Kabanata 27

502 13 0
                                    

Kabanata 27

 Father

"What? Sinabi niya 'yon? Kaya pala nang umalis ka noong araw na 'yon ay halos isumpa ka niya."

Napatingin ako kay Yerim dahil sa sinabi niya.

"Isumpa? Paano mo naman nasabi?" takang tanong ko sa kaniya.

"Noong huli kasi naming makita si Levi, hindi ka na niya tinanong sa amin na which is unlikely of him. When we asked why, sabi niya lang ay wala na siyang pakialam sa'yo at ayaw na niya sa'yo," Rafa responded to what I asked to Yerim.

Napatingin naman ako sa kaniya. Tumaas-taas pa ang kilay nito bago umirap sa kawalan. She suddenly stopped eating and sipped on her juice.

"Alam mo? Sayang si Jaxon, okay pa naman sana siya pero bakit niya ginawa 'yon? I don't understand," Yerim uttered.

Tamad akong bumuntong-hininga saka tinapos na ang pag kain ko. We were having lunch at the pantry of our building. Mabuti na lang ay mamaya pa ang meeting ng lahat para sa second scene ng book ko. Wala akong ideya kung anong sunod nilang gagawin kaya bago gawin ang next scene ay ni-request ko na magpa-meeting muna.

I suddenly remember how Levi talked to me that midnight. Punong-puno iyon ng sakit at galit kaya wala akong maintindihan kung bakit ganoon ang inaakto niya na dapat ako lang ang nakakaramdam dahil sa ginawa niya. He wasn't there when I needed him the most but choose to be with Marichu. Ilang beses kong sinabi sa kaniya kung gaano ko siyang kailangan nang mga oras na 'yon ngunit hindi niya ako pinagbigyan kahit saglit. Kaya nagdesisyon akong putulin na ang lahat ng koneksyon ko sa kaniya maging ang anak niya. I don't want him to know about our daughter dahil ayokong pati ang anak ko ay hindi niya piliin pagdating ng panahon. I can raise Asteria alone. I don't need him.

"So, what happened when we left at your condo that night? Nakita ba niya si Ria?" Yerim asked, changing the topic.

Tiningnan ko siya nang matalim maging si Rafa. Pakiramdam ko ay sinadya nilang dalhin ang lalaking iyon sa condo. Hindi ko na talaga alam minsan kung anong nasa isip nila.

"Huwag ka nang magalit, Rae. Nagkita ba sila? 'Di ba hindi naman," Yerim added kaya halos murahin ko siya.

"Paano kung nagkita sila? Alam niyo naman ang rason ko kung bakit ko tinanggap ang trabaho ko sa New York, 'di ba?" naiinis na sambit ko sa kanilang dalawa.

"What is it, then? To hide? To escape? That's bullshit," Rafa suddenly uttere kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

Malalim ang tingin sa akin ng mala-pusa niyang mga mata kaya nangunot ang noo ko. Pinagmasdan ko lang kung paano niya hawiin nang maarte ang buhok niyang 'yon nang hindi nilalayo ang tingin sa'kin.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now