Kabanata 36

427 8 0
                                    

Kabanata 36

Against

Levi's dad—Tito Saldy doesn't like me for his son. That's what I understand when I first heard that. Lito akong bumalik sa kwarto ni Ria nang mga oras na 'yon. Ilang beses akong tinanong ni Levi kung anong nangyari ngunit hindi ko na iyon sinabi sa kaniya. Hindi naman na dapat niyang malaman. Ayokong magkasira pa sila ulit.

"Kumusta si Ria? Magdodonate ako ng dugo para sa kaniya. AB negative ako, Rae," salubong sa'kin ni Yerim nang makarating sila sa ospital.

"Magpapa-test ako kung pareho kami ng tissue para makapag donate ako ng bone marrow. Hindi kasi kami pareho ng blood type. Pasensya ka na, Rae," sambit naman ni Rafa.

Tumango lang ako sa kanilang dalawa saka iginiya na sila papasok. Nasa taas pa ang kwarto ni Ria kaya kailangan pa namin mag elevator.

"Ayos lang. Thank you sa inyo," walang gana kong sagot sa kanila habang naghihintay kami ng lift.

Tamad na tumingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Text mula kay Jaxon.

Jaxon

I'll be donating my blood to Lorraine. I'm on my way there


Hindi na ako nag-abala pang replyan iyon dahil wala talaga akong gana. Hindi ko alam kung anong dahilan. Ni hindi kami natapos mag-usap nang gabing 'yon dahil biglang dumating si Tita Criselda na sa tingin ko ay wala ring alam. Nakakapagtaka lang na alam ni Jaxon ang tungkol rito pero ang malalapit sa kaniya ay hindi.

"Ayos ka lang ba, Rae? Sinabi sa'min ni Levi na hindi ka pa nagpapahinga, baka naman kung mapano ka niyan," Yerim suddenly uttered when we enter the lift.

I heaved a sigh then I rested my head at the lift's wall.

"Ayaw sa'kin ng dad niya. He only wants my daughter," wala sa sarili kong sabi sa kanila.

"What? Who told you that?" Rafa hissed. Narinig ko naman ang pagmumura ni Yerim.

"Seryoso ba? Sabi mo ay mabait naman silang lahat sa'yo," hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Yerim kaya natawa ako.

I wish it was true.

Napailing na lang ako nang bumukas na ang lift at lumabas na kaming lahat. Ramdam ko pa rin ang pagpupuyos ng galit ko.

"I accidentally overheard everything. Siya ang nakabangga kay papa noon at iniwan na lang para mamatay," puno ng hinanakit na sinabi ko sa kanila habang binabagtas pa rin ang daan patungo sa kwarto ni Ria.

Si Levi ang bantay sa kaniya ngayon. Bumaba lang ako saglit para sunduin silang dalawa. Halos ayaw mahiwalay ni Asteria sa daddy niya kaya hindi na rin ito nakakapasok. Hindi pa rin kami umuuwi kahit saglit kaya nagpadala na lang ako ng mga damit sa dalawang 'to pati na ang kay Levi. Good thing dahil may iilang mga damit na siya sa condo unit ko.

"And? Anong connect? Bakit ayaw niya sa'yo? Siya pa rin ba ang nagdesisyon para sa anak niya?" naiinis na tanong sa'kin ni Yerim kaya halos matawa ako.

Bago kami tuluyang pumasok sa kwarto ay hinarap ko muna silang dalawa. I lazily looked at them and sigh deeply.

"Wala pang alam si Levi. Huwag niyo na lang sabihin. I don't want him to know," pakiusap ko sa kanila.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rafa kaya alam na alam ko nang kokontra siya.

"He should know, Rae. Dad niya 'yon, anong gusto mo? Habang minamahal mo ang anak niya ay iniinsulto niya ang pagkatao? Siya na nga itong nakapatay, e. Kung ako sa'yo, ipabukas mo ulit ang kaso ni Tito Apollo," she suggested.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now