C29

515 46 26
                                    

Dedicatedto:

@_awwedrey_
@kjane05777
@DianeLesha
@krisshaparan

Madali lang ang oras.Nalalapit na ang 18th birthday ko.Pinaghahandaan talaga ni Mama ag debut ko.Nakakapanghinayang lang dahil wala si Papa.

Naaawa at nagagalit ako sa kaniya.Kung hindi talaga siya nangaliwa,bakit hinayaan niya lang ang sarili niyang umalis?Ibig sabihin ay totoo talaga ang sinabi ni Mama na nangangabit siya.Gusto ko mang dumalaw sa kaniya pero hindi ko alam kung saan na siya nakatira ngayon.

Maybe my father is living with his mistress.

Alam kong walang pagkukulang ang Mama ko pero bakit niya nagawa sa'min 'to?Mas masaya ba siya sa kabit niya?

"Eto kaya 'nak?Mas bagay sa'yo ang color red." nakangising si Mama sabay lahad ng isang napakagandang gown.

Namangha ako sa ganda nito.Maganda ang desinyo at ang tela.Mukha ring bagay sa'kin.

"Try mong suotin 'to.Baka kasya."

Tumango ako at sinunod si Mama.

Matapos kong magsukat ay tumawag si mama para sa catering.Hindi naman talaga nagpapa-cater si Mama noon.Ang ama ko mismo ang nagluluto.Siya lahat pero ngayong nawalay na siya sa'min ay wala ng kaming magagawa.

August 2 nang dumating na ang kaarawan ko,dinagsa ng mga mensahe ang messages ko kahit kakagising ko pa lang.Isa-isa ko silang pinasasalamatan kahit nangangalay na ang daliri ko kaka-type.

Cheerie:

Happiest birthday bhie!

Logan:

Sup,Sav!Hbd!Thank you for sending me the invitations.

Sasha:

Happy birthday,Sav! Wishing you all the best!Ingat ka^^

Jona:

Happy 18th birthday sa'yo!

Fred:

Uyyy,legal age na siya HAHAHA!Happy bornday,Sav!May you and your krass live happily ever after!Can't wait kumain!

Marami pa akong nabasa.Kanina pa ako scroll ng scroll na parang may hinahanap na bumati sa'kin.

Nanlaki ang mata ko dahil nag-greet sa'kin si Reese.

Reese:

Happy birthday:)

Naalala ko tuloy kung gaano siya nainis sa'kin at kung paano niya dinapo ang palad niya sa pisngi ko.

Me:

Thank you,Reese!Hindi ka na galit?

Nagulantang ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto.Iniluwa nito si Kuya,Cass at si Mama.Nakasuot sila ng birthday hat habang si Kuya ay bitbit niya si Cass.Hawak-hawak rin ng bunso kong kapatid ang isang cake.

"HAPPY 18TH BIRTHDAY!!!" sabay-sabay nilang sigaw habang papalapit sa'kin.

Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat at tuwa!Nagtawanan pa kami.Tumayo ako at isa-isa silang niyakap.

"Salamat!"

Pinutok ni Mama ang confetti.Nagsitawanan kami dahil sa mismong mukha ni kuya ito lumabas.

"Ang sama ng ugali mo Ma..." nakangusong si Kuya.

"Sinadya 'yun e!Hindi ka talaga mahal ni mama,Kuya.Dahil ampon ka lang!" Biro ko.

"Ma,oh!Ang sama rin ng ugali...Magsama kayo!"

Puro kami bangayan at tawanan.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now