Kabanata 51

359 11 0
                                    

Kabanata 51

Insecurities

Levi didn't want me to talk about Mari and Hoseah. Kanina niya pa ako hindi pinapansin kaya mas lalong gusto ko siyang asarin. Hindi talaga matanggap ng isip ko na narito ako ngayon sa bahay kung saan dinala na rin niya ang dalawang babaeng 'yon.

"Levi," I called him.

Hindi pa rin ako pinansin.

"Kailan mo ako nagustuhan?" Tanong ko sa kaniya.

Saglit niya akong tiningnan at inirapan. Kanina niya pa sinabing maliligo siya ngunit heto siya't hindi pa rin nakakapagsimula dahil panay ang tanong ko sa kaniya ng kung anu-ano.

Natawa tuloy ako nang makita ko na naman ang iritable niyang ekspresyon. Tila asar na asar na ito ngunit wala lang siyang magawa.

"Levi," I called again.

Nanatili akong nakaupo sa kama at nakatingin sa kaniyang nakatalikod sa direksyon ko. May kung anong inaayos ito sa study table niya sa 'di kalayuan.

"I just want to know. Kailan mo ba ako nagustuhan? Mas gusto mo na ba ako ngayon kaysa kay Mari at Hoseah?"

Halos mapaatras ako nang bigla na lamang siyang humarap sa'kin. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagsungaw ng ngisi ko. Tumayo ako at akmang lalapitan na sana siya ngunit naunahan na niya ako. Malalaki ang hakbang niya patungo sa'kin kaya agad niya akong nahuli. Pinulupot niyang muli ang braso niya sa baywang ko. Napahawak ako sa braso niya.

"The only important thing here is you are so much better than them," he whispered.

Ngumuso ako at pilit na lumalayo sa kaniya ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin.

"Huwag mo nang sagutin ang tanong ko," nanghihina kong sambit sa kaniya habang binababa ang hawak ko sa braso niya.

Hindi ko na siya matingnan pero ramdam kong may nais pa siyang sabihin. Nagsisimula na akong mag-isip na siguro ay mali na inasar ko pa siya.

"Pero kung mas better ako sa kanila, bakit iniwan mo ako noon sa Tierra Fima para sumama kay Hoseah?" Pagpapatuloy ko.

He sighed heavily.

"At sigurado akong dinala mo na sila rito. Ni hindi pumasok sa isip ko na magiging isa ako sa mga babae mo."

"Damn, Lumiere. Don't tell me you wished to be them," iritado niyang sinabi sa akin.

Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Sumalubong sa'kin ang pinaghalong galit at pagsusumamo sa mga mata niya.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora