Kabanata 8

731 13 1
                                    

Kabanata 8
Manila talk

"Are you sure you want to leave? Why?" Salubong na tanong sa 'kin ni Ms. Lim nang makapasok ako sa office niya.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan kahit hindi naman niya ako pinapaupo. I just feel like sitting dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak ako sa sahig dahil sa panghihina. Marahas akong bumuntong-hininga nang mapansin kong kanina pa ako nagpipigil ng hinga.

"You know how good asset your are to our company, Rae. Bakit biglaan ito?" Dagdag na tanong pa nito.

Napapikit ako nang mariin bago magsalita. "May fifteen days pa naman ako para kumpletuhin ko lahat ng mga naiwang task ko, Miss Lim. Tatapusin ko po lahat 'yon," kaswal na sinabi ko sa kaniya at tiningnan na siya nang diretso.

She's still frowning. Gulong-gulo sa biglaang desisyon ko, ngunit hindi na ako puwedeng mag back out. I need this.

"Bakit nga? Bakit biglaan? Look, if you're not happy by what happened to you at that vacation trip, please let me know so I can arrange—"

"No, Miss. I was happy. Nagpapasalamat ako dahil nangyari ang bakasyon na 'yon. Nakakuha ako ng bagong ideya sa susunod na isusulat kong libro and I am so much willing to finish that book before I leave. I hope you understand, Miss Lim," I said to her, cutting her off.

Matagal bago siya sumagot kaya nanatili ang tingin ko sa kaniya. Hinihintay ang magiging desisyon niya. Nang sa huli ay pumayag na siya sa gusto ko ay laglag ang balikat ko nang umalis ako sa office niya. Walang gana akong bumalik sa working office namin na parang gusto ko na lang umuwi at huwag nang pumasok kahit kailan.

I feel empty and disgusted.

Ilang araw na ang nakalipas nang makabalik kami sa Manila. Hindi ko naabutan sina Rafa at Yerim sa staff house dahil nasa kani-kanilang pamilya pa ang mga ito. Next week pa raw ang balik kaya lalo akong tinatamad magtrabaho. Nang umuwi ako ay iniwan ko ang isang katauhan ko sa islang iyon but that last scenery that I saw is still haunting me up to now. Ni hindi ko mawaksi sa utak ko ang ekspresyon niya habang nakatingin siya sa babaeng 'yon at isinantabi lamang niya ako nang gano'n kadali. Kahit pa sinabi niya na gusto niya pa akong makilala. Kahit pa may nangyari sa 'min.

"Rae," I heard someone called me.

Tamad akong tumingin sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Miss Rochelle na malungkot na nakatingin sa 'kin. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya na ginawa ko rin kalaunan.

"Bakit po?"

"Do you want coffee?" Tanong nito sa 'kin nang nakangiti.

Napatango na lamang ako nang maintindihan ko ang sinabi niya.

We went to Sebastian's coffee shop dahil iyon lang naman ang pinakamalapit na coffee shop sa building namin. Ayoko rin naman sa iba dahil hindi ko gusto ang lasa ng sa kanila.

Nang makapasok kami ay ramdam ko agad ang pagkalma ng kalooban ko nang makaamoy ako ng kape. Niyaya ko si Miss Rochelle na umupo sa usual spot ko nang matapos kaming umorder. Wala si Sebastian, naka-leave pa raw ito sabi ng barista niya.

"I heard what happened. Miss Lim told me that you're leaving. Bakit? Saan ka lilipat? I thought you really need this job," sunod-sunod na tanong niya sa 'kin pero wala roon ang atensyon ko, kundi nasa taong nakatayo sa labas ng glass wall ng coffee shop.

Nakatalikod ito sa pwesto ko, ngunit alam na alam ko kung sino ito. His body built is so familiar to me kahit pa likod lang nito ang nakikita ko. Siya 'yan. Bakit siya narito?

"Rae?" Miss Rochelle called me.

I immediately blinked and looked at her. Laglag ang panga ko nang bumaling ako sa kaniya kaya lalong nangunot ang noo niya.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now