Kabanata 47

380 10 0
                                    

Kabanata 47

Decision

Kinakalma ko ang sarili ko nang makarating ako sa condo. Tahimik na tinahak ko ang daan papasok ng building hanggang sa makapasok ako sa lift. Hindi ako nakaligtas sa mga tingin na ipinupukol sa akin ng lahat ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

Hindi ko alam kung anong susunod na hakbang pagkatapos ng ginawa ko. Mahal na mahal ko si Levi pero alam ko ring hinding-hindi ako matatanggap ng mom niya dahil labis akong kinakumuhian nito. I won't ask him to walkaway from his family. Alam ko ang pakiramdam ng pangungulila sa pamilya at ayaw kong maranasan niya iyon. Though I doubt he'd do it, too but there is a chance dahil ginawa na niya ito noon. Levi is an honorable man to his family. He loved them dearly. And that's probably one of the reasons why I adore him so much.

Mas posible at mas madali na para sa'kin ang umalis nang hindi niya nalalaman. Gaya noon. Madaling ipagkait sa'kin ang kasiyahan ko pero kapag sinabi niya sa'kin na hindi niya kami kayang mawala sa kaniya, iyon ang mahirap.

So all I'm hoping now is for him to give us up. For him to realize that I was just a trash or just after his money and nothing else. I hope he believes his mom that I am just after his wealth. Sana pala ay tinanggap ko ang perang inalok sa'kin ng dad niya. Fifty million is not that bad in exchange of my feelings but I can't sacrifice the completeness of my family.

Suminghap ako nang tuluyan na akong makapasok sa condo ko. Hinubad ko ang pumps ko at gumapang patungo sa kama. Damang-dama ko ang kalungkutan sa puso ko habang nakasubsob sa unan. Hindi ko na napigilang mapasigaw roon dahil sobrang sakit talaga ng puso ko. Pakiramdam ko ay pinagpira-piraso iyon.

I don't want to think of the future but it became clearer now. I will be in a far away place with my daughter when Levi decides yo marry someone else. I will be very broken but I will never be mad at him. I will be happy for him but I will choose not to know more about his life anymore. Kung magiging miserable man ako, I will try my best to find joy in other small things.

At sana mabilis ang paglimot. Kung hindi pala ito para sa akin, sana hindi ako pahirapan sa paglimot sa mga susunod na araw, buwan, at taon.

Ang katahimikan ng kwarto ko ay sapat upang marinig ko ang kahit maliliit lang na tunog galing sa kung saan. Ngunit nangibabaw ang mga mabibigat na yabag na nagmumula sa labas at maya-maya pa, dinig ko na ang pagkalabog ng pinto.

My breathing hitched at that. Sa gulat ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko. My heart is almost on my throat sa sobrang likot nito sa paghuhurumentado. Ramdam ko ang paglubog ng kama sa gilid ko kaya gumalaw ako. Tiningnan ko siya. His eyes bore into me and I saw both pain and sorrow in it.

"W-where is my daughter?" I asked awkwardly.

Kinakalma ko ang sarili ko dahil nararamdaman kong kalmado naman siya. Hindi namin kailangang mag away dahil tapos na. Wala na akong lakas pa.

"She's with my cousin Acel."

Napatingin ako sa kabuuan niya. Nakita ko ang pag-angat ng kamay niya senyales na hahawakan niya ako kaya mabilis akong napaatras. Sumulyap ako sa mukha niya at nakitaan ko ito ng galit at pagsusumamo sa mga mata niya. It was like he knew what I was doing and he was pissed about it and he can also beg just for me to stop doing it. Tumikhim ako at inayos ang sarili.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now