Epilogue

1K 69 101
                                    




This is the last chapter of Yielding The Sky

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


This is the last chapter of Yielding The Sky. May you enjoyed reading as much as I enjoy writing them!♡

Warning: Matured Content ahead.Read at your own risk!

-----------------------





It's not a race when it comes to love. It is not about placing first,second,or third. It is not about how much they love you back or ensuring that you are the most loved.When you truly love someone,their happiness is more important than your own.And that's what Skie did.He let me prioritize my own decision in order for me to fix myself first.He was patient even if he waited me for too long without having an affair.

Kaya mahal na mahal ko siya dahil doon at hindi ko ikinakahiyang isigaw sa lahat na mahal ko siya.

Sunod-sunod ang death anniversary ng aking pamilya.Kahit busy ako sa pagpapalago sa negosyo ngayon ay ipinahawak ko muna sa isang pinagkakatiwalaan kong manager ang lahat ng responsibilidad sa resto para makabisita ako sa sementeryo.


"Sure ka bang ipagpapaliban mo ang meeting mo ngayon?Pwede namang kami na lang ni Brayleigh ang pupunta-"

"No.Mas priority ko kayo kaysa sa trabaho." Sagot niya habang nagbibitones ng polo at hindi nakatingin sa'kin.

Hindi nakatas ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.Ano ba naman 'to.Parang tanga.

"E baka...importante ang pag-uusapan ninyo sa assembly tapos wala ka do'n," Pangangatwiran ko at nilapitan si Brayleigh na kakapasok lang sa kwarto para suklayin ang kaniyang mahabang buhok.

"I told you.Mas importante kayo sa kahit na ano mang bagay.Even me.You two are my priority more than myself."  he declared.

Mas lalo akong napangiti.Eto talaga!

"Okay.Sabi mo e,"



Naghanda na kaming tatlo para makaalis na ng bahay.Bago pa kami pumunta sa sementeryo ay bumili muna kami ng bulaklak.We headed to the cemetery right away.Matapos no'n ay bumaba na kami sa kotse at naglakad papalapit sa maliit na puting bahay kung saan inilibing si Papa Fernando,Mama Gloria,Kuya Qui at si Cass.

Mayroong isang bench na upuan roon at maliit na lamesa.

Hinimas ko ang kanilang lapida at ngumiti ng matamlay.Miss na miss ko na sila.Sayang lang at hindi nila naabutan ang anak namin ni Skie.Siguro ay ang saya-saya talaga ni Papa at Mama kapag nakita nila si Brayleigh dahil may apo na sila.I really miss Kuya Quintin's vibes.Siya ang nagsisimula ng good vibes sa'min noon kaya nagiging bibo ang paligid while Cass always spread cuteness.

Bumuntong hininga ako nang naaalala ang masasayang panahon dati na naging ala-ala na lang.I felt a sting pain in my chest.Parang sinsaksak ng karayom ang puso ko dahil sa sakit.


Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now