C45

806 60 30
                                    


Napahikab ako at suminghot.Mas lalo ko pang niyakap ang katabi ko dahil ang sarap sa pakiramdam kapag kayakap ko ito.Isinandal ko rin ang isang paa ko sa kaniya.

Kumunot ang noo ko habang nakapikit pa rin nang may narinig akong muntik halakhak.Dahil sa antok ko ay hindi agad ako dumilat.Mas lalong kumunot ang noo ko dahil may naamoy akong pabango.Unti-unti akong dumilat at naaaninag ko ang perpektong mukha ng isang lalaki.

Nakangisi siya!

Napabalikwas ako sa kama dahil sa gulat.Napasigaw rin ako.Galit ko siyang tiningnan habang siya ay nakangisi pa rin na parang gustong-gusto ang yakap ko kanina.


"Bakit katabi kita?Bakit hindi ang anak natin?!"

Tinaas niya ang kaniyang labi.

"Ewan ko sa'yo.Bigla-bigla ka na lang kasing tumabi sa'kin sabay yakap." inosenteng sagot niya.

Napalingon ako sa pintuan dahil may nagbukas nito.Lumuwa doon si Brayleigh na kumakain ng junkfoods.

"B-Brayleigh.Bakit nauna ka pa sa'king bumangon?" Gulat kong tanong.

"E kasi po ang sarap ng tulog niyo lalo na't kayakap mo si Ddy." nakangiti niyang sagot habang ngumunguya.

"And Tita Fel told me that she had to go early in the morning.May dala po siyang bagahe at ipinabigay niya po sa ito sa'yo mmy."

Nilahad ni Brayleigh ang isang puting sobre kaya agad ko itong kinuha at binuksan.

Hindi man lang ako ginising ni Tita Fel para magpaalam sa'kin?Sana ginising niya ako para makapag-paalam ako sa kaniya ng maayos.

Pasensya na't hindi kita ginising kanina Sav hija...Ang ganda kasi ng tulog ninyo at ayaw kong maisturbo kayo hehehe.Mag-ingat kayo riyan.Mamimiss ko kayo...Kayo na rin bahala sa bahay na mag-lock kung sakaling aalis na kayo riyan ha...

-Fel

Napanguso ako sa nabasa.I'm gonna miss Tita Fel.Ilang taon niya akong inalagaan pati na si Brayleigh.Siya ang nag-aasikaso sa anak ko kapag busy ako sa trabaho sa resto at siya rin ang nag hahatid-sundo kay Bray sa school.

Rinig ko ang hagikgik ni Brayleigh kaya napalingon ako sa dalawa.Kinikiliti siya ni Skie.Wala sa sarili akong napangiti.Iniwan ko muna ang mag-ama dahil nagluto ako ng pang-umagahan namin.Nagluto ako ng Chicken Madeira at crunchy taco.Hinanda ko na rin ang mga utensils sa mesa.

Tinawag ko ang dalawa para bumaba.Kaharap ko ngayon si Skie at nasa tabi ko naman si Brayleigh nakaupo.Para akong nanaginip dahil hindi ko inakala na kompleto kami ngayon.

It feel so surreal.

"Wow!Ang sarap nito mmy ah?" maligayang sabi niya nang nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya.Ngumiti ako.

Actually,sinadya kong ito ang aming breakfast dahil ito ang kauna-unahang time na naging kumpleto kaming tatlo.

"Ako ba?Hindi mo lalagyan?" tanong ni Skie na umaaktong parang bata!

Ang mature na nito tapos ang gwapo-gwapo pa!Hindi na kailangang ako pa ang maglagay sa plato niya!

Inis ko siyang tiningnan sabay irap.

"You have hands,right?Why don't you get it yourself?" pagtataray ko.

Ha!Akala niya ay hindi pa ako galit sa kaniya?I still remember of what he did last night.May pa punishment pa itong nalalaman at talagang hindi pa talaga itinuloy.I mean,dapat hindi niya na lang ginawa!

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now