Kabanata 59

324 9 0
                                    

Kabanata 59

Fear

I woke up in a quiet, cold, but scary place. When I examined the place where I was, I felt even more afraid for myself. It looked like a warehouse because there were lots of piles of drums and wood on the side. Nakaupo lamang ako sa isang lumang kama na gawa sa kawayan.

Sinubukan kong galawin ang mga kamay at paa ko ngunit hindi ko iyon magawa. Nang tingnan ko ito ay lalo akong nawalan ng pag-asa nang makita kong nakatali ang pareho kong mga kamay at paa. I couldn't even scream dahil may busal din ang bibig ko.

Nasaan ako?!

Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Tuluyan na akong napahagulhol nang rumehistro sa isipan ko ang huling taong kasama ko bago ako nawalan ng ulirat.

It was Noah! Siya nga kaya ang nagdala sa akin dito? Pero bakit ganito ang kalagayan ko?

"Uhmmp!" hiyaw ko ngunit walang lumalabas na tamang salita mula sa bibig ko.

Sari-sari na ang nararamdaman kong emosyon. Lalo pa nang wala man lang akong ibang marinig kung hindi ang impit na sigaw ko at ang nagagawa kong tunog sa kung nasaan ako ngayon dahil sa pagwawala ko.

"Uhmmp!"

"Stop resisting. No one can hear you in this place!"

Mabilis akong napalingon sa taong nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa'kin ang nakahubad na si Noah at tanging pants lamang ang suot. Matalim ngunit nakangisi itong nakatingin sa'kin.

What is happening? Bakit ganito ito ngayon?

As much as I wanted to ask him series of questions, hindi ko magawa dahil sa panyong nakalagay sa bibig ko. Gusto kong tanungin kung anong ibig sabihin nito? Kinidnap ba ako nito? Kung ganoon, nasaan kami?! Bakit niya ginagawa ito?

"Wondering why I'm doing this?" nakangisi pa rin niyang tanong sa'kin at tuluyan nang lumapit.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo siya sa harapan ko, sa paanan ko. Maya-maya pa, tuluyan na niyang tinanggal ang busal sa bibig ko kaya agad akong nakahinga nang maluwag.

"A-anong ginagawa mo? Bakit may ganito? Anong pinaplano mo?" nanginginig na tanong ko sa kaniya.

Sa ilang saglit ay nagpakawala ito ng nakakakilabot na halakhak kaya lalo akong natakot sa ikinikilos niya. Malayong-malayo ito sa Noah na ipinakilala niya sa'kin bilang siya. O talagang ito ang katauhan niya? Ito ba ang tinutukoy ni Levi kaya ayaw niya akong palapitin sa lalaking ito?

Dahil baliw ito?

"Tama nga ang lahat tungkol sa'yo, you are innocent enough to make yourself fool, Astraea. No wonder why Levi likes you so much. Pareho kayong tanga."

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now