Kabanata 11

706 16 0
                                    

Kabanata 11
Acuzar/s

We arrived at our destination just in time. Nang makababa ako mula sa kotse ni Jaxon ay siya ring pagbaba ni Levi mula sa kotse niya at tumingin sa 'kin nang masama. Kanina kasi ay pinilit kong kay Jaxon ako sumabay kahit na ilang beses niya akong sinabihan. Sumunod na bumaba si Hoseah at awtomatikong tumutok ang tingin nito sa 'kin kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

"This is a pool party, Rae. Do you have your swim wear?" Jaxon asked me which made me look at him immediately.

"Ha? Bakit? Akala ko ay party lang talaga?" Takang tanong ko sa kaniya at binaling ang tingin sa napakalaking bahay sa harapan namin.

Kumpara sa Casa de Acuzar ay mas maliit ito nang kaunti, ngunit nakakalula pa rin ito para sa aming mga mahihirap.
 
"You're too naive, darling." I heard someone whispered at me. Sunod na naramdaman ko ay ang hinga niya sa leeg ko kaya mabilis akong nabaling sa kaniya ng tingin.

Mabilis akong lumayo sa kaniya nang muntik nang magtama ang mga labi namin. Tumingin kaagad ako kay Jaxon na tumawa lang saka nilapitan si Hoseah.
 
"Stop calling me darling. Ayoko ng gulo," mariin na sinabi ko sa kaniya na halos ibulong ko na sa kaniya dahil baka marinig ako ng girlfriend niya.
 
He laughed. Ramdam ko ang paghaplos niya nang marahan sa mga kamay ko nang hulihin niya iyon saka seryosong tumingin sa 'kin.
 
"No one owns me anymore but you, Rae. Why don't you trust me this time, huh? Isa pa, huwag kang lapit nang lapit kay Jaxon kung ayaw mong magkasira kaming magpinsan," he said in his baritone voice.
 
He seemed serious but why do I get this feeling that this isn't right. Kung noon ay hinayaan kong gawin ang maling bagay na 'yon, ngayon ay may kontrol na ako sa kung anong tama. Pero bakit parang mas gusto ko pa rin ang mali?

"Are we clear?" He added which made me blink twice.
 
Bago pa ako makasagot ay nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong halikan sa labi ko. Matapos niyang gawin iyon tiningnan pa niya ako nang malagkit at kinagat ang ibabang labi niya habang ngumingisi.
 
Lumikot ang mga mata ko dahil sa ginagawa niyang pang-aakit sa 'kin. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa buong mukha ko kaya hindi ko na napigilang mapakagat sa ibabang labi ko dahil sa kahihiyan at kaba.

I heard a laugh again. "Damn, Rae. Why are you so innocent even in just simple things? Lalo kang gumaganda sa paningin ko," nang-aasar pang dagdag nito kaya lalo akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko.
 
Pasimple ko siyang sinipa na nagpahalakhak sa kaniya nang malakas kaya napatingin na sa amin ang dalawa. Iginiya na ako ni Levi patungo sa loob ng bahay habang nakahawak pa rin ito sa siko ko. May kung anu-ano pa itong binubulong sa hangin habang panay ang ngisi sa 'kin kaya nailing na lamang ako.
 
"So, you're the newest secretary. Is it still part of your job to flirt with your boss?" I heard Hoseah asked sarcastically kaya natigilan ako sa paglalakad.
 
Nakita ko rin ang paghinto ni Levi at Jaxon at bumaling ng tingin sa babae. Ngumisi ito sa 'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa habang naka-cross arm. Parang iniinsulto niya ako sa paraan ng pag tingin niya sa 'kin. But infairness to her, nagsusumigaw pa rin ang pagiging classy nito at sopistikadang babae kahit na gano'n ang asal niya.
 
"Stop, Hoseah. Astraea is not just my secretary," mariin na sinabi sa kaniya ni Levi.
 
Napatingin ako sa kaniya. Bakas na bakas sa mga mata at mukha nito ang iritasyon at galit habang nakatingin ito sa babae. As if he's disgusted or something. Na parang kung hindi lang dahil sa nangyayari ngayon ay hindi niya kayang tingnan ang babaeng ito. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa matapos niya akong iwan sa lugar na 'yon, ngunit sa nakikita ko ay hindi iyon nakatulong sa kanilang dalawa.
 
Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at umirap pa ito sa kawalan bago muling bumaling sa 'kin.
 
"What? Did I say something wrong? It's obvious. Napaka-oportunista," she uttered. Her expression hardened while still staring at me.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now