Kabanata 16

625 9 0
                                    

Kabanata 16

Two-faced

I don't know the feeling of having a twin sister or brother. The one that looks exactly like you but has a different version. Marami na akong nabasa na may gano'ng kuwento. The common conflict is being compared to each other all the time even in just simple things. Akala ko noon ay maliit lang na bagay iyon pero hindi pala. Na kahit ikaw pala mismo, maikukumpara mo yung sarili mo sa kaniya.

Levi left me in this parlor/boutique. Nagpaalam siya na mag-aayos na at babalikan na lamang ako. Kasabay niyang umalis ang Mari na iyon kaya kanina pa ako hindi mapakali.

"Relax ka lang, Ma'am Rae. Babalikan ka no'n dito," Anika told me while she was fixing my hair.

Tipid lang akong ngumiti sa kaniya at bumaling nang muli sa cellphone ko, waiting for his text.

"Akala ko namamalik-mata lang ako kanina, pero no'ng nakita ko ulit si Ma'am Mari, totoo ngang magkamukha kayo. Mas mabait ka nga lang tingnan kaysa sa kaniya," pagpapatuloy nito kaya nakinig na lamang ako sa kuwento niya.

Yeah, that's what I thought earlier when I saw her. I mean, I met her at Celine's party before but I didn't get to see her face clearly dahil lango na ako sa alak noon. Ang tanging naaalala ko lang nang gabing 'yon ay ang naging reaksyon ni Levi nang mabanggit ang pangalan niya. That's it.

"Ano ba siya ni Sir Levi mo?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya dahil pinapatay talaga ako ng kyuryusidad ko.

Hindi kasi maganda ang kutob ko sa babaeng 'yon. Anika paused for a second. I saw how she looks at me at my reflection on the mirror. Tila nag-iisip kung sasabihin ba ang nasa isip niya o huwag na lang.

"It's okay. I'm just curious," I told her as I saw hesitation in her eyes.

"Sorry, Ma'am. Secret lang kasi 'yon, e. Huwag niyo na lang pong sabihin na sinabi ko sa inyo," nag-aalangan niyang sinabi sa'kin kaya napatango na lamang ako at nakinig sa kuwento niya habang inaayusan niya ako.

Anika told me that Mari is Levi's step-sister. Noon—bago pa man makilala nito ang totoo nitong mga magulang. Levi was almost rejected as an Acuzar when the entire Acuzar clan found out that they had a relationship. Incest kung iisipin pero hindi naman sila totoong magkapatid. Nabawi lang niyang muli ang tiwala sa kaniya ng mga magulang niya nang pumayag siyang ma-engaged kay Hoseah. Levi's first love was Mari, Anika explained to me very well.

Bigla tuloy akong napaisip sa totoong dahilan niya kung bakit niya ako nilapitan at kinilala. Was it because I look like Mari? His first love and maybe, greatest love? The fuck.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now