Kabanata 33

472 9 0
                                    

Kabanata 33

Attempt

"How's your head?" Levi immediately asked me when he enters our room from outside.

May dala itong food tray at matamang tumingin sa'kin. Simple lang ang suot nito at mukhang kanina pa gising kaya napangiti ako.

"Saan ka galing?" I asked him at nanatili lang ang tingin ko sa kaniya.

Umupo ito sa tabi ko at bahagyang inayos ang buhok ko. Kinusot ko ang mga mata ko dahil kagigising ko lamang kaya nang akmang hahalikan niya ako ay lumayo kaagad ako sa kaniya.

"Hindi pa ako nakakapag—"

"It's fine. I want a kiss," nakanguso niyang sinabi sa'kin na inilingan ko lang.

Mabilis akong umalis sa tabi niya at diretsong tumungo sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Nang matapos ako ay nadatnan ko siyang nakaupo pa rin sa kama habang panay ang paninitig sa'kin.

"Stop staring, Levi," sambit ko sa kaniya dahil hindi pa rin niya ako nilulubayan sa titig niyang 'yon na parang gusto niya akong tunawin.

He smirked and stood up. Pumwesto siya sa likuran ko at kitang-kita ko sa salamin ang pagbaon niya ng mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit na hininga niya roon.

"Then stop being pleasingly beautiful, Rae," he whispered. "Especially when you're wearing my polo..." he added.

Napaigtad ako dahil sa sinabi niya at mabilis na tiningnan ang kabuuan ko. Napanganga na lamang ako nang ngayon ko lang ito napansin. Matapos naming gawin iyon sa karagatan ay nag-inuman pa kaming lahat. Ang huli ko lang naalala ay ang pagbalik namin ng cottage at ang mga sumunod na nangyari ay burado na sa isip ko.

Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. May times na naaalala ko lahat ng nangyari pag lasing ako, may araw din na hindi. Kaya hindi ko na maalala kung may ginawa pa ba kami pagkabalik sa kwarto namin kaya ganito ang suot ko ngayon. My nipples are also visible! My god!

"Kumain na tayo," nahihiya kong sinabi sa kaniya at lumayo na sa kaniya.

Narinig ko lang ang paghalakhak niya at sumunod na sa'kin sa table roon katapat ng terrace.

"Pinasunod mo ba rito si Jaxon?" Biglang seryoso niyang tanong sa'kin nang makaupo kami.

Agad ang naging tingin ko sa kaniya at mabilis na umiling. "Hindi, bakit?"

"He's here. I saw him earlier at the restaurant. He's looking for you, sinabi sa'kin ni Rafaella," he replied as he started eating.

Nagkibit-balikat na lamang ako at nagsimula nang kumain. Naalala ko ang huli naming pag-uusap sa telepono nang tawagan niya ako bago kami tumungo rito. He really wants to talk to me and he was insisting kaya hinayaan ko na lamang siya. Hindi ko naman siya matanggihan dahil kahit papaano ay may pinagsamahan kami.

Nang matapos kaming kumain ay nag-ayos na kami pareho at sabay na lumabas sa hotel. Nadatnan namin ang lahat na naghahanda na para sa taping.

"Sir Levi, kailangan niyo raw po itong pirmahan. This is the new contract of Ma'am Astraea's movie adaptation," Kat suddenly approached us and handed some papers to Levi.

Nginitian ko lamang siya nang mabaling ang tingin niya sa'kin habang sunod-sunod na pumipirma ang lalaking ito sa gilid ko.

"Hindi mo man lang ba babasahin? Baka may ayaw kang—"

"No need. It's you. I don't care about anything but you," simpleng putol nito sa sasabihin ko kaya napataas lang ang kilay ko.

"Pero sa ibang kliyente ay ayaw niya ng hindi babasahin ang kontrata. Ilang beses pa pinapabago pag may nakita siyang mali," dinig kong bulong ni Kat nang natatawa.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now