Kabanata 3

1K 21 1
                                    

Kabanata 3
Lost

The other day was so hard to analyze. The fact that I woke up at someone's bed at iba ang damit ko ay hindi na normal. I couldn't even remember anything. Ang huling naaalala ko lang ay ang pagbangga ko sa dibdib ng lalaking iyon at pagkatapos ay wala na. Ilang beses kong pinilit ang sarili kong alalahanin lahat ng nangyari nang gabing 'yon, ngunit hindi talaga mabuo sa isip ko. Everything was blurry. Kagaya ng kung gaano kalabo ang lalaking iyon dahil nagising ako sa kwarto niya nang wala siya. He didn't even show up kahit naghintay pa ako nang matagal. Lalo tuloy akong naghinala na baka may nangyari nong gabing 'yon lalo na't iba na ang suot kong damit. Kasabay ng pag-iisip ko ng mga nangyari ay ang pag-iisip ko rin kung paano ako makakabalik sa hotel gayong hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito.

My god, Rae! Sinong tanga ang sasama sa isang estranghero?

Mabuti na lamang at nang lumabas ako, I saw a woman standing beside the big painting near the door. Hindi pa iyon naisasabit sa kung saan man ito ilalagay. The painting was beautiful, iyon ang naaalala ko nong araw na iyon. Painting iyon ng isang babae. Hindi ko nga lang kilala kung sino.

After she said that she was waiting for me 'til I woke up ay mas lalong nahiya ako nang malaman kong kuya niya ang lalaking iyon. She even warned me about her brother na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit.

"You should be careful. Kuya isn't the type of a man you're willing to be with. Mukha ka pa namang mabait."

Iyon ang natatandaan kong sinabi nito bago ako tuluyang umalis sa bahay. Maybe because she thought I'm her brother's girlfriend or what. Maybe, a victim? Bakit? Ano bang klaseng tao ang kuya niya?

Why should I care? Ni hindi ko nga kilala ang lalaking iyon. Sa ilang beses ko siyang naka-engkwentro, hindi ko nalaman ang pangalan niya. All I know is his face.

"So, wala kang maalala hanggang ngayon? What if something happened that night? Ibig sabihin hindi mo maaalala 'yon?" Yerim histerically asked me while we were having our brunch inside the hotel's resto.

Tamad akong umiling at ipinagpatuloy ang pagkain. "Wala kahit isa."

"Oh my god! How did that happen? Are you that drunk para hindi ka makaalala kinabukasan?" Malakas pa rin ang boses nito kaya nahihiya na ako.

Marami nang tao nang mga oras na 'yon. Although, it's a private island, marami pa rin ang may business sa lugar na ito kaya sigurado akong mga professional na tao ang mga kasabay naming kumain kaya mas lalo akong nanliliit sa kahihiyan.

"I still can't believe you. Sino ba naman kasing matinong tao ang sasama sa stranger tapos lasing pa? Are you out of your mind?" Rafa said to me, malakas din ang boses nito kaya napapikit na ako.

"You should find that guy! Hindi puwedeng iiwan ka na lang niya basta sa ere. Paano pala kung may nangyari sa inyong dalawa?!" Yerim added kaya mabilis na ang naging lingon ko sa kanya.

"Will you two please low down your voice? Nakakahiya, hindi lang tayo ang tao rito," na s stress na sinabi ko sa kanila at simpleng pinasadahan ng tingin ang buong paligid.

Nang dumako ang tingin ko sa entrance ng resto ay bigla na lamang nanigas ang katawan ko when I saw his familiar face. Pamilyar na pamilyar na iyon sa 'kin.

Nagsimulang lumikot ang mga mata ko nang makita kong pumasok siya. Napatingin ako sa dalawa kong kasama na takang tinitingnan lamang ako.

"We should go. Hindi pa ba kayo tapos?" Naiirita kong tanong sa kanila.

"Hindi pa nga kami nagsisimula," pairap na sagot sa 'kin ni Yerim kaya lalo akong nainis.

"Then I'll go first."

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now