Kabanata 60

377 10 0
                                    

Kabanata 60

Almost

Handa na anong isuko ang lahat. Alam Niya na handa na akong sumuko nang mga oras na 'yon at hayaan si Noah sa ginagawa sa akin, ngunit nang biglang rumehistro sa utak ko ang mukha ng anak ko kay tila bigla akong natauhan.

Asteria's laugh keep on repeating inside my head which gave me strength.

Nang maramdaman kong malapit nang bumaba ang halik ni Noah sa dibdib ko ay buong lakas kong sinipa ang pribadong parte ng katawan niya dahilan para malayo siya sa'kin.

"P-putangina!" Impit na sigaw niya habang nakayuko.

Nang makita ko ang nagawa no'n sa kaniya ay mabilis akong tumayo mula sa kinaroroonan ko at patakbong lumabas sa lugar na iyon.

"Astraea!" Nakakakilabot na sigaw ni Noah kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko.

Tumambad sa'kin ang malawak na kamalig ng Tierra Fima. Alam ko ang lugar na ito! Malapit ito sa sapa kung saan ko siya nakita noon kaya alam ko ang daan pabalik. Hindi ako puwedeng magkamali.

Habol ko ang hininga ko habang ramdam na ramdam ko ang lamig sa katawan ko dahil sa punit kong damit. Walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang makaalis lamang sa lugar na iyon at makabalik sa town house. Ni hindi na pumasok sa isip ko ang hanapin pa si Levi dahil baka mahuli pa ako ni Noah.

Nang matanaw ko ang town house ay nakahinga ako nang maluwag. Saglit na lumingon pa ako sa likuran ko at nang makita kong hinahabol pa rin ako ni Noah ay mabilis na akong pumasok sa bahay.

Sumalubong sa'kin ang nakakabinging katahimikan. Diretso akong tumakbo patungo sa 2nd floor ng bahay kung nasaan ang kwarto namin at mabilis na ini-lock iyon. Nang sandaling makulong ako sa kwartong iyon ay tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil sa panghihina at tahimik na umiyak.

Pagapang akong tumungo sa banyo habang hawak ang bibig ko upang hindi kumawala ang malaks na hagulhol ko mula roon. Ramdam na ramdam ko kung paano unti-unting napupunit ang puso ko nang maalala ko ang ginawa sa'kin ni Noah. Halos pandirihan ko ang sarili ko kaya naman mabilis kong binuksan ang shower at hinayaang sumilong sa tubig na inilalabas no'n.

I cried so hard to the point that I couldn't breathe anymore. Sa sobrang sakit ng puso ko ay paulit-ulit na pinukpok ko iyon at tuluyan nang sumigaw.

I almost got raped by the one whom I trusted! No one saw what happened. That even a few times I cried out for help no one heard, no one can fucking hear me dahil noon pa man ay walang nakakakita ng paghihirap ko! Na kahit si Levi ay wala! Na kahit ilang beses kong sinigaw ang pangalan niya ay hindi siya dumating!

Noah's kisses and caresses on me earlier kept coming back and forth in my brain. I almost removed my skin just to say that it was no longer in my body especially his kiss on my lips. Ilang beses kong sinubukang saktan ang sarili ko, kalmutin ang buong katawan ko para lamang matanggal ang bakas niya sa akin, ngunit naroon pa rin iyon. Nararamdaman kong naroon pa rin iyon! Bakit nangyayari ito sa'kin?!

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon