C27

574 53 23
                                    





Ilang araw ng hindi pumapasok si Reese.Wala na akong updates tungkol sa kaniya.Hindi rin niya ako nirereplyan.Ang alam ko lang ay na expelled si Lorena.

Nakangiti lang ako ng malawak habang nakahilig ang palad ko sa'king mukha.Nakatitig lang ako kay Skie habang tutok na tutok sa notes niyang pinag-aaralan ngayon.

He invited me to review our notes here in library kaya syempre ay hindi ako umayaw.Pero imbis na mag review at mag analyze ako ay ang mukha niyang perpekto ang pinag-aaralan ko.Nang maramdanan niyang nakatitig lang ako sa mukha niya ay binalingan niya ako.

Hinampas niya sa pagmumukha ko ang isang papel.

"Aray."

"Quit staring,Veigh," mahina niyang sabi na may halong inis.Matapos ay binalingan niya ulit ang notes niya.

Kumurap-kurap pa ako at bumuntong hininga.

"Mali talaga..."

Dahil sa sinabi ko ay tumingin ulit siya sa'kin.His forehead creased.

"What do you mean?" he asked in confusion.I took a deep sighed again.

"Maling yayain mo'ko makipag-review kasama ka dahil ang tanging ginagawa ko lang naman ay ang titigan ka."

Umawang ang bibig niya.

"It's not a bad idea unless your priority is to review.Alam mo namang may surprise recitation mamaya.You know Sir Jefferson." paliwanag niya.

"E paano?Mas priority kita." I smiled sweetly,nagbibiro.Pinakapriority ko rin kaya ang academics.

I wanted to fulfill my desires in life.At iyon ay ang maging professional.Gusto ko kasing yumaman.There's nothing wrong of wanting to be rich in the future anyway,kaniya-kaniya tayong buhay.Kaya pagbubutuhin ko talaga ang senior days ko kasi binabase rin kasi ang performance mo kung mag ko-kolehiyo ka na.

Pinitikan niya ang noo ko.

"Review ka na," utos niya.Tinapunan ko muna siya ng tingin sabay himas ng noo ko.

Masakit kaya!

"Grabe ka naman sa girlfriend mo..." bulong ko pero hindi niya rinig.

Wala akong magawa kundi mag review.Ilang minuto na yata kaming nandito sa library at napakatahimik pa rin ni Skie sa gilid ko.Tapos na akong mag review at pagod na'ko!

Binalingan ko siya,nakangiwi.Seryoso siyang nagbuklat ng pahina at nagbasa ulit.

"Malapit ka ng matapos?" I asked sweetly.

No response.

"Hoy...pst." bulong ko pero seryoso pa rin siya.

"Gutom na 'yung girlfriend mo.Tara,kain muna tayo." I demanded.Hindi naman effective ang sweet moves ko.

Doon niya lang ako napansin nang tumayo na'ko.

"Saan ka pupunta?" pagbabanta niya.

Nagkibit balikat ako.

"Sa caf. kasi kumakalam na ang tyan ko."

Nauumay na rin kasi ako dito.Hindi rin niya 'ko pinapansin!

Bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin.

"Tara.Libre na rin kita." aniya at hinawakan ang kapulsuhan ko.Nakasunod lang ako sa kaniya habang papunta kami sa cafeteria.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now