C15

612 69 68
                                    





Hindi ko alam kung nagawa ko bang ibalik sa dati ang pagkakaibigan namin.Hindi ako satisfied sa nangyari.Makalipas ang ilang buwan ay nagkaayos na kami ni Skie.Hindi ko alam kung may gusto pa ba siya sa'kin.I don't wanna ask him about that baka kasi ayaw niyang pag-usapan ay tungkol doon at...ayaw kong marinig ang sagot niya baka masaktan ako.

Dumagsa ang mga balita tungkol raw sa relasyon ni Ayi at Skie.Bigla akong nangamba.Napahinto ako sa hallway dahil sa mga usap-usapan.




"Swerte niya 'no?Nakabingwit pa talaga ng Sky Elperes."

"Tsk,tsk,tsk.Mukhang naakit siya sa kalandian ng babaeng iyan,"

"Alam niyo?ang bitter niyo.Kaya niya shinota si Ayi dahil mahal niya ang tao!kayo talaga."





May kung anong matalim na bagay na sumaksak sa dibdib ko.Binalingan ko ang babaeng nagsabi nun.



"Totoo ba 'yan?" Hindi ko mapigilang nagtanong.

Tiningnan ako ng babae.

"Halata naman e.Tsaka close naman kayo ni Sky 'diba?Siya ang tanongin mo."

Tulala lang akong nakatingin sa kawalan.I felt betrayed!Naalala ko yung panahong sinabi niyang may gusto siya sa'kin.I can still remember that day!I can still recall when he kissed me!Alam kong may meaning ang lahat ng iyon!



Alam kong may kasalanan ako at dahil lang doon ay parang lumalayo na siya sa'kin?

Its just a damn one mistake!At isa pa,hindi totoong hindi ko siya gusto.Nairita ako kay Ayi kaya ko nasabi 'yon.

Can one mistake really change anything?

"Bulaga!"
Hindi na'ko nagulat sa pambubungad ni Reese.

Umupo siya sa tabi ko at alam kong nakatingin siya sa'kin.Nakikiramdam siya sa atmospera ko dahil sa katahimikan.Bumuntong hininga siya bago nagsalita.






"Alam mo na ba?" mahinang tanong niya.

Sumagi agad sa isip ko kung ano ang tinutukoy niya pero umakto akong walang alam.

"Ang alin,"

Bumuntong hininga siya.

"Alam kong alam mo na,Sav.Kilalang-kilala kita,"

I didn't respond back.



"Sinasabi ko na nga bang kakaiba 'yang Ayi na iyan e.Akalain mo?Nag bait-baitan sa'yo para makalapit kay Sky.Isa siyang walang kwentang pinsan.Nagawa pa nga niyang awayin ka e!"



Alam ni Reese kung anong nangyari.Siya lang ang nakakaalam dahil kapag si Kuya,alam kong mag-iiba ang tingin niya kay Skie at ayaw kong mangyari yun.

"Kung meron lang talaga ako sa eksena na yun ay paniguradong hahablutin ko talaga ang buhok niya!Kagigil!" Nangagatal niyang sabi.




Kahit kalat ng may relasyon ang dalawa ay hindi pa rin ako naniniwala.Hindi ako naniniwala kasi hindi ko tanggap.Hanggang uwian na ay may naririnig akong balitang tungkol sa dalawa.

Pati ba naman sa labas ng school?Chismis pa rin?




Hinintay ko si Kuya at Cass sa waiting shed.Buti na lang at hindi matagal ang paghintay ko sa kanila.After we arrived,kumunot ang noo ko dahil may narinig akong sumigaw sa loob ng bahay namin.

"Kuya?Si Mama ba yun?" Takang tanong ko.




Kumunot rin ang noo niya Kuya at lumabas sa kotse.Lumabas na rin ako pati si Cass.Sinundan ko lang si kuya papasok ng bahay.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now