C36

597 48 33
                                    




May kalayuan pa ang pagitan ng tricycle sa patutunguhan pero kitang-kita ko mula rito ang malaki at maitim na usok sa ere.Lalo akong nanghina sa nakita lalo na nang makalapit kami.

Nagmamadali akong bumaba sa tricycle at nagmamadaling kinuha ang wallet sa bulsa.

"Ay,huwag na po!Libre ko na lang po iyon sa inyo." Wika ng tricycle driver.

Pinunasan ko ang aking luha.

"S-salamat po,manong!" nagawa ko pa ring ngumiti sa driver kahit na hinang-hina na ako.

Tumalikod na ako at tumakbo papalapit sa aming bahay.Nanginginig ang tuhod at kamay ko habang nakatingin sa mga bahay na nasunog.Napakaingay ng mga tao.'Yung iba ay nagsasalba ng kanilang mga gamit,nag kapit-bisig sa pagpasa ng mga baldeng tubig para kahit papano ay nakatulong sila sa fire fighter.

Magkadikit ang bawat bahay kaya madaling kumalat ang apoy.

"Huwag niyo akong hawakan!Nandoon ang anak ko!" Umalingawngaw ang sigaw ng matanda habang pinipigilan itong makalapit sa bahay nila.

Ang ginawa ko ay lakad at takbo.Halos matumba ako dahil may nababangga akong mga tao.Nang naaninag ko na ang bahay namin ay doon ako napatulala habang takip ang bibig.Pumula ang mga mata ko dahil sa mainit na likido sa gilid ng aking mga mata.

Nakita ko ang napakalakas na apoy galing sa bintana at nahuhulog na mga kahoy.


"CASS!PAPA!" sigaw ko habang umiiyak.

Gusto ko silang isalba!Gusto ko silang iligtas dahil hindi ko na alam ang gagawin kung mawawala sila sa'kin.Hindi ko pa kayang maiwan.Hindi pa ako handa!

Nagmamadali akong lumapit sa bahay pero biglang may humawak ko.Lumingon ako sa babae.

"Hija!Jusko po!" nag-aalalang si Aleng Sona.

"H-hindi po ba sila n-nakalabas sa loob ng b-bahay?" nanghihina kong tanong.

Mangiyak-ngiyak rin siyang nakatingin sa'kin at niyakap ako.Hindi nakasagot si Aleng Sona at nakuha ko na agad ang sagot.Napapikit ako at tinulak ng mahina si Aleng Sona.

Naalarma siya dahil naglakad ako ng mabilis papunta sa bahay na halos magiba na dahil sa sunog.

"HIJA!!!A-ANONG GAGAWIN MO?"
Sabay hawak sa'kin.

"Aleng Sona!Please!Bitawan mo po ako!K-kailangan ko silang iligtas!" galit kong sigaw.

May humawak pa sa'kin na hindi ko kakilala dahil nakita nila akong nagwawala.

"MISS!NAPAKADELIKADO!"

"Hawakan niyo ng maigi!"

"TANGINA!SABING BITIWAN NIYO AKO E!N-NASA LOOB ANG PAPA AT KAPATID KO KAYA PARANG AWA NIYO NA!!!" galit kong sigaw at nagpupumiglas sa tatlong taong nakahawak sa'kin.

"Kayong mga rescuer's!Nasaan na kayo?!Iligtas niyo ang papa at kapatid ko!" umiyak ako ng umiyak.

"Masyadong malakas ang sunog kaya wala na yatang pag-asang pasukin ang loob ng bahay niyo..." sabi ng isa.

Umiling-iling ako at galit na sumigaw.

"Kumalma ka muna, hija..."

"P-PAANO AKO KAKALMA SA GANITONG SITWASYON?!"

Hindi pwede!Pwede pa silang mailigtas!Posibleng maisalba pa sila dahil kung hindi,nagwawala talaga ako!

May kung anong sumabog sa loob ng bahay kaya napasigaw ang iba.Mas lalo akong nagwala at humikbi sa nangyari lalo na't nahulog ang kisame sa bahay.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now