Kabanata 30

542 15 0
                                    

Kabanata 30

Meet

The last time I went to their mansion, halos malula ako sa sobrang laki no'n pati na sa mga mamahaling gamit nila sa loob. Their garden is just... wow! Hindi ko ito napagtuunan ng pansin noong una akong nakapunta rito. Kung malaki na para sa akin ang garden nila, may mas malaki pa rito at iyon ay ang loob ng mansion ng mga Acuzar kung nasaan kami ngayon ng anak ko.

"They'll be happy to see you, baby." Dinig kong sambit ni Levi sa anak ko na karga-karga niya habang nasa likuran lamang nila ako.

Seryoso siya nang sinabi niyang susunduin namin si Ria sa condo ko para dalhin sa mga magulang niya. Hindi na ako nakatanggi dahil sinabi na niya sa anak ko na walang pagdadalawang-isip na pumayag. I can't believe this!

Nang tuluyan na kaming makapasok ay may sumalubong sa'ming maids na agad na kinuha ang bag na dala ko na may mga lamang damit ni Ria. Ramdam ko ang patuloy na pagkalabog ng dibdib ko dahil hindi ko naman alam kung anong mangyayari ngayon. Paano kung narito rin si Jaxon?

"Are you okay? Relax, Astraea," Levi suddenly said to me.

Nang iangat ko ang tingin ko ay hinintay pala nila akong dalawa sa paglalakad. Sa sobrang kaba ko kasi ay halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko.

Bago pa ako makasagot ay mabilis niyang kinuha ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya para halikan. Nakita iyon ni Ria na malawak ang ngiti habang nakatingin sa aming dalawa.

"We're family now. You're safe," marahan niya pang dagdag kaya napangiti na lamang ako.

I simply nodded at him at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa living room ng mansion nila.

I don't think I can get along with his family. I mean, they are so rich! Malayong-malayo sa buhay na kinalakihan ko. Ganitong-ganito 'yong nababasa ko—mahirap si babae at sobrang yaman ni lalaki but unluckily, matapobre ang pamilya ng lalaki. Though, I have already met them and they look like good people pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.

"Rae?" I heard someone called me.

Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko si Maxim at Celine na pababa mula sa hagdan. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila nang makita nila ako at ang dalawang tao sa tabi ko.

"Oh my G! Astraea, is that really you?!" Celine screamed at patakbong lumapit patungo sa'min.

Before I could utter any word, sinugod na niya ako ng yakap habang si Maxim ay nanatili ang tingin sa amin. Nakita ko pa ang pagbaling ng tingin nito kay Levi at sa batang hawak niya.

"Kailan ka pa bumalik? I missed you so much! Akala namin ay hindi ka na namin makikita," she told me as she pushed me away from her.

"Last month lang, Celine," maikli kong sagot sa kaniya at bumaling kay Maxim.

"Still looking good, huh? Welcome back," she greeted me happily. "Mind telling us who is this beautiful kid?" She also added at tuluyan nang bumaling kay Ria.

Ibinaba ito ni Levi kaya humarap ito sa kaniya. Ria smiled widely.

"What's your name, baby?" Celine asked her.

"My name is Asteria Lorraine... Acuzar," she innocently answered.

Kita ko ang pagngisi ni Levi at ang pagkagulat ng dalawa bago tuluyang bumaling sa'kin. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ko ang reaksyon nila. Wala pa talaga silang alam.

"My god, Rae! Nanganak ka? Is this why you suddenly disappeared for five years?" Gulat na gulat na tanong sa'kin ni Celine.

"Obviously, may mas malaki pang kuwento, so let's hear it from Rae later. Let's go to the dining, naghihintay na silang lahat," Maxim uttered at mabilis na kinuha ang kamay ng anak ko at iginiya palayo sa amin.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now