Kabanata 58

331 10 0
                                    

Kabanata 58

Somewhere

"Love," someone called me outside our room.

Napatingin ako sa pintuan ng kuwarto nang marinig ko iyon. Sigurado akong si Levi iyong tumatawag sa akin mula sa labas dahil kabisadong-kabisado ko na ang boses niya. Isa pa, wala namang ibang tumatawag sa'kin ng gano'n kung hindi siya lang.

"Are you awake?" tawag niyang muli, ngunit hindi ko magawang sumagot dahil sobrang sakit ng lalamunan ko at wala akong lakas.

Ngayon pa yata ako magkakasakit!

Dalawang araw na ang lumipas mula nang makabalik kami mula sa kambal ng Tierra Fima. Sakto pagkabalik namin ay saka sumama ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng katawan ko.

Maya-maya pa, tuluyan nang bumukas ang pintuan at iniluwa na noon si Levi na may dalang tray ng pagkain. Sumalubong kaagad sa akin ang malawak na ngiti niya dahilan para mapangiti na rin ako.

"Breakfast in bed?" nakangiti niyang tanong sa'kin bago umupo sa gilid ko.

He suddenly lean towards me and gave me a soft kiss on my forehead kaya lalong lumawak ang ngiti ko.

Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nakakunot na ang noo niya at wala na ang ngiting iyon sa labi niya. Bago pa ako makapagsalita ay idinampi na niya ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko.

"You're burning. Nilalagnat ka, bakit hindi mo sinasabi?" histerya niyang tanong sa akin, bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at lalong niyakap ang comforter na bumabalot sa buong katawan ko. "Pakipatay 'yong aircon, please..." halos bulong kong sinabi sa kaniya.

Mabilis ang kaniyang naging kilos nang kunin niya iyong remote ng aircon at pinatay iyon bago bumaling sa akin, naroon pa rin ang pag-aalala sa mukha niya.

"Anong nararamdaman mo? Should we go to the hospital? Kailan ka pa nilalagnat?" nagpapanic na sinabi niya sa akin kaya halos matawa ako.

Narinig ko pa ang paulit-ulit na pagpapakawala niya ng mga malulutong na mura kaya inabot ko na ang kamay niya. He suddenly look at me while frowning.

I just gave him a half smile, "Calm down. I'm fine. Masakit lang ang ulo ko. Kailangan ko lang ng pahinga."

"Are you sure?" paninigurado niya.

"Ayos lang ako. Where's Ria?" tanong ko sa kaniya at niyakap na ang braso niyang iyon. "Please, stay," I whispered before I felt his lips against me.

Hapon na nang gisingin akong muli ni Levi para kumain. Buong araw lang akong nasa kuwarto naming dalawa kaya naman buong araw lang ring nakabantay sa akin ito. Hindi rin niya hinayaang pumasok ang anak namin dahil baka mahawa lamang ito.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now