na kaming kumain. Siguro napagod ang isang 'yon sa paglipat ng mga gamit niya sa unit sa kabila. Napailing na lang ako nang maalala ko na naman ang ginawa niya.

"I'm off today, baby. Why?" marahan kong tanong sa kaniya at tiningnan niya na abala sa pag kain.

Napangiti ako nang makita kong tumutok sa'kin ang mga mata niyang 'yon. Her blue eyes can make me feel calm and alive. Hindi nakakasawang tingnan.

"Tito Jaxon promised me to bring me to the mall today. Can you come with us?" she innocently said to me which made me look at the living room where Jaxon is.

"When did he say that?" I asked her saka bumaling ng tingin sa kaniya.

Binitiwan niya ang tinidor na hawak niya saka ngumiti nang malapad sa'kin. Ayoko mang aminin pero wala talaga siyang nakuha sa'kin pagdating sa physical appearance. Lahat ay kaniya. Her blue half-moon-shaped eyes, articulate and full of emotion. Sharp nose, and heart-shaped lips. Mahahaba rin ang pilik-mata nito at itim na itim ang kilay. Somehow, her resemblance to her father is making me nervous. Hinding-hindi ko ito maitatanggi sa kaniya dahil kamukhang-kamukha niya ito.

"Please, don't say no, mommy, and come with us," my daughter added at kinuha pa nito ang kamay ko saka hinalik-halikan.

"Pumayag ka na, mommy," I heard Jaxon said kaya mabilis akong lumingon sa kaniya.

Pupungas-pungas pa ito habang palapit sa'min. Sandaling ngumiti lang ito saka dumiretso sa sink para maghilamos at mag toothbrush, bago tuluyang nilapitan ang anak ko at hinalikan ito sa ulo.

"Lorraine wants to spend more time with you dahil palagi ka na lang gabi umuwi. Pagbigyan mo na 'yong bata," he stated to me at umupo sa tabi ng anak ko.

Ikinalong pa niya ito sa kaniya at nagsimulang kumuha ng pagkain. Nanatili lang ang tingin ko sa kanilang dalawa na parang mas close pa kaysa sa'kin.

Sa halip na sagutin ko si Jaxon ay tiningnan ko lang ang anak ko na uminom na ng tubig, senyales na tapos na itong kumain.

"You can wash up na, anak. Susunod si mommy," I told her and lead her to her room.

Nang makabalik ako ay hinampas ko sa balikat si Jaxon dahil sa sinabi nito. Taka itong tumingin sa'kin habang ngumunguya pa.

"What?"

"Why did you say that to her? Alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba?" halos bulong ko sa kaniya dahil baka marinig ito ng anak ko.

Nagkibit-balikat lang ito at nagpatuloy sa pag kain.

"I'm with you, Rae. Stop being paranoid," he uttered then look at me again.

"I'm not, Jax. Nag-iingat lang ako. Ayokong magkita silang dalawa kaya hangga't maaari, ayoko siyang ilabas," sambit ko sa kaniya at hindi ko na naitago ang iritasyon sa boses ko.

He furrowed his forehead and move his chair towards me. Nang makalapit siya ay bahagya niyang ini-stretch ang kunot ng noo ko saka mataman akong tiningnan.

"That's why I'm here... to protect the both of you. Ayaw mo lang akong payagan, but that wouldn't be enough reason for me to stop, Rae," marahan nitong sambit sa'kin. His eyes are full of sincerity.

I immediately look away from him and shake my head with that idea if his. Mula noong huli kaming mag-usap ay hindi na siya pinayagan ni Jaxon na makalapit pa sa akin. That night wasn't the last time we talked about what happened five years ago. Bago ako umalis patungo sa New York ay ilang beses niya pa akong hinabol para kausapin, ngunit lagi akong itinatago ni Jaxon sa kaniya. Until one day, he stopped pursuing me all of a sudden. I don't know why. Nakarating lang sa'kin na malapit na silang magpakasal ni Marichu dahil may nangyari na raw sa mga ito. Mari's family is sacred kaya gano'n na lang siguro ang eagerness nila ipakasal ang dalawa.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now