C1

1.6K 106 20
                                    

A/N:Baka malito kayo ah?Ik-kwento ko muna ang nangyari dati sa kanila:)Happy reading!

--------------------




Sumabay kami ni Cass kay Kuya Qui papuntang unibersidad.Araw-araw naman e.Agad kong inilayo ang braso ko kay Cass dahil baka marumihan ako sa kinakain niya.




"Cass!Ang dungis mo ng tingnan."
Saway ko sa bunso kong kapatid.Maasim ang mukha kong nakatingin sa bagong labang uniporme niya.Ganito pa talaga ang mga elementary?Hindi naman ako ganito dati ah?





"Pabayaan mo muna.May extra naman siyang damit dito." Singit ni Kuya na nakatingin sa side mirror.I just gave kuya a 'fine' look before I inverted my gaze on the window.

In-enjoy ko ang simoy ng hangin nang binuksan ko ang bintana ng kotse.I closed my eyes and breath heavily.





"Sav!"
Nagulantang ako sa biglaang pagtawag sa'kin.I am pretty sure na hindi iyon galing sa loob ng kotse dahil iba yung boses.Nabigla ako nang makita ang isang kotseng kasabay lang din ni Kuya Qui sa pagmaneho.Nakasandal ang braso ni Angelo sa backseat ng sinasakyang kotse niya.





"Angelo!" Malaki ang ngiti ko habang kinakawayan siya sa labas ng bintana.Agad naman akong sinita ni Kuya na nakatingin sa'kin sa salamin.

"Sinong kinakawayan mo diyan,bunso?Huwag mong ilabas ang kamay mo sa bintana!Baka maputol ang kamay mo,sige ka!" May halong pananakot ang boses niya.




"Sorry kuya." I behaved myself.Nakalagay lang ang mga kamay ko sa aking hita.Pasimpleng binalingan ko ulit si Angelo na nasa hulihan na ng kotse namin.





Manliligaw ko si Angelo since last week.Palagi niya akong binibigyan ng bulaklak at teddy bear.May pagka gentleman din siya na nagugustuhan ko sa kaniya.Hindi pa ito alam ni Kuya dahil kung sasabihin ko ay baka bigla siyang magiging dragon sa harapan ko at malaki ang posilidad na susugurin niya si Angelo!

My phone lightened up.





Angelo:

Good morning!destiny nga naman hahaha.Magkasunod ang kotse natin!



I smiled bago nag tipa.




Me:

Thank you pala sa flowers kahapon,Angelo.

Angelo:

No prob Sav.I love youuu!



Pinagbuksan kami ni Kuya ng pintuan.Inalalayan ko naman si Cass na bumaba sa kotse.Kuya Qui locked his car.

Si kuya ang palaging humahatid kay Cass sa classroom niya bago siya pumunta sa department niya.Grade 7 ako kaya hindi parehas ang daan.






"Una na'ko!" I kissed Cass and then Kuya on the cheeks.May mensahe si Angelo sa'kin na magkita daw kami sa likod ng cafeteria kaya doon ako nagtungo.

"Sav!" Tawag niya nang makita ako.Nanlaki ang mata ko nang niyakap niya 'ko.



"A-angelo."

"Here!Flowers for you!"
Agresibo niyang binigay sa'kin ang rosas.Maalat akong ngumiti.

"Thank you."

"So...tatlong linggo na kitang niligawan.Sasagutin mo naba ako ngayon?" Ngumiti siya.

What?Ni hindi pa nga umaabot ng dalawang linggo ang panliligaw niya sa'kin tapos sasabihin niyang tatlo?




Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now