C42

614 47 16
                                    

I changed the Elperes Series 2 story title into Yielding the Sky.Huwag po kayong malito.'Yun lang po,salamat!

------------------------------


Wala ni isang salita ang naibigkas ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot  sa tanong niya.Sasabihin ko bang siya ang ama o hindi?

Nakikinig si Brayleigh sa'min kaya kung sasabihin ko ang totoo sa harapan ng anak namin ay talagang magugulat siya kung magiging diretso ako!

Iniwas ko ang paningin ko sa titig ni Skie sa akin.Hindi pa rin siya umalis sa'king harapan.Talagang gusto niya marinig ang sagot ko!

"Nandiyan na ang bride!Omg!" rinig kong sigaw ng isang bisita.Napatingin ako sa paligid.Ready na ang lahat!Ang mga flower girls at iba pa ay nakaready na ring maglakad sa red carpet ng simbahan.

Sakto ring nakalapit na si Tita Fel na kagagaling lang sa pagkuha ng gatas ni Brayleigh.Tinawag niya ako kaya agad kong iniwang nakatayo si Skie.

Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.Nakita ko ulit ang mukha niya.For almost ten years ay nakita ko ulit siya...Hindi nakawala ang puso ko na nagsasabing miss na miss ko na siya.Mahal ko pa rin siya kahit ilang taon na ang nakalipas.Siya pa rin.Siya pa rin talaga.

I wonder if he still loves me 'til now.Gusto kong tanongin siya kung mahal pa ba niya ako hanggang ngayon kasi ako oo.Hindi pa rin nabubura ang pangalan niya sa puso ko lalo na't araw-araw kong nakikita ang anak namin kaya naiisip ko siya palagi.

Nagising ako sa ulirat nang may nagpalakpakan na.Naglalakad na pala ang mga batang naghahagis ng petals at mga kakilala nila.Nakita ko si Cloud na nasa harapan katabi si Skie.Tinapik-tapik niya ang balikat ng kaniyang ikakasal na kakambal.Bagay na bagay kay Cloud ang kaniyang suot kaya lalo siyang attractive.

May musikang nakakagaan ng loob na tumugtog nang naglalakad na ang bride ng dahan-dahan papunta sa harapan.Napanganga ako ng kaunti at ngumiti nang nakita ko si Sasha!

She's more than beautiful now!Talagang mahuhulog lalo si Cloud nito sa kaniya.Hindi ko talaga inakalang invited ako kahit hindi ko sila nakakausap at nakikita ng ilang taon.

Naiiyak siya habang naglalakad patungo sa groom.Napakagat ng labi si Cloud nang nasa harapan na niya ang magandang babae na magiging asawa na niya.

"Mommy?Can I ask again?" nabaling ang buong atensyon ko sa'king anak.

"What is it,Bray?" malambing kong wika.

"Sino po sila?Hindi ko kasi sila kilala e.You know them po?" Ngumiti ako at tumango.

"E 'yung poging lalaki po kanina?" Tanong niya ulit dahilan para mapalunok ako.

"Yes,baby..."

"Kaano-ano mo po siya,mmy?"

Talagang interesado talaga siyang malaman tungkol sa ama niya.Brayleigh is really talkative dahil nasanay na siyang nakikipag-usap sa iba.Mababaw lang ang kaligayahan niya.If you'll give her a hug or a peck of kiss,ngumingiti agad siya at nagpapasalamat kahit hindi naman kailangan.And I love her the way she is.Siya ang dahilan kung bakit gumagaan ang pakiramdam ko at nagiging bibo ang paligid kapag malungkot ang araw ko.

"Leigh apo?You want chocolate candies?" singit ni Tita Fel dahil nakita niya siguro akong naiilang sa tanong ni Bray.

"Yes po,Tita lola!"

Nakahinga ako ng maluwag.Narinig ko ang panunumpa ng dalawang kinasal sa harapan ng altar.Hindi ko maipapaliwanag kung gaano kasaya ang mukha ng dalawa.Kumikinang ang mga mata ni Sasha dahil nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon