C43

740 60 55
                                    

Dedicatedto: @mslexiana




Aakmang aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko dahilan sa pagtindig ng balhibo sa'king katawan.For how many years,naramdaman ko ulit ang haplos niya!

Dahil sa kaba ko ay binawi ko agad ang aking braso.

"Can you be honest this time?"

Kumunot ang noo ko.

"T-totoo naman ang sinasabi ko." maang-maangan ko.

Bumuntong hininga siya at tumayo ng matuwid sa akin at binigyan ako ng matamang titig dahilan para mapalunok ako.

"Sino ang ama ng anak mo?" matama niyang tanong.

"HINDI NGA IKAW!"

"Hindi ko sinabing ako.Gusto ko lang malaman kung ano ang pangalan ng kinakasama mo." matabang niyang sabi.

Mas kinabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Ern." sagot ko. "Ern Loquez ang p-pangalan.Okay ka na?"

Gusto kong bawiin ang sinabi ko.Gustong-gusto kong sabinin ang totoo pero ang problema ay may pamilya na siya.Ginamit ko pa talaga ang pangalan ng close buddy kong lalaki noong college!
Sorry,Ern.

Iyon ang araw na nakita ko siyang muli.Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami ulit sa hindi inaasahang panahon.Hindi na rin ako nag-expect na makakasalamuha ko ulit siya dahil wala na kaming connection.

Tumunog ang cellphone ko habang abala sa pag i-instruct sa mga empleyado ko.Lumayo muna ako sa kusina at sinagot iyon.

"Ano po iyon,Tita?"

"Sav hija!Half day lang ang klase ni Brayleigh kaya pauwi na kami sa bahay kaso itong cute na batang ito ay nanghihingi ng pabor na puntahan ka diyan sa resto!" rinig ko pa ang boses ni Bray.

"Please tita lola!Punta tayo kay mommy..."

Natawa pa ako at napailing-iling.

"O sige po,Tita.Tamang-tama ring may cookies dito." sagot ko.

"Oo raw sabi ng mama mo!" ani Tita kay Brayleigh.

Rinig ko ang matagumpay na sigaw ng anak ko dahil sa saya.Ininaba ko na iyon at  naglakad papuntang kusina.

"Hoy friend!Pwede ako muna ang waitress ngayon?Ang pogi kasi nung isang costumer na kakapasok lang e!"

Napahinto ako habang nakakunot ng noo sabay lingon sa nag-uusap na empleyado.

"Anong pinag-uusapan niyo riyan?Bakit hindi pa kayo gumagalaw."

Agad silang nabuwag at nagmamadaling umalis para magtrabaho ulit.Bumalik ulit ako sa kusina para tingnan ang mga chefs.

"Pakikuha nga ng lettuce,Tonton." utos ng isang chef.

"Another order!May pahabol pang order ng isang costumer!3 dishes in total."

"Ma'am?" napalingon ako sa isang waitress na si Gretchen.

"Hmmm?"

" 'Pinapatawag ka po ng anak ninyo..."

Tumango naman ako at lumabas.Agad ko namang nakita si Brayleigh na may suot pa ring bag sa kaniyang likuran.

"Mmy!" Niyakap niya ako kaya agad ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Nasaan ang Tita lola mo?"

"May kinuha pa po sa kotse..."

Napalingon pa ako sa likod niya para tingnan ang labas sa glass window pero may mas nakakuha ng atensyon ko.Hindi ko matigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang nakita si Skie sa isang bakanteng upuan!

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now