Kabanata 28

483 12 0
                                    

Kabanata 28

Waited

My Asteria is such a lovely girl. She's shy and timid but also sweet lalo na sa akin. Sa akin niya nakuha ang pagiging mahiyain niya at sa ama naman niya ang pagiging sweet niya.

"I need to stay here. Hindi ako puwedeng sumama. Sana maintindihan niyo," tamad na sinabi ko kay Levi na panay ang buntong-hininga sa kabilang linya.

Napatingin muli ako sa anak kong tahimik na naglalaro habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko. He's still insisting me to go with them to Tierra Fima. Kung puwede ko nga lang isama ito ay gagawin ko pero hindi puwede. May klase ito at walang magbabantay sa kaniya roon.

"Why? I told you, puwede kang magsama ng kahit na sino—"

"Hindi puwede. I'd rather stay here than go there with my..." I paused and whisper a cussed. "Hindi ako puwede, Levi," mariin na sinabi ko sa kaniya at saka pinatayan na siya ng tawag.

Kung alam lang niya ang totoong dahilan kung bakit hindi ako puwedeng sumama, sigurado akong kahit siya ay hindi na gugustuhing sumama pa.

Hindi ko na inabala pa ang sarili ko roon at mabilis na tumungo sa tabi ni Ria. Nang makaupo ako sa tabi niya ay bumaling agad siya sa 'kin ng tingin saka ako niyakap sa braso kaya napangiti na lamang ako.

"I want to go outside, mum," she uttered.

Napatingin ako sa pinapanood niya at nakita ko roon ang nagpe-play na disney movie.

"Where do you wanna go?" I asked her habang nanonood na rin.

"Uhm..." she murmured kaya natawa ako.

"Just... outside, mommy," she added kaya napatango na lamang ako.

"M... kay. Let's go change your clothes," I told her at iginiya na siya patungo sa kwarto niya.

Nang matapos kaming magbihis ay lumabas na kami. I decided to just bring her to the park, sa likod lang ng building na ito. Nakita ko iyon nang maglakad ako patungo sa coffee shop ni Seb. Marami rin ang naglalaro kaya sa tingin ko ay magugustuhan iyon ni Ria.

"Do you want to eat before we go to the park?" Tanong ko muli sa kaniya habang patungo kami sa lift ng condo building.

Narinig ko pa ang pagtunog ng cellphone ko nang sunod-sunod ngunit hindi ko na pinansin iyon. Sigurado akong ang Levi na naman na iyon. Nagsisisi talaga ako na nalaman pa niya ang number ko. Bwisit siya!

"Busog pa po ako," Ria uttered as we were waiting for the lift to open.

Saglit ko pa siyang tiningnan hanggang sa tumunog na ang lift at bumukas iyon. I was about to walk towards it when I saw who came out of there so I was stunned.

Halos lumabas ang puso ko sa katawan ko nang makita ko ang pagtutok ng tingin niya kay Ria saka bumalik sa'kin at muling bumaling ulit sa anak ko. Nakita ko kung paano niya ako tingnan at ang anak niya. Na parang dumagsa bigla ang mga katanungan sa isip niya at sa oras na iyon mismo ay kailangan niya ng kasagutan.

"L-Levi..." I uttered and gasped an air.

"You!" Ria suddenly hissed then looked up to me. "Mommy, siya po 'yon! The one who gave me the hairpin," dagdag pa nito kaya halos matumba ako dahil sa pagtawag niya sa'kin.

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari. Nakita ko na lamang ang mabilis na pagbitaw sa'kin ni Ria at tumungo kay Levi na tulala pa ring nakatingin sa bata. Asteria arched her arms around his left arm and hugged it. Ramdam ko ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kalooban ko nang bigla na lamang yumuko si Levi upang yakapin ang anak ko... nang mahigpit.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu